napapaisip ka ba kung minsan na baka nakita mo na yung taong mamahalin mo? yung soulmate mo? destiny o kahit anong pwede mong itawag sakanya. akalain mo bang makakasakay ko pa sya.
eto ang kwentong kahit na wala sa hulog ang kalandian e effective na nagpapakilig sakin.
malakas ang ulan nun, collage student ako nursing. sa mga panahong ganito hindi biro ang bitbit na gamit ng mga estudyante na akala mo e isda ka or immortal para kahit my bagyo kayo may pasok pa din tapos ang bitbit mo pa kala mo lilipat kana ng bahay ... may jacket, payong, flipflops, cellphone, books, notebooks and everything needed. sobrang dyahe! at eto ako sa dinami-dami ng pwedeng makalimutan payong pa! buti na nga lang nung papasok ako ng eskwela hindi umuulan, ang layo pa man din ng byahe ko.
"oy mau! sukob ka na para sabay sabay tayo makauwi." sabi ni des.
bait ng kaibigan ko noh? ;D "thanks!" at nang makasakay na kami..
"naku layo pa ng uuwian mo mau tapos binabagyo pa tayo." sabi ni monique
"okay lang un noh! wag kayo mag-alala"
"e kasi naman sa dami ng pwedeng dapat iwanan payong pa talaga ang napili." hirit ni deserie
"aba! malay ko po bang may bagyo?!"
"oh malapit na ko. ingat kayo ha? maureen, monique text text nalang"
"okay. ikay din"
maya-maya'y isa-isa nang nagbababaan yung mga kasakay ko. nakakalungkot sa pakiramdam kapag umuulan noh? bakit kaya? kaya nilabas ko nalang ung mp3 ko at nagpatugtog nalang ako.
'badtrip na ulan toh di pa talaga hihinto!' bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa ulap at ulan.
'sana may mabilhan pa ngpayong sa terminal' kaso wala na, pasara na halos lahat ng tindahan kahit alas otso palang. buti nalang walang pila ngayon kaya derederetsyo lang ako sa jeep.
'hay ulan tumila ka na please! ayoko kong umuwi ng basang basa.'
unti-unti na ding napupuno ang sinasakyan kong jeep, karamihan mga estudyante din. habang isa-isa kong tinitingnan yung mga kasakay ko (di naman ako masyadong paranoid na may kasakay na hold upper. konti lang) napansin ko ung lalaki sa harap ko.
'hmn may itsura sya ah. single kaya sya? pero baka hindi na, jusko sa itsura nya ba namang yang, baka isa pa toh sa mga playboy ng school nila e' kaya ung ngiti ko napalitan ng bitter smile. lakas trip ng utak ko kung ano-ano naiisip ko.
*volume up, music play "everything by michael buble"*
tumingin ako sa bintana ng jeep para malaman kung nasaan na ko, madilim na at malakas pa ang ulan kaya mahirap makita ng maayos mula sa likod kaya tiningnan ko nalang sa binta ng harap ng lalaking nangitian ko. napansin ko na nakatingin sya sakin kaya na-conscious naman ako. sabay kaming napaiwas ng tingin, sabay hirit naman si manang na asawa ng driver.
"naku iha kanina pa yan sayo nakatingin, nginitian mo kasi. bagay kayo diba pa?"
napatingin tuloy samin ung ibang pasahero, malapit kasi yung pwesto namin sa driver. katabi ko yung si manang, nasa likod sya ng driver seat. natawa naman si manong .
"naku naman po manang gumagawa pa po kayo ng loveteam dito po sa jeep nyo." natatawa kong sagot. bumalik naman yung tingin ko sakanya at nakangiti sya sakin.
'whaah nakangiti sya! oh my! kalma ka lang maureen! shemay! nakakainlove ung smile nya!'
BINABASA MO ANG
Jeepney Love story
Teen Fictionthis story is based on what i experienced long time ago but i changed some for fun. inspired by the song jeepney lovestory by yeng c. and sakayan ng jeep by nikki g. special thanks to my idol Claro Saplala III a really nice person and youtuber/vine...