Elevator
Halos ala una na nang makahanap ako ng hotel na tutulugan sa gabing iyon. Agad akong nag avail ng suite at umkyat sa palapag kung saan ang kwarto.
Before the elevator could close, may kamay na pumigil upang hindi ito tuluyang magsara.
There i saw Zade's eyes, nagtama ang mga tingin namin at napaawang ang bibig ko sa nakikita ngayon. Anong ginagawa niya dito?
"I followed you here." Diretsong sabi niya "to make sure you're safe." Tumabi siya sakin sa loob. Umusog naman ako upang mabigyan siya ng space sa loob.
Bakit kapag tuwing nasa krisis ako si Zade na lang palagi ang nakakasalamuha ko? It's starting to get in my nerves. Hindi ko alam kung sinasadya ba to or it's just really coincidental.
Asa 18th floor ang kwartong naavail ko. Sobrang tahimik naming dalawa at walang gustong magsalita.
I could almost hear his deep breaths. Ganoon kami kalapit ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang may nakabara sa lalamunan ko ngayo'y magkasama kami sa masikip na pwesto.
I was not able to hold myself from telling him what happened earlier.
"Ikaw ang nagsabi kay dad." Hindi yon tanong kundi paratang na siya ang nag sumbong saakin. "You're close to my dad?" Pagtatakang sabi ko. If he is then im definitely doomed at hindi na ako makakatakas. Panigurado akong palagi ako pababantayan.
Umigting ang panga niya ng bahagya at umiwas sa pakikipagtitigan saakin. I saw a hint of smile on his face.
"Let's just say...we both work under the same company." He said.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan siyang sumunod saakin. Nang bumukas na ang elevator dumiretso ako sa kwartong nakasulat sa card. Badtrip parin ako dahil maaga akong umuwi galing sa club!
Hindi ko siya nililingon pero ramdam kong nakasunod parin siya sa likod ko. Iimbitahan ko ba siya sa loob? I asked myself.
"Im sorry pero hindi ka pwede ri-" i was cut off by myself ng pagtingin ko ay pumasok na siya sa kwartong katabi ng akin. Embarrassed by the sudden situation nagmadali akong pumasok.
Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay at chineck ang leeg ko kung mainit ba. Sana hindi niya narinig! Nakakahiya!
Paano kung isipin niyang assuming ako?! I'll never be able to forgive myself. Nako!
The night went by so fast. Akala ko ay kakatok si Zade para mang gulo saakin or am i just starting to assume na ganon nga ang mangyayari?
Maaga akong nagising upang mag exercise, ang daan papunta sa gym ay madadaanan muna ang swimming pool. While walking i can see men staring at me. I can't blame them. Sa ganda ko ba naman na to?
"Hi miss! Im Gelo." Before I could even reach the entrance of the gym. A man in his trunks offered shake. Nginitian ko ito. "Devlin! Thank you pero i ate my breakfast already." Matamis kong pagtanggi sakanya.
"Aw sayang naman." Disappointed but still tried his shot with me. "What are you up to later? Gym ka?" He added.
"Yeah." Im starting to get irritated na because I've been wanting to start my exercise. Hindi ko naman siya type halos magkaheight lang kami. I don't like short guys.
Tinalikuran ko na ito at hindi na inantay pa ang gustong sabihin. Pagkapasok ko sa loob ng gym there i saw Zade using a treadmill. Nakasando ito exposing his biceps. Tumatagaktak ang pawis niya sa noo pero mukha paring mabango.
He definitely looks hot! Pero syempre sa isip ko lang yon. Ill never tell him that.
Tumabi ako sa kabilang treadmill and inserted my airpods. In my peripheral i saw him stop. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo not minding what he is up to.
May kumakalabit sakin sa balikat kaya nilingon ko ito. There i saw again Gelo pero ngayon nakapang gym attire na siya.
"What." i said while removing my AirPods to hear him clearly.
"Tara sabay na tayo mag exercise." He said.
Itinigil ko ang pagtakbo sa treadmill at humarap sakanya. Lalapitan ko sana ito ng may humablot sa bewang ko. I was a bit shocked and saw Zade looking at Gelo. Hindi ko alam pero why do i sense na naiinis ito?
"Kasama mo?" Gelo, was also a bit stunned sa ginawa ni Zade. "Ah yes! This is Zade my friend." Pagpapakilala ko kay Zade.
"Kaibigan lang pala kung makahawak kala mo boyfriend." I wasn't so sure to what Gelo is murmuring pero naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Zade saakin.
"Let's go Devlin." May diing sabi ni Zade.
"Wait! Gelo wants to exercise with me." Pigil ko sakanya. Bakit ba siya nagmamadali? Hindi pa ako tapos!
Nilingon ko si Gelo. I saw him smirking at Zade.
"Pare, mag eexrcise pa raw kami." said by Gelo.
"No, she's coming with me. Hinahanap na siya ng daddy niya." Zade told him. Hinahanap na ako? Bakit hindi naman nagcacall ang dad sakin? Nagtataka kong tinignan si Zade.
"He's looking for me? But he hasn't called yet!" Takot na ayaw pang umuwi. Pinaglalaban kong wala pang tawag ang daddy.
"Yeah. Do you want me to call him right now?" He said confidently while showing me his phone. Alright! Panira talaga lagi ang lalaking ito.
Nagpaalam ako kay Gelo at kita ko naman ang dismaya niya na kailangan ko ng umalis. He was about to get my number pero hinila na agad ako ni Zade removing me from the gym.
"Ano ba! Nasasaktan ako." Iniiwas ko ang kamay ko sa mahigpit niyang hawak para icheck if nasugatan ba ito. Masyadong mahigpit ang hawak niya kaya totoong nasasaktan ako.
"Im sorry.." he took my hands "saan ang masakit?" he was searching all over it to check if nasugatan ba ako o hindi.
I started blushing!
Binawi ko agad ang kamay ko sakanya to make him stop from holding it.
"W-ala. Okay na ito." nauutal kong sabi.
Tinalikuran ko na siya agad at dumiretso na sa elevator para makapasok ng suite to prepare so I could go home already. After all I trust him na hinahanap na ako. He was so confident earlier.
Nasa 10th floor pa lang ang elevator ay dumagsa na ang taong pasakay. Naipit ako sa dulo katabi ni Zade. He tried to put his hands around the wall to protect me from other people.
Nakaharap siya sakin habang nakasandal naman ako sa wall ng elevator. Just ...when things get more interesting! Great!
Hindi ko siya matignan sa mata, but i can definitely feel him looking at me! Parang tumatagos sa kaluluwa ko.
Pagkalapag na pagkalapag sa 18th floor nilakad ko ng mabilis ang hallway. Without minding what's infront of me.
"Excuse me!" nabangga ko pa ang isang guest kakamadali sa paglalakad maiwasan ko lang si Zade. That was the most awkward moment I've ever experienced in my entire existence in this earth.
This is so bad! Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing andiyan siya?! He looks like a goddess, yes! Pero hindi sapat para magustuhan ko.
Devlin okay lang yan pogi naman talaga siya! Baka nagagwapuhan ka lang?
Before I could even swipe my room card, pinigilan niyo ako. Hinawakan niya ang kamay kong paswipe na sana ng keycard.
"Im sorry about earlier. Nasaktan ka ba sa hawak ko?" Napalunok ako ng laway kahit wala namang laway sa bibig ko ngayon! hindi alam kung pano tutugunan ang sinabi niya.
"Ah yea-h! Okay lang I don't mind hehe." God! Naiilang ako, ano bang problema ko? I think he saw me getting uneasy to the situation kaya binitawan niya ako.
"Alright. See you around." Tumalikod siya at tuluyang pumasok sa kwarto niya.
Napasandal ako sa pintuan. I was just there standing with trembling legs. Hinawakan ko ang dibdib ko para pakinggan ang bilis ng tibok neto.
BINABASA MO ANG
After That Night
RomanceDevlin is a spoiled anak mayaman. Madalas itong mag club kasama ang mga kaibigan. Papalit palit ito ng karelasyon and she uses her face card to her advantage. One night she caught Asher her current boyfriend cheating with her closest friend. The nig...