Chapter 2

1 0 0
                                    

Caroline's POV



"GOODMORNING!!!" sigaw ni Mitch pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room, nagtataka naman akong tumingin sa paligid kasi lahat sila may hawak hawak na chocolate.

"Anong meron?" taka kong tanong kay Mitch na ngayon ay kumakain rin ng chocolate.



"Bigay ni English person malapit na raw kasi exam." sabi niya kaya tumango tango ako bago umupo sa upuan ko.



"Nags-start na ata siya magreview kaya namigay ng chocolate niya." dugtong ni Mitch kaya napa-ahhh nalang ako.

"Caroline!" tawag sa akin ni Zeke na ngayon nasa tabi ko na kaya tumingala ako kasi nakaupo na ako tapos siya super tangkad kaya mapapatingala ka talaga.



"Bakit?" tanong ko bago ngumiti, karamihan kasi sinabi na ang intimidating ko raw tignan kapag hindi nakangiti kaya natatakot sila makipag usap.



"Do you want some chocolate? You can have these two Toblerones." sabi niya sabay baba sa desk ko at mabilis na umalis para siyang nahihiya na ayaw mawala pagiging maangas.



"Wow toblerone! Naol." sabi ni mitch bago ako tuksuhin sa tingin.



"Pare-parehas lang naman tayo binigyan niya ng chocolate." sabi ko bago ilagay sa bag ko yung chocolate.



"Toblerone sayo, amin cloud 9" sabi niya kaya inirapan ko na lang siya ng paloko.



"Goodmorning class! sorry late ako andaming ginawa sa office. Magstart na tayo sa klase" biglang sulpot ni ma'am kaya napaayos kami ng upo.







[Breaktime]





"Sumasakit ulo ko, andaming lesson na minamadaling ituro kainis!" reklamo ni Mitch bago pabagsak na yumuko.

"Ayoko na please!" reklamo ko rin bago iuuntog sana sa desk ulo ko pero nakahawak agad sa noo ko si Zeke kaya kamay niya yung bumangga sa desk ko.



"Ay, hala, sorry." nabigla kong sabi, kasi naman bakit niya ginawa yun eh gusto ko ngang iuntog ulo ko.



"Sorry, I just wanted to collect your contribution for the Christmas party the week after next." sabi niya, oo nga pala siya treasurer namin while me walang position sa room, ganda lang ganun.





"Magkano ba?" tanong ko bago kunin wallet ko.



"200 pesos for food." sagot niya kaya binigay ko agad yung 200 kasi naman mga classmate ko halatang maiissueng tao.



"Thank you!" sabi niya bago umalis sa pwesto ko.



"Grabe nga yun pinapahalatang may gusto sayo." sabi ni Mitch pero hindi ko nalang pinansin at yumuko nalang, ayoko umasa or magkacrush, i'm too bata for this.



[Uwian]





"Bye!!!" paalam sa akin ni Mitch bago kami maghiwalay sa daan, magj-jeep kasi ako siya magt-tricycle.





"Hi caroline!" bati sa akin ni Zeke, gulat naman akong tumingin sa kaniya kasi hindi hatalang nag aantay siya ng Jeep.



"Sumasakay ka rin pala ng jeep" sabi ko sa kaniya pero napakamot nalang siya ng ulo na parang nahihiya na ewan.



"Yes, I started last month, and it's actually enjoyable even though it's really crowded." sagot niya.





"Diba may sumusundong kotse sayo? Bakit ayaw mo na sa car? Mas maganda kaya yun kaysa mag antay ng jeep sa super tirik na araw" sagot ko, kasi naman men 7 am- 12 pm kami super init.



"I want to try everything, and I thought I wouldn't like it, but it's actually okay." napatango naman ako bago antayin yung papalapit na jeep kung saan ako sasakay.



Medjo nagulat pa ako na same ruta ng jeep pala inaantay namin, baka dun siya nakatira sa subdivision malapit sa amin pero lagpas ng kaunti sa street namin, gets niyo ba?



"Dito ka rin pala" natatawa pero mahina kong sabi kasi magkatabi kami ngayon sa jeep. Kasabay namin yung nga grade 10 na grabe manghusga akala siguro nila bf ko tong kasama ko.



"Yes, I will get off at Imelda Subdivision." sagot niya, sabi na nga ba eh dun siya nakatira, halata naman kasi puro english person mga bata dun akala mo nasa States ang atake sa subdivision nila

"Sa durian street naman ako bababa." sagot ko kaya tumango siya bago maglabas ng wallet.



"Kuya, here's the fare: one for Durian Street and one for Imelda Subdivision, student po" sabi niya bago iabot yung bayad, napatingin nalang si kuya sa mirror niya bago matawa.



"Ang cute gagi." bulong nung ilang studyante na kasabay namin sa jeep.



"Ito oh, pamasahe ko" kalabit ko sa kaniya.



"No, it's okay, I'll cover your fare." tanggi niya kaya binalik ko nalang sa wallet ko yung barya bago tumingin sa daan.



After 20 minutes....







"Bye Zeke, thank you!" paalam ko kay Zeke after ko magpara.





[Home]



Nagbless muna ako kay mama bago ako pumasok sa kwarto ko at nagbihis. Naisipan ko namang buksan socmed ko, ilang araw na pala ako hindi active.

Notification:

-

zeke.gmz started following you on instragram.

-

Zeke Gomez added you as a friend on Facebook.

-

Zeke started following you on TikTok.

"Wow ganto ba talaga siya sa lahat? Sinakop lahat ng socials ko, stalk ko nga"



"WHAT SA 50K NIYANG FOLLOWERS SA TIKTOK AKO LANG FRIENDS NIYA????"



"WHATTTTT ANO TO PATI SA INSTAGRAM AKO LANG DIN???"



Mitch Racelis is calling you on Messenger.



"MIMA ANO TONG NAKIKITA AT NALAMAN KO???" may tiling bungad sa akin sa tawag ni mitch, ingay talaga ng bunganga.

"Anong meron?" taka kong tanong kasi malay ko ba sa nalaman at nakita niya.



"Ikaw lang ang finollow ng campus crush sa school like anong meron sa inyo, una kanina after natin naghiwalay sa daan kasama mo pala si Zeke after nun tapos same jeep pa raw"



"Pangalawa, hula nila kaya natutong mag jeep si zeke para daw sayo,".



"And lastly, sabi sayo eh crush ka niyan."



Mahabang sabi ni Mitch pero natulala lang ako kasi te wala ata sa blood ko umasa pero parang meron na ngayon, binubusog ba naman ako ng pagiging delusional ng bff ko.



"Baka nagkataon lang tsaka kanina lang naman kami nagsabay kaya wala lang yun. issue na fake." sagot ko.



"Eh sa socials bakit ikaw lang inadd and finollow niya? yung mga tropa nga niya tengga sa followers." sabi niya pero hindi parin ako maniniwala na may gusto sa akin si Zeke malay mo nabaitan lang kanina sa akin.



"Ewan beh, wala akong time sa ganyan ganyan." sagot ko, sakto namang tinatawag siya ni tita kaya nagpaalam na rin siya.



[Messenger]

from: Zeke Gomez

hi, caroline.

seen.



to: Zeke Gomez

hla! hellu pu, wait accept lang kta.

seen.

Zeke reacted heart to your message.

My PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon