Chapter 2: Mad Dog

15 0 0
                                    

SHE

I played the Lost Star while watching a series.

Alas dyes na at wala nanaman ako sa mood tumayo. May quiz kami mamayang hapon pero eto ako at nanunuod ng kdrama.

I picked up the leftover cookies last night and sip some leftover coffee from mcdo na tinake out ko kagabi. Wala talaga ako sa mood, eto nanaman ata yung brokenhearted syndrome ko. Kasalanan to ng bwiset na memory sa facebook.

Nakita ko ang unang night out namin kasama ang mga friends namin sa Baguio nun. Naka white siyang longsleeves na may patterns habang ako naman naka pink na coat. Naka play ang Lost Star sa Cafe by the Ruins nung time na yun.

Nasa waiting area kami nang yayain niya kong sumayaw. Para kaming tanga non, pero di mapaglagyan ang ngiti sa mukha ko nun habang nakikita siyang nakatitig sakin, pagkatapos naming sumayaw sa labas kasabay ng malamig na ihip ng hangin sa madilim na kalangitan ng Baguio ay pumasok na kami at naupo sa designated table namin ng bigla siyang lumuhod. Nag pi-play ang kanta ni Ed Sheeran na The A Team tapos tinanong niya ko ng Will you be my girlfriend habang hawak ang kamay ko.

Binuksan niya ang maliit na kahon na may lamang kwintas na may pendant na crown. Sabay sabing ako daw ang Queen niya. Hindi ko mapigilan ang saya habang tumatango dahil di ko alam anong sasabihin ko. Tumayo ito saka lumapit sa akin. Seryoso ang mga mata niya habang palitan ang tingin sa mga mata at labi ko and right there, our first kiss happened.

Biglang nagring ang phone ko kaya nabalik ako sa huwisyo. I picked it up knowing Levin is calling me.

"Hi" sabi ko habang nakatitig sa kawalan. Nakaplay pa rin ang series na pinapanood ko kaya rinig ito mula sa background.

" The heck with that kdrama! Pumunta kang school ngayun na at may nangyari kay Francheska." bigla akong napaupo dahil sa ergency ng boses niya.

" Why? May nangyari ba?"

"Oo, nahimatay si Francheska. Kasama namin siya ngayun dito sa Clinic. Ka-"

Di ko na alam kung ano pa ang gustong sabihin ni Levin dahil nagmamadali kong tinungo ang cabinet saka nagpalit ng damit at kinuha ang bag at ID ko.

Anong nangyari kay Franzy? Overfatigue nanaman ba siya?

Patakbo akong nagtap ng ID ng bigla akong sinita ng guard.

"Miss." tawag nito saka tinuro ang sapatos ko.

Shetebelsss!Kumakaway ang feathered slippers ko. Naka pambahay na tsinelas ang lola mo!

" Kuya, emergency po nasa clinic ang kaibigan ko nahimatay!" nagmamadali kong sabi sa kanya na siya namang tinanguan niya.

Ngunit di pa man ako nakakaliko papunta sa clinic ay may humablot at sumasakal na sakin gamit ang braso niya.

Trademark ng modelling kong friend, Miss Francheska.

" Hi Sammy! Como estay?" bati nito saka dinutdot pa lalo ang ulo ko.

Matangkad si Franzy, pang modelo ang figure at medyo mature ang mukha.

"Whatda! Akala ko nasa clinic ka?"
Sabi ko saka ako, sinakal nito gamit ang braso niya.

"Yan ang sinasabi ko sayo! Nawawala critical thinking mo kapag broken ka! Kausap kaya kita kagabi!" sabi nito saka ako niyakap.

" Oo nga pala. Kakacheck up mo lang at okay na ulit ang health mo." sabi ko saka ito niyakap.

" Anyway, besh kausap ko kanina si Levin at ako ang nagturo sa kanya sa actingan kanina, keribels ba? Hahahaha! "

" Ay letsugas kang babae ka! Alam mo bang wala pa kong ligo! Tapos tignan mo tsinelas ko! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strange As It IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon