Chapter 01

6 0 0
                                    

Picture's not mine po

This story is just a fiction walang katotohanan.
______________________________________________

Alas singko palang ng umaga ay gising na ako para magluto ng umagahan ng aking pamilya para mamaya pag gising nila kakain nalang sila at lalarga na sa kani kanilabg mga bisyo

Si nanay kasi ay sugarol si tatay naman ay lasinggero oh diba grabeng trabaho nila meron akong isang kapatid na babae matanda siya sakin ng limang taon, maganda si ate Fatima matangkad at sobrang buti nito para nga siyang modelo eh alagang alaga ni nanay ang balat niya

Hindi pinapatrabaho ni nanay si ate kahit nga magluto o maghugas lang ng pinggan eh baka daw kasi magka peklat si ate. Si ate daw kasi ang pag asa namin para makaahon sa hirap inuutusan niya kasi si ate na maghanap ng afam na mayaman para daw easy money para hindi na daw siya magtatrabaho pa

Insaktong ala sais ng umaga gising na silang tatlo buti nalang tapos na'kong magluto at nakahanda na ang lahat kundi makakatikim na naman ako ng kurot kay nanay at sampal kay tatay sige lang hindi naman na masakit nasanay na ang katawan ko sa mga pasakit nila. Habang kumakain sila nandito lang ako sa gilid nakatayo hinihintay na baka may iuutos sila sakin sana may matira pa kahit konti lang wala na kasi akong pera pambili ng pagkain sa labas kagabi pa ako walang kain
Makakain lang kasi ako kung may tira sila nanay pero kung wala edi wala akong kakainin

"Anak Fatima kain ka lang ng kain anak damihan mo" sabi ni nanay kay ate asikasong asikaso si nanay sakanya sana ganon din ang turing sakin ni nanay

"Wag na nay nag didiet ako ngayon dahil meron kaming date bukas ni George" kinikilig na pahayag ni ate si George ay kasintahang afam ni ate magdadalawang buwan na sila

"Ikaw ba di pa inaayang magpakasal ni George" tanong ni tatay

"Hindi pa nga tay eh excited na excited pa naman na ako" Ate Fatima

"Ba't mo pa hihintayin kung pede namang ikaw na mag aya wag ka nang magpa kipot pa anak ginto na yun baka maagaw pa ng iba kung babagal bagal ka" Nanay

"Sige nay kung hindi pa rin niya ako aayain ng kasal ngayong linggo ako nalang ang mang aaya sakanya" sabi ni ate

Hindi rin naman nagtagal natapos na din sila sakanilang panananghalian nanlumo ako ng makitang walang natira kahit isang kusing na pagkain gutom na gutom pa naman ako sige nalang itutulog ko nalang ito mamaya sa klase para kahit papano hindi ako makaramdam ng pagka gutom pagkatapos kung hugasan ang mga pinagkainan nila naligo na ako dahil papasok pa ako

Nilock ko na ang bahay bago pumasok wala naman nang tao dahil si nanay nandon sa kabilang bayan nagsusugal si tatay naman nandon sa kumpadre niya nag iinom at umalis si Ate magkikita daw sila ng jowa niya

Naglalakad lang ako papuntang eskwelahan mga 20 minutes lang naman ang lalakarin atsaka wala naman akong pera pang pamasahe kaya no choice pa rin kundi maglakad marami rin naman akong nakasabay na kapqang estudyante na naglalakad rin

"Woii Nene wala pa si maam?" Tanong ko kay Nene pag upo ko sa tabi niya si Nene lang ang matalik kung kaibigan dito dahil ma attitude ang iba naming kaklase

"Ay dito kana pala Risa" napa tingin sakin si Nene na meron binabasa "at oo wala pa si maam mukhang malalate na naman, punta tayong canteen bibili lang ako gutom nako eh" aya niya sakin tumango lang ako bilang tugon

Dahil maaga pa kaya wala masyadong tao dito sa canteen kaya nakahanap agad kmi ng mauupuan ang dami dami ng inorder ni Nene puno ang dalawang tray para ngang may birthday sa rami ng inorder niya mayaman sila Nene at spoiled siya ng magulang at kuya niya dahil miracle baby si Nene kaya ganon nila siya kung pahalagahan kaya grabe mag waldas ng pera tong si Nene pero nasa tama naman ang pag wawaldas niya

Sa tagal na nga naming magkaibigan hindi ko pa nakikilala ang kuya niya nasa states daw ito nag mamanage ng restaurant nila pero na meet ko rin naman ang parents niya minsan nga doon ako tumatambay sa bahay nila kahit ayaw ko naman wala akong magagawa dahil parang linta kung makakapit sakin si Nene

"Ba't ang rami mong order mauubos mo ba yan lahat" tanong ko sakanya

"Hindi lang ako ang uubos nyan noh kundi tayong dalawa" taas kilay niyang sabi

"Oppss no buts alam ko naman na hindi ka na naman pinakain ng evil family mo, sa'min kanalang kasi tumira pabor naman kila mommy na doon ka nalang sa bahay eh at sobrang matutuwa pa yun" sabi niya noon pa nila aki kinukumbinsi na aampunin nalang daw nila ako para hindi na ako pahirapan nila nanay

"Alam mo namang ayaw ko diba kahit ganon sila nanay mahal ko pa rin sila kaya hindi ko sila maiiwan" pahayag ko

"Whatever punta ka lang sa bahay kung mag bago ang isip mo alam mo naman na always welcome ka don" ngumiting tumango ako ang swerte ko talaga sakanya minalas mn ako sa pamilya sinuwerte naman ako sakanya. Sinimulan na namin kainin lahat ng inorder niya siguradong aabutin kmi ng ilang oras dito sa rami ba naman ng inorder niya









Hope you like it.
Feel free to exit if you find it boring po thank you parin sa pagbabasa

Itz_Arang

A Rainbow after a StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon