PROLOGUE

39 1 3
                                    

Prologue

I thought falling inlove with my best friend would be nice ..
Pero akala ko lang pala yun, akala ko kasi mamahalin niya rin ako akala ko sasaluhin niya ako pero hindi eh ..
Nasaktan ako sa paghulog ko hindi sinalo eh, hindi ko kasi naisip na pwedeng masaktan ako pag minahal ko siya tanga tanga kasi eh yan tuloy ..
Ngayon alam ko na ang feeling ni bojoy sa nararamdaman niya kay ned, alam niyo ba yung sikat na line ni bojoy? Yung ..

"Yes kaibigan mo ako ... Kaibigan mo LANG ako.. And thats all i ever was to you Ned- you're best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka .. Taga-sunod .. Tagabigay ng advice .. Taga-enroll .. Taga gawa ng assignments .. Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka .. Taga tanggap ng kahit ano .. And Im so stupid for making the biggest mistake of falling inlove with my best friend .. Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh .. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa kaibigan "

Dba ? Favorite ko yang line ni bojoy eh .. Haay .. Kaibigan lang ako ... Parehong pareho kami ng nararamdaman ni bojoy ang sakit kasi eh akala ko mahal niya ako kasi ang sweet niya sakin, tapos sabi niya mahalaga daw ako sakanya ayaw niya daw na magkalayo kami kaya umasa ako na mahal niya rin ako hindi ko naisip na kaya pala siya ganun sakin kasi best friend niya ako at hindi ko naisip na magkaiba ang mahalaga sa mahal ka .. Pero nandito na eh naramdaman ko na hindi na to mawawala pa kaya itatago ko nalang baka kasi pag sinabi ko lumayo siya, magkakaiwasan baka magiging awkward kami sa isat isa at baka masaktan lang ako sa isasagot niya pag umamin ako ..
Anu ba yan ang drama ko ..
Anyways Kilala niyo naba ako ? Hindi pa ? Hindi ba ako pinakilala ni author sa inyo ? Hindi rin ? Aish .. Ako nalang magpapakilala sa sarili ko ..

"Hoy !! Sharmaine Dizon ! Kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka naman pala nakikinig .. Sayang yung laway ko alam mo ba yun ?"
Hindi na pala kailangan eh pinakilala na ako ni bestfriend ..
"Ganun ba ? Sorry may iniisip lang .. Ano ba yung sinasabi mo?"
"Aish.. Ano ba yang iniisip mo ? Sabihin mo sakin iisipin ko rin"
"Wala kana dun .. Wag mo na isipin yun dahil hindi ko na naman iniisip yun kaya wag munang isipin.." Parang tongue twister yun ah ? Hahaha ..

"Ikaw bahala .. Shar may nakita akong babae kanina grabe ang ganda sexy pa nakuha ko nga ang number eh"
"Tss .. Tapos ano ? Liligawan mo ? Sasagutin ka.. Magiging kayo nang ilang Month ? O baka weeks ? O kaya days ? O baka oras lang ? Tapos magbebreak agad kayo ? Alam ko na ang love cycle mo nathan eh . tumigil ka na nga sa ganyan sinasaktan mo lang mga babae eh . hindi ka ba naaawa sa kanila ?" Litanya ko sa kanya .. Nakakainis kasi eh kahit sinong babae nalang ang ipapakilala sakin hello nagseselos kaya ako .. Yun yun eh Nagseselos ako kasi kahit laro-laro lang ang sweet parin niya sa babae tapos makikita ko pang maghahalikan ang sakit nun sa side ko .. Hmp ..

"Oh easy lang bestfriend.. HAHAHA san galing yun bestfriend ? Hugot eh .. Hahaha atsaka bakit naman ako maaawa sa kanila ? Eh laro lang din naman para sa kanila ang relasyon namin"

"At pano mo naman nalaman yun? Hindi mo ba alam na ang dali dali mahulog nang isang babae ? lalo na kung sweet ka sa kaniya? Hindi mo alam dba ? Para sayo laro-laro lang pero sa kanya totoo na .. Tanga tanga kasi nang mga babae mo eh alam naman nilang laro lang nahulog parin sayo ipakita mo nga sakin yung mga babae mo nang mapektusan ko!" isa ako dun mapektusan nga sarili ko mamaya ...
"Hindi ko na kasalanan na magkagusto sila sakin sa gwapo kong to? Ha! hindi na ako magdududa kung bakit sila magkakagusto sakin"
"Ang kapal ! Humangin ata bestfriend ? Hahaha "
"Bakit totoo naman ah ? Ang gwapo ko kaya .. kaya ka nga nagkagusto sakin eh! Hahaha" Nagulat naman daw ako dun ! Bullseye eh !
"H-huh ? pinagsasabi mo diyan ? Ako magkakagusto sayo ? Never no ! " depensa ko ! Alam na ba talaga niya ? Pero paano ? Waaahh !! Sana hindi !

"Joke lang !! Hahaha ikaw naman hindi mabiro, pero hindi nga ? Hindi mo talaga ako gusto? "
"Hindi , hindi , hindi .. Kapal neto ! Anu naman magugustuhan ko sayo ? Hmp.. Tsaka bakit ka ba nagtatanong nang ganyan ? Parang pang horror yung tanong mo ah !" Oo gusto kita bkit may problema ba dun ? Gusto ko sabihin yan eh pero di ko kaya ..

"Naninigurado lang bestfriend ! Baka kasi gusto mo na ako tinatago mo lang! Tsaka wag talaga ah ? Playboy ako bestfriend baka masaktan kita kaya wag talaga ayokong masaktan ka.. Importante ka sakin kasi kaibigan kita, kung may mangliligaw sayo sabihin mo sakin titignan ko kung mahal ka talaga dahil kung hindi susuntukin ko siya hanggang magmukhang aso na siya gets mo bestfriend ?"
"Para ka namang magulang ko kung ganun.. Tsaka bakit ang drama mo ngayon? Haha umuwi ka na nga sa inyo matutulog na ako"
"Dito ako matutulog sa inyo !"
"Anong dito ? Hindi pwede ! Umalis ka na ! Umalis ka na ! Umalis ka na"
"Hahaha Oo na Oo na uuwi na hindi mo naman kailangang itulak ako no! Bye bestfriend ! I love you muaah muaah tsup tsup good night .."
"Tse! Umalis ka na! Good night !"
"Wala bang i love you too diyan bestfriend ? "
"Wala! " *blag* tunog nang pintong nasaktan dahil sa pagkasara ko.. Pati pinto broken din .. Haha .. Narinig ko pa ang tawa ni Nathan sa labas . napailing nalang ako . sana totoo yung i love you niya sakin pero pano ba yan ? Binalaan niya na ako na hindi dapat magkagusto sa kanya pero huli na siya mahal ko na siya eh
Nasasaktan na nga ako eh
. bakit hindi niya ako makita ? Nandito lang ako oh nagmamahal nang totoo sa kanya .. Nasa harap na nga niya ako hindi parin .. Mahirap ba akong mahalin ? Girl bestfriend lang ba talaga ang role ko sa buhay niya ? Hindi ba pwedeng maging girlfriend?
Haay! Ang saklap naman nang lovelife ko friendzone eh. Bakit ba kasi nagustuhan ko siya ? Aish .. Itong puso kong to sarap kunin at idonate pero wag na lang mamamatay ako nun .

"Alam mo sharmaine ang drama mo itulog mo nalang yan .."
Sabi ko sa sarili ko , matutulog na nga lang ako ,, goodnight bestfriend ..

*blackout*

** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** **
-to be continued





Im inlove with my Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon