PROLOGUE

4 1 0
                                    

"Penelope, anak ba talaga kita? Bakit ba hindi mo ako sinusunod, ha?!" Galit na sigaw ni Papa sa akin pagkapasok ko ng kwarto.

I start to feel nervous again dahil nitong nakaraang araw lang ay nasigawan na rin ako ni Papa sa parehong kadahilanan. He wants me to break up with Kairus, my half of year boyfriend. Pinipilit niya akong hiwalayan si Kairus dahil gusto niyang maikasal ako sa isang mayamang businessman na si Samuel Fedejireno.

Ngunit ayoko. Mahal na mahal ko si Kairus at hindi ko magagawang hiwalayan siya para lang sa kagustuhan ni Papa.

"Sumagot ka!"

"But Pa, I-I love Kairus. Hindi ko siya kayang hiwalayan."

"Lintek na pagmamahal 'yan! Mas uunahin mo pa ba 'yan kaysa sa pamilya natin?!"

Umiling ako bilang sagot at nagsimula nang umiyak.

"Iyon naman pala eh! Then marry Samuel and we will become one of the most successful family in this world!"

"Gamitin mo ang utak mo, anak. Tandaan mo, hindi ka matalino, hindi ka marunong mag-isip! Kaya't sana naman piliin mo ang kagustuhan ko para sa ikabubuti ng pamilya natin." Dagdag pa niya na mas lalo kong ikinaiyak.

Bago siya lumabas ay malakas niyang isinarado ang pintuan ng aking kwarto, dahilan para halos mapatalon ako sa gulat. Napaupo na lamang ako sa kama at umiyak nang umiyak. Maya-maya pa'y hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako sa labis na pag-iyak.

Nang magising ako dahil sa ingay ng katok sa aking pinto ay kaagad akong bumangon para buksan ito.

"A-anak,"

Mabilis na yumakap si Mama sa akin at humagulhol.

"Anak, patawarin mo ako. Ginawa ko naman ang lahat para makumbinsi ang Papa mo, pero ayaw niya talagang magpatinag." Umiiyak na sabi ni Mama.

Niyakap ko siya pabalik at hinimas-himas ang kaniyang likuran.

"Ma, a-ano pong nangyari?"

"Eh 'yong demonyo mong ama, dinala na mismo rito si Samuel para magkapag-usap daw kayo."

Agad akong inatake ng kaba.

"N-nandito po 'yong Samuel?"

"Oo, nasa baba siya. You know what, when I saw that Samuel's face, he has a devilish look just like your father." Ani Mama.

Parehas kaming natawa ni Mama, magsasalita pa sana ako ngunit biglang sumulpot si Papa kaya't parehas kaming natahimik ni Mama.

"Stop the chismi. Penelope, go downstairs."

"H-ha? Pero teka magpapahinga pa ang anak natin-"

Hindi natapos ni Mama ang kaniyang sasabihin nang kaagad na sinagot siya ni Papa.

"Steph, shut up. I'm talking to your daughter."

Nilukob ako ng galit sa sinabi niya kay Mama.

"H'wag mo ngang pagsalitaan si Mama ng ganyan, oo na bababa na ako." Inis kong sabi at mabilis na lumabas sa kwarto pababa ng hagdan.

Wala na akong pake kung makita man ako ng Samuel na 'yon na gulo-gulo ang buhok ko at mukhang hindi nag-aayos sa sarili.

Padabog akong umapak sa sahig pagkababa ko sa hagdan. Mabilis na nahagip nang aking mga mata ang bulto ng isang lalake na nakaupo sa sofa habang nakapikit at nakataas ang ulo.

He looks like stretching himself and acting comfortable. He also looks arrogant..

Ito ba 'yong Samuel?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT SHOULD BE USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon