hAbang busy sa pag uusap ang mag ama palihim naman na nakikinig si caliah
habang pinapakinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang anak
di niya mapigilang mapaiyak dahil sa awang nararamdaman niya para sa anak niya
caliah's pov
anak sorry huh!!!!
kung yan ang nararamdaman mo
hindi pa kasi magaling si mommy eh
pero pipilitin kong bumawi sayo
pipilitin kong wag kang idamay sa galit na nararamdaman ko
sorry tlaga baby
salamat kasi kahit ganun ako sayo
mahal mo parin si mommy
pangako simula ngayon ...
tatratuhin kita ng tama
tulad ng gusto mo anak
sana anak dipa huli ang lahat
hayaan mo akong bumawi sayo
habang nabawi ako sayo...magpapagaling na talaga ako
gagawin kitang lakas ko para malabanan ko lahat ng traumang nangyare sakin
at maging inspirasyon ko para muling lumaban sa hamon ng buhay
anak ...mahal na mahal kita
nadamay ka lang talaga sa galit ko
PATAWAD ANAK KO.....
nung napansin kong pabalik na sila sa loob ng bahay ..mabilis namn akong tumakbo papasok ng kwarto ko
pumunta agad ako sa banyo para dun umiyak
pagkatapos kong mailabas lahat ng sama ng loob ko ...
naligo na ako at inayos ko ang sarili ko ...
nung nakaligo na ako lumabas ako ng kwarto at nakita kong busy ang asawa ko na nagluluto ng pagkain namin
habang ang anak namin ay busy sa pakikipag laro sa yaya niya ..
kaya naman kinuha ko ung suklay at panali sa buhok at saka ako lumapit sa kanila
ngumiti naman sakin ang yaya nito ..
ch: come here baby..
nagulat man siya dahil ganun ang pagtawag ko sa kanya ..pero lumapit naman siya sakin
paglapit niya sakin ..sinimulan ko naman siyang talian ng buhok
ch: baby sabihin mo kay mommy kung nasasaktan kita sa pagsusuklay ko ng buhok mo ok ..
baby : ok po mommy ..
habang iniipitan ko siya napansin kong ngumingiti ito kaya naman napangiti ako
na kahit sa simpleng effort ko alam kong nagustuhan niya
kaya naman pagkatpos ko siyang ipitan ,,binuhat ko siya agad
ch: baby ,sorry kung ngayon lang to nagawa ni mommy
dipa kasi masyadong magaling si mommy eh
pero sana hayaan mo akong bumawi sayo kahit paunti unti muna
pipilitin kong bumawi sa lahat ng pagkukulang sayo
gagawin ko ang lahat para magampanan kong mabuti ang pagiging ina ko sayo
hayaan mo akong maging ina mo ako simula sa araw na ito..
hayaan mong alagaan kita at mahalin sa abot ng aking makakaya
again baby sorry ...sorry sa lahat ,lahat ...
sana may pagkakataon pa ako ..
Pagkakataong bumawi sayo
habang sinasabi ko yun napansin ko ang luhang nangingilid sa mga mata niya
na kahit sa murang edad niya naiintindihan niya lahat ng sinabi ko
baby: i love you so much mommy..'un nalang ang nasabi niya na dahilan ng pagtulo ng luha ko
ch: i love you more anak...salamat....
calix pov:
nung tapos na akong makapag luto ..
papunta na dapat ako dun sa kinaroroonan ng anak ko pero natigilan ako nung mapansin kong yakap yakap ng asawa ko ang anak namin
halatang nag iiyakan ang mag ina ko kaya naman di ko na sila inostorbo ..ang ginawa ko nalang ay ang kuhanan sila ng larawan
dahil sa unang pagkakataon ngayon ko lang sila nakita sa ganung posisyon
pero di ako naka tiis lumapit na ako sa kanila
cx: ay andaya nyo,,bat kayo lang nagyayakapan ...?
napangiti nman sakin ang asawa ko..
ch: apaka seloso eh ,,,anak natin to uy,,wag kang ano jan !!!!..
baby eirah: kaya nga po daddy...
come here po join us ,,,pag aalok ng anak ko
agad naman akong lumapit at nakiyakap din sa kanila ..
sampong minuto din kaming magkakayakap hanggang sa tumunog ang tyan ng anak namin
kaya naman nagtawanan na kami
ch: i think kelangan na nating kumain baby ..
ung anaconda mo sa loob ng tyan mo mukhang gutom na po ..
baby eirah: kaya nga po mommy
ambango po kasi ng niluto ni daddy eh ..kaya diko po napigilan
cx; o siya kumain na tayo ,,tapos labas tayo..
ch: sure ka babe?
cx: oo naman babe ..ipasyal natin ang anak natin ng magkasama tayo
baby eirah ; gusto ko po yun dad....excited na po ako ..
ch: o siya kumain na po tayo..
baby eirah: ok po mommy
pagkapunta namin sa kusina inasikaso agad ni caliah si baby eirah at siya narin ang nagpakain dito
tuwang tuwa naman ang bata dahil nararamdaman n niya ang pag aalaga ng ina niya sa kanya
samantalang si calix naman ay di na maialis ang tingin sa mag ina niya..
yung eksenang matagal n niyang pinapangarap sa wakas ay natupad na rin