"Sa bawat pag-lingon ko sa aking paligid, napakaraming tao ngunit boses mo lang ang aking naririnig" wika ni Lolita na halatang namumula habang nakaupo sa sopa habang nagbabasa ng libro. "Aber, ikaw na naman ay nagbabasa ng librong iyan. Wala naman ambag iyan sa kaalaman mo sa buhay at kamalayan mo sa pampulitika, Lolita." wika ko habang nakataas ang isang kilay at nag papaypay ng abaniko.
Sa aking sinabi ay napatigil si Lolita sa pagbasa at napatingin ng malalim sa mga mata ko. Katahimikan ang bumalot ngayon sa amin dito sa Sala Mayor kung saan madalas kami nagpapalipas ng oras. Simula ng mga bata palang kami, nakahiligan na ng kapatid ko na si Lolita magbasa. Tatlong taon lang ang agwat namin kumbaga dahilan kung bakit madalas kami mag-talunan.
"Ligaya, ipapaalala ko lang sa'yo na tayong mga babae ay hindi na kailangan matuto tungkol sa mga pampulitika. Para iyan sa mga lalaki katulad ni Ama." wika niya. Kailangan kong kumontra dahil hindi naman ako sang-ayon dito. Bakit ba hindi maaaring magbigay ang mga babae na katulad ko ng opinyon o palagay tungkol diyan, mayroon din naman kaming mga utak. "Ngunit sa iyong palagay, diba mas mabuti kung ang isang babae ay may naiitangi na kagandahan at katalinuhan din?" sarkastikong tanong ko.
Oo, nagtatanong ako pero isa lang naman ang tamang sagot sa aking isipan at 'yun ay ang aking opinyon. Napatigil kami ng may narinig kaming magsalita sa likod dahilan para maagaw ang atensyon namin at napalingon kung sino ito. "Sa aking palagay, mayroon naman tayong natatangi na katalinuhan, Ligaya".wika ng isang nanghihina na boses. "Ina, bakit ka po nandito? Sinabi na ng manggagamot mo na mas mabuting magpahinga lang kayo sa iyong silid." wika ko habang napatayo at tinulungan si ina umupo.
Dalawang buwan na ang lumipas ng matanggap namin ang masamang balita na mayroon palang sakit si ina-sakit sa puso. Simula noon ay paminsan na lang siya lumalabas sa silid nila ni ama at laging may gamot sa kanyang gilid. Hindi na rin nawawala si Lumenada na Mayor doma namin sa Mansyon o mas tawagin namin na Manang Lumen upang alalayan si ina sa kanyang mga gawain. Tulad ng paglalakad sa labas, pag-inom ng gamot, pagkain, at iba pa. Mabilis kumalat ang sakit niya sa katawan at nagdulot ito ng mabilis niyang panghihina.
"Ligaya, huwag mo akong tratuhin na parang nakabilanggo. Nakakainip kaya doon at palagi nalang akong nakahiga." pagmamatigas niya. "Ngunit in-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng pinutol ako ni Lolita. "Ligaya, sa tingin ko ay hayaan mo muna si ina. Baka talaga nainip na siya doon at kita naman sa alinag niya na kasing ganda na maayos naman siya." ani ni Lolita. Napatirik naman ang mga mata ko at napaisip na kung paano napakasipsip talaga ng bruhang 'to. Hays.
"Ligaya.." tawag ni ina para mapukaw ang atensyon ko dahil halata naman mas nauna pa bumukal ang init ng ulo ko kumpara sa pinainit na tubig sa kusina. "Ina, bakit ho?" sabay tingin sa kanya. Tumanda na talaga siya kumpara noong bago pa namin nalaman ang sakit niya. Pero kahit pa man hindi talaga nawawala ang kagandahan taglay ng aking ina. Halos kaya buong bayan nahumaling sa kagandahan at kagandahang-loob ni ina noong dalaga pa siya. Hindi ko maisip saan talaga ako nagmana.
"Tandaan mo, ang katalinuhan hindi lamang ito bumabalot sa kaalaman mo sa mga bagay na hindi alam ng iba. Hindi dito nasusukat ang iyong halaga, at lalong hindi dapat ito rason para lumaki ang iyong ulo dahil binigyan ka ng oportunidad makabasa ng mga librong naglalaman ng mga alituntunin sa buhay. Ang pagiging marunong sa pag gawa ng mga tamang desisyon sa buhay ay katalinuhan din. Ang pagiging mapagkumbaba at hindi pinapalaki ang isang away ay katalinuhan din. Ang pagiging mabuting ina sa pagpapalaki sa iyong mga anak ay katalinuhan din. Matututunan mo din 'yan balang araw kapag mayroon ka na rin mga supling, Ligaya". wika niya. Sumang-ayon nalang ako kahit na hindi naman ako nangangarap maging isang ina balang araw. Sumang-ayon na lamang ako dahil ayokong malaman ni ina na kahit isang araw sa aking buhay hindi ako nangarap magkarelasyon. Satingin ko nga malalaki lang mga ulo ng mga ginoo.
YOU ARE READING
Alpas
Historical FictionIn the year 1898, amidst the backdrop of the Philippine Revolution against Spanish colonial rule, two brave women, Camila and Ligaya, embarked on a courageous journey. Despite the overwhelming odds, their love and determination fuel their relentless...