4-scream

1 1 1
                                    

"Ang ganda ng anak ko!!" Masayang sabi ni mama. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinigpitan ang pag-hawak dito.

"Manang mana ka sa mama..." My mother was actually a beauty queen back then. Marami siyang manliligaw at pinapag-agawan. Sayang lang kasi hindi niya natupad pangarap niya kasi nabuntis.

out of the blue, I saw my a tear fell out of her eyes. Nagalala kaagad ako kasi bigla biglang naluluha si mama, "Ma? Okay ka lang? Anong masakit? Paa ba?" Tuwing masakit katawan ni mama ako lagi ang nag mamasahe. Routine na namin yun kada uwi niya ng bahay bula sa pag t-trabaho sa mga Briyonez.

"Anak.. Nakikita ko lang ang sarili ko sa'yo. H'wag mong gagawin pagkakamali ko, ha?" Tuloy tuloy ng umagos ang luha ni mama. Hindi ko mapigilan na maluha 'rin.

"Ma' naman, eh. Masisira make-up ko ng dahil sa'yo, eh" pagbibiro ko.

"Pasensya kana, anak. Mahal na mahal kita..." Mahinang sabi ni mama kasi mas nauuna ang mga luha.

Bakit ganito naman mag salita si mama. Nag aalala tuloy ako.

"Mahal 'din po kita... H'wag mo po akong iwan, ha? Ikakamatay ko.." Siguro kapag nawala si mama, mawawalan na ng saysay buhay ko. Siya lang katungga ko sa buhay. Ang mga Briyonez at tumutulong lang pero si mama talaga ang kailangan ko sa habang buhay. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya.

"Hinding hindi... Basta ngayon, magpakasaya ka. Alagaan mo sarili mo. Oh, sige na. Baka may date pa kayo ni Ez."

Ay, oo nga pala. May date kami ni Ez. Nag aya siya, ano kaya meron dito? Bigla biglang nag aaya.

"Alagaan mo anak ko, Hijo. Katulad ng pag aalaga ko sa 'yo nung bata ka. Mahalin mo, hm?"

"Ma! Hindi naman kailangan..-"

"Opo. Aalagan ko po anak niyo at.. "Ibinali ni Ezrielle ang tingin saakin mula kay mama bago magsalita. "Mamahalin."

Gago.. Grabi mag sinungaling, ah. Pero... May naramdaman akong paro paro sa tyan ko nag hindi mapakali.

"Sa'n mo ba ako dadalhin?" Ngayon ay nasa tabing dagat kami na walking distance lang mula sa mansyon nila.

Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako ng dahan dahan papuntang gubat. "Im gonna show you something," dahan dahan kaming umakyat sa mga bato para hindi madulas.

Ilang minuto ang naka lipas, nasa taas kami ng bundok. Matarik dito at sababa naman ay dagat na. Hindi naman ito ganoon ka taas pero nakaka takot parin.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kaniya.

He squeezed my hand before putting down a small towel for us to sit on, "upo." Utos niya.

Sinunod ko naman siya at umupo. "Yung tanong ko,"

"We're here because... I wanna show you my favorite place to be. Mas maganda sana kung gabi pero hindi ko makikita ganda mo.."

Pfft. Bulero.

"Ano naman gagawin natin dito?"

"Picnic sana kaso hindi ako nakapag handa. Pero may tsokolate ako sa bulsa." Ngumiti siya saakin bago niya kunin yung tsokolate mula sa bulsa niya. Dalawa iyon, isang dark chocolate at isa naman white.

"Ano gusto mo?" Pinapili niya ako at inilagay ang dalawa sa kamay niya.

Ayaw ko ng dark chocolate. Ang pait pait minsan naman sobrang tamis. Gusto ko, subtle lang. "White chocolate," ibinigay niya saakin ang tsokolate.

Mula sa pagkahawak ng kamay ko, inilipat niya ang kamay siya sa kabilang gilid ng tagiliran ko. His arms wrapped around my waist making me blush.

"Pink ang eyeshadow, pink and lipstick at pink ang natural blush, haha." He teased me making me a bit irritated but that irritation quickly changed into a flustered one when he gently squeezed my waist.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pilit Na TadhanaWhere stories live. Discover now