III

43 3 0
                                    

Drew's

"Hi mga kapatid!" Bati ko sa kanila. "Kain na tayo, may dala akong ulam."

"Kamusta Ate? Nakadami ka?" Tanong ni Ineng sa akin.

"Tama lang," sagot ko sabay kamot nang ulo. "At least may pambaon na kayo hanggang friday."

"Eh Ate," salita ni Bunsoy, "Yung pambayad ko po sa mid terms?"

"Okay na Bunsoy, nabayaran na ni Ate." Ngiti ko sa kanya.

"The best!" Sabay yakap sa akin.

"Kain na tayo, lalamig 'to."

"Ano pong ulam?"

"Liempo ni Lena, fave ninyo."

"Yun!" Sabay nilang sabi.

Nang makatapos na kaming kumain, pumasok na ako sa aking kwarto.

Tatlong taon na din, nung nawala sina Mama.

Sa totoo lang, mahirap magtaguyod lalo na't parehas na college ang dalawa kong kapatid.

"Keep it, pambaon na nang mga kapatid mo."

Hindi padin maalis sa akin ang sinabi nung Ma'am na mataray.

Alam ko binulong ko lang yun eh. Paano niya narinig yun? Baka naman Vampire yun sa past life niya.

Naalala ko, si Mang Dan nga pala ang dating nag-dedeliver dun. Maitext nga.

Kinapa ko ang cellphone ko, nge. Lowbatt.

"Neng!"

"Po, Ate?"

"Peram charger," ngiti ko.

"Kung makasigaw ka Ate akala ko napano kana po." Abot nito sakin nang charger.

"Sorry na, matulog na at 6AM ka bukas."

"Opo, goodnight Ate!"

Agad kong sinalpak ang charger at nag intay hanggang mag 20% ito saka ko binuksan.

Mang Dan, nasaan na number nun?

Text message from ReachDel
Successful Delivery - You've earned P 567.33

Text message from ReachDel
Successful Delivery - You've earned P 129.49

Text message from ReachDel
Successful Delivery - You've earned P 89.55

Text message from ReachDel
Successful Delivery - You've earned P 90.77

Ano ba yan. Puro sa work.

Text message from +63999777***
Hello? Sir or Miss, kulang yung binigay mong order ko, tsk. Next time, pa-double check. -1000000 review ko sayo.

Si Taray!

Kulang?

Tama yun eh.

Teka nga.

Tumayo ako at nagtungo sa aking motorsiklo. Binuksan ko ang delivery bag, at wala naman akong nakita. Anong pinagsasabi nito.

Text message from +63999777***
Hello? Sir or Miss, kulang yung binigay mong order ko, tsk. Next time, pa-double check. -1000000 review ko sayo.

Replying to +6399977***
Maam good eve. Rider niyo kanina, wala pong naiwan sa del bag ko. Anong item po ba yun?

From +63999777***
Kuya, yung chocolate. Maigi pa si Mang Dan complete lagi orders ko sa kanya.

Chocolate? Pinagsasabi nito?

Binuksan ko ulit ang delivery bag ko at may nakapa ako.

Chocolate. Kasing liit nang kul*ng*t ata to. Anong klaseng chocolate 'to?

Replying to +6399977***
Nakita ko na Maam. Daanan ko sa inyo bukas, huwag lang pong -100000 review nyo sakin, pasensya na po di ko nakita, ang liit kasi.

From +63999777***
👍

Ni-likezoned ako?

---

"Tao po, tao po!" Tamo tong tao na ito, sinabi ko na ngang dadaanan ko, wala nanaman nasagot.

Tatawagan ko na sana ang numero nito nang marinig ko na nagbukas ang gate.

"What do you need?"

Dali dali kong binuksan ang delivery bag ko at, "Pahiram nang kamay mo." Tugon ko.

"Ano ako, aso?" Pinagtaasan niya ako nang kilay.

"Hindi, sa ganda mong yan." Hirit ko. Kita kong nagpipigil ito nang ngiti. "Sige na Maam, para naman 5 star i-review mo sa akin."

"Fine." She rolled her eyes.

"Tadan!" Bulalas ko sabay abot sa palad niya nang tsokolateng sing-laki nang ano, "Nakita ko na," sabay kamot ko sa ulo ko, "Pasensya na po, Maam."

Nakita kong sumilay ang mumunting ngiti sa labi nito na agad din nitong binawi.

"Thanks." Tumalikod na ito at dahan dahang sinarhan ang gate.

Sinarado ko na ang aking delivery bag at umaasa na mag-order ito ulit.

Zephyr's

Natuwa ako sa effort na Kuteng Rider na di ko alam kung sir ba yun o miss.

Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ang lakas nang kabog nito? Nagbawas na ako sa coffee intake ko ah?

Hindi kaya dahil kay Rider ito?

Hindi ka pwedeng ma-inlove sa Mortal di ba? Hindi mo ba naalala kung ano sila.

Oh yeah, right.

--
😎

The Mortal and I.Where stories live. Discover now