Kabanata 2

15 3 0
                                    

"Noong isang araw ka pa ata wala sa sarili mo Aimee"  sabi ng pinaka close ko sa kalokohan  pagdating kay kuya.. Sya lagi ang kasama ko pag may gagawin akong masama sa kuya kong si Hoseok o mas kilalang J-Hope...sya rin ang madalas magkwento sakin tungkol sa Exo.... Wala eh, naging malapit na si Taehyung Kay Baekhyun ewan ko lng kay Daehyun 😂😂😂

Nandito  ngayon ang grupo ni kuya sa bahay.... Sabi ni kuya magpapractice daw sila ng sayaw dito.. Ewan ko ba dyan eh meron naman silang dance room sa Building ng Bighit...

"Mas gusto ko pa ngang ganyan sya kesa sa nagmumukha syang tanga kakatutok sa laptop nya at naghihintay ng balita Sa Exo.." Saad ni kuya habang nagtitimpla ng juice para samin...

"Aims nakakatampo ka! Bat parang
mas pabor ka sa Kanila kesa samin" sabi ni Jimin at ngumuso

Ngumiwi ako "wag kang ngumuso sinasabi ko sayo di bagay sayo" at nilagay ko ang palad ko sa mukha nya at naglakad patungo sa Ref para kumuha ng makakain .. Hindi totoo ang sinabi ko kay Jimin, ayaw ko lng talaga gawin nya yon at baka ngumiti ako bigla .. Oo kanina pa ko nakasimangot nagluluksa ako sa pag amin ni Chanyeol na sila na ni Sandara kaya bawal akong ngumiti...

Kumuha na lng ako ng cookies... At naglakad patungo sa dining area kung saan naroroon sila.... Umupo ako sa tabi ni Taehyung at kumuha ng isang cookies...nang akmang kakain ko na iyon ay biglang nagsalita si Suga na ikinagulat ko..

"Wag mo yang kakain" sabi nya na titig na titig sa mata ko
"Bat naman?" Nauutal na sabi ko....may lason ba itong cookie na ito?
"Baka masaktan si Jungkook" sabi nya at humalaklak sa tawa
"Ang corny mo" sabi ko at kinain na iyon
"Pinapatawa ka lng eh"

Hindi ko mapigilan ang hindi pagngiti.. Natutuwa ako na nageeffort pa talaga sila na mapangiti lamang ako..

"Guys sa garden na daw tayo... Magpractice na tayo ng sayaw" biglang sigaw ni Jin na ikinagulat ng ibang myembro

"Practice na naman? Kakatapos pa lng natin ah?" Natatamad na sabi ni Jungkook

"Wala tayong magagawa sa makalawa na ang concert natin eh" sabi ni Namjoon at Tumungo na papunta sa garden .. Dun nila naisipang mag practice dahil maluwag .. Dapat sa kwarto ni Kuya kaya nga lng baka magtulakan sa sikip neto..

Sumunod na rin ako sakanila upang husgahan ang sayaw.. Kahit na wala naman na kong dapat ireklamo sa sayaw nila dahil sa sobrang galing kumembot...

........

"Whoooo game pumwesto na kayo " sabi ni Suga .. Pagkatapos nilang sumayas ay napagdesyunan ni Kuya na Mag laro kami sa kwarto nya na ikinatuwa naman ni Suga Taehyung at Jimin ..
Umupo na kami sa sahig at bumilog.. Hinihintay na lamang namin si Kuya, may kukunin daw sya sa baba para mas lalong exciting ang laro na gagawin namin..

"Walang KJ dito ah.. Hoy ikaw, Aimee wag kang pabebe" sabi ni Taehyung na nasa tabi ko.. Ngumiwi ako sakanya at binatukan sya.

"Anong pabebe? Ako pabebe? Ayos ayusin mo yang mukha mo baka di kita matansya... Wag ka ngang tumabi sakin ayoko sa mga alien" pagtataray ko..

"Bawal Alien dito? Eh bat nandito ka Aims?" Nakangising sabi ni Jungkook..
"Tss.. Manahimik ka nga.. Di ako baliw.. Gumalang ka sa mas nakakatanda sayo Jungkook " natatawa kong sabi.. Oo, mas matanda ako kay Jungkook ng dalawang buwan..

"Ayaw daw sa Alien .. Kaya pala loves na loves mo ko" sabi nya at niyakap ako ng napakahigpit.. Ang mas lalo kong ikainis ay ang pag siksik nya sa sarili nya sakin...

"Ano ba Alien umayos ka nga" pagtutulak ko sakanya.... Sanay na sanay na ko sa kakulitan nyan... Di ko alam kung bakit ko na titiis makasama sya .. Kung tutuusin pwede naman si Jin eh, medyo tahimik, pero may nalalaman ding kabaliwan.... Siguro parehas kaming baliw ni Taehyung Kaya ganon 😂😂😂 halos araw araw kaming nag da'dubsmash mapasayaw man yan o kung ano ano..... Sya rin ang lagi kong kasama sa pag sha'shopping, para humusga sa mga damit na bibilin ko at taga buhat na rin ... Pero sa ngayon minsan na lng kami mag kita nyan dahil sa sobrang busy ng schedule nila ...

Umayos na sya ng pag upo sa sahig nang dumating si Kuya na may dalang... Tatlong bote ng soju at isang baso??? Seriously?? San nya ito nakuha?

"I'm out" sabi ko at tumayo dahil alam ko kung ano na ang mangyayari... Malalasing lng ako.. Baka nga isang baso pa lang ay tulog na ko...

Lumiit ang mata ko ng nakita kong nilock ni kuya ang pinto "Bawal" saad nya at kinuha ang kamay ko at marahas na pinaupo sa sahig...

"Badtrip kayo" sabi ko at ngumuso.. Ayokong malasing sasakit lng ulo ko dyan eh

"Walang KJ guys... Dating gawi.. Let the truth or dare begin" sabi ni Jimin at sya na ang nag paikot ng bote...

Kay Kuya ang umang tapat...
"Game! ako nang bahala kay Hobi..." Sabi ni Suga at may nakakalokang ngisi na halos makita mo na ng buo ang gums nya... "Dahil start pa lang.. Dadalian ko na muna .. Hip thrust" sabi nya at humalakhak sa tawa..

"OMG hahaha" tawa ako ng tawa, alam kong magaling si Kuya sa pag hihip thrust pero di ko makaya pagkami kami lang talaga ang nakakakita! Todo bigay sa pag hihip thrust 😂😂

Sinimulan na ni kuya ang dare! Sabi ko nga gagawin nya kala ko iinumin nya yung soju..

Gosh! I threw my hands over my face, not wanting to see the view!! Di ko alam kung bakit ako pumayag makipaglaro..

Me growing quite bored but at times amused at the interesting dares these boys were coming up with..Hanggang ngayon di pa rin ako natuturo ng bote.. Mabuti na yon baka kung ano ang ipautos nila..

"Go Jimin! You can do it.. Madali lng yan " sigaw ko at tumawa ng tumawa ..

Sinimulan ng dilaan ni Jimin ang Jaw ni Jungkook.. Diring diri ang itsura ni Jungkook ..

"Wag kang mag alala di mabaho laway ko " sabi ni Jimin at humalaklak sa tawa

"Game na" at sinimulan na ulit paikotin ang bote

"Aimee! Aimee! Aimee!"

Tumawa ako at nilabas ko ang dila nang malaman na hindi sakin nakatapat ang bote!

"Ang daya! Wala pa si Aimee! Ang KJ talaga ng bote" sabi ni Tehyung

"Wow! At yung bote pa ang kj ahh!, tss elyen ka talaga! ..... Okay Game! Namjoon, truth or dare?" Tanong ko..

"Truth"

"Suko na Si Namjoon!! Ano, natrauma ka ba kanina at nag truth ka na lng?" I asked him di ko na mapigilan ang tumawa dahil sa mga naalala kong mga dare na binigay sakanya..

"Yes!" Sabi nya at biglang pinaikot ang bote

Wait~ "Bat mo pinaikot yung bote? Di pa nga ako nagtatanong"

"Ano, natrauma ka ba kanina at nagtruth ka na lng?" Sabi nya at ginaya pa ang boses kong matinis at ang mukha ko!

"Aissh ang duga"

Nagsigawan sila ... Tinignan ko ang bote... The bottle landed on me, and it was Rapmon's turn to ask me... Aishhh paniguradong mag hihiganti ...

"Siguro ginalaw nyo yung bote!! Ulit!! Di ko nakita yung pagkatapat sakin ng bote!! " nabigo ako!! Ayaw talaga nila 😫😫😫

Tinanong nya ko kung truth or dare.. Dare ang isinagot ko .. First time toh.. Bawal daw kj hahaha..... Nagisip muna sya ng iuutos sakin... Biglang lumapit si Kuya sa kanya at may binulong..

"Hoy ano yan!" Lumapit na rin ang ibang member sa kanya at biglang nagsigawan...

Kinakabahan na ko sa dare... Jusko sana naman wag yung halik halik na yan or maghuhubad ng dress ...pag yun talaga mababatukan ko sya...

"You sure?" Tanong nya kay Kuya.. Tumango lang si Kuya at Ngumiti ng nakakaloka sakin...

"Ayus ayusin mo yan Namjoon! Masasapak kita!"

"Be a Guy for a month... Dress like a man, Speak and act like a man... And don't you dare tell to anybody that you are a girl... At pag nagawa mo yon! Kami na ang magpapaaral sayo sa Paris para matupad ang pangarap mong maging fashion designer!".

Oh no! Seriously?!!!!

He's Into Him?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon