Kagagaling ko lang sa Sanctuario de Luna, isang private cemetery 10 km from our village nang mapagdesisyunan kong bumili ng payong sa convenient store. Mukhang uulan maya maya. Bumili na rin ako ng kape at naupo muna sa loob. Located ang store sa loob ng park kaya relaxing kahit paano. Wala ng masyadong tao dito dahil sa panahon kaya mas enticing tignan dahil sa privacy vibe nito ngayun. Maganda ang landscape ng park, pati na rin ang pagkakalocate ng mga bulaklak at puno. Kung hindi lang paulan baka tumambay pa ko sa garden nito.Napukaw ng atensiyon ko ang isang babaeng humarang sa view ng park nang huminto ito sa harap ng store, only the glass wall separating us.
Galing mo ah, talagang dito ka pa humarang.
Naka black leggings ito, black and white na nike shoes at white na sando. Midlength ang haba ng buhok na kasalukuyang kinukuha ang jacket niya sa bag. Saktong paghatak nito ay kasamang nalaglag ang cellphone niya sa sahig. Rinig ko ang sigaw niya mula sa labas kahit medyo kulob dahil sa glass wall. Maya maya ay pumasok na ito sa convenient store kaya bumalik na ulit ang attention ko sa park.
"Ay shoot, wait pano ba ulit to." bulong niya sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya na nagtitipa ng machine sa tabi ng table kung nasaan ako.
"Yun, okay na. Ay makabili nga ng kape."
Napatingin ulit ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Dahilan para magkatinginan kaming dalawa.
Nanlaki ang mata niya at biglang nagiwas ng tingin saka pumunta sa counter.Bakit kailangan niya pang i-voice out mga ganung bagay. Hindi ba pwedeng sa isip na lang?
Maya maya pa ay biglang nayanig ang mesa dahil sa lindol este pag upo niya. Dali dali kong kinuha ang kape ko para hindi ito matapon.
Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa park. Kagandang babae, napaka-clumsy.
Come on Eli, patience, patience.
Nakatingin lang ito sa phone niya habang umiinom ng kape. Nakikita kasi sa glass wall ang repleksyon namin. Maya maya ay nagring ang phone nito. Natatarantang sinagot niya ito.
"Hello Babe? Andito ako sa park, wala pala kayong laro?"
May date pala. Pero bakit ang lungkot ng mukha niya. Teka ang chismoso ko na. Makaalis na nga.
"Babe, punta ka naman dito, please, usap tayo."
Saktong pagkasabi niya nun ay tumayo na ko.
"Please? Hihintayin kita."
Napahinto ako ng marinig ang kasunod na sinabi niya bago ibaba ang tawag.
Napabuntong hininga ito saka ngumiti at dumukmo.
Kulit. Bakit kailangang pilitin niya yung bf niya? Nagaway kaya sila? Baka sinapak niya kaya iniwan siya. Sa laki ng braso niya na yun. Hay ayoko na, naoocupy na niya ang isip ko. Kaya lumabas na lang ako ng convenient store.
Nasa main road na ko sa labas ng park nang biglang umulan ng malakas. Shoot, yung payong ko! Naiwan ko sa-
"KUYA!!" sigaw ng babae sa convenience store. Hawak hawak niya ang payong ko na nakabukas at gamit niya ngayun.
"Naiwan mo, haha!" nakangiting sabi niya saka inabot sakin yung payong.
"Oy, wala kang payong?" bigla siyang napaisip.
"Oo nga no haha! Wait kunin ko lang. Andito sa loob." Hay babaeng to..
Napakamot na lang ako habang kinakapa niya sa maliit niyang bag yung payong. Bakit kasi pinagsisisiksik yung mga gamit sa bag.
BINABASA MO ANG
Strange As It Is
General FictionThis story is composed of wide variety of stories about life compiled and made by yours truly! Sorry for the imperfections. No judgement. Capture the beautiful moments and Keep the lessons and life lessons that you can use for future preferences ❤️�...