"Bakit pa ako mangangarap? Eh wala namang mangyayari. Ito na ang aking tadhana, tanggapin ko nalang ito, para di na ako mabigo."
Isinuko na ang bandera kahit hindi pa tapos ang laban tssk tssk !Oo mahirap talaga bumangon kung ikaw ay nanggaling sa pagkabigo. Napakasariwa pa ng sugat upang ikaw ay magsimula muli. Okay lang naman magpahinga ng PANGSAMANTALA. Huwag ka lang mamahinga ng pang habang buhay. :)
No matter what happened to you in the past, huwag kang aayaw at bibigay. Totoo ang kasabihan,"habang may buhay, may pag-asa."
Mawala na ang lahat, wag lang ang pag-asa. Dahil ito nalang ang pwedeng mag dugtong ng iyong hininga. Ito ang magbibigay sa iyo ng kapangyarihan para makapag-umpisa muli. Ito ang magbibigay ng lakas ng loob para makapag-umpisa ulit. Ito ang tanging apoy na magsisindi ng iyong nauupos na kandila.
BINABASA MO ANG
NEVER GIVE UP!
Short Storylahat tayo dumadaan sa pagsubok. kung sa tingin di mo na kaya. subukan mong basahin to. MAY PAG-ASA PA.