Chapter 43: Untold History be Told

17 11 0
                                    

Third Person's POV


Kunot na kunot ang mga noo ni Nalani at tumutulo ang mga pawis mula sa noo, habang siya ay nagpipinta ng isang kakaibang nilalang. Makikita ang despirasyon sa kaniyang mga mata at tila ay nag-aapoy ito.

Matapos magawa ang larawan ng isang nilalang na kaniyang napiling bigyang buhay ay kaniyang pinunit ang papel sa lagayan nito ng hindi nasisira ang imahe. Kasunod ng pakapunit ang pagwaksi niya rito sa kaniyang gilid, kasabay ito ng pagtupi ng papel sa dalawa gamit ang daliri niya.

Habang siya ay nakapikit, tila naman ay may mga ipinintang usok ang lumabas mula sa mismong pagkakatupi ng papel. Ibat-iba ang kulay nito at umikot muna sa papel bago ito magtungo sa harapan. Nang lumapat ito sa sahig ay saka ito tila tila nabubuo bilang imahe na mismong ipininta ni Nalani.

Makikita naman sa mukha niya ang hirap habang ginagawa iyon. Bago pa man mangalahati ang pagkakabuo ng nilalang ay kaagad na iyong sumabog at kumalat ang mga kulay sa sahig. Bumagsak si Nalani at napaluhod sa sahig kasabay ng pagkalusaw ng papel sa kamay niya na tila ay nawasak dahil sa pagkabasa ng tubig.

Hinabol niya ang kaniyang hininga at muling sumubok. With each failed attempt, a sense of anxiety grips her heart, driving her to push harder and delve deeper into her well of power. Maririnig ang malalakas niyang bawat paghinga at pag-ubo. Nanginginig na rin ang kaniyang mga kamay at nauubos na ang magkakasamang papel sa kamay niya.

Isang subok pa at habang nagpipinta siya ay duon naman naputol ang kaniyang nag-iisang pampinta. Hindi niya kailangan ng marami, nababago ang kulay ng nasa brotsa o paint brush sa kahit na anong nais niya. Subalit nang mabali iyon ay duon siya tila nainis at itinapon ang lahat ng kaniyang mga hawak.

“How the h*ll did you become a member of the rank 1 knights if you're this weak?! You can't even draw properly. You can't even hold you brush with care! How?! Just how?!” galit na sigaw nito at tinanggal ang kaniyang panali sa buhok na may disenyong isang maliit na bulaklak.

Maging iyon ay kaniya ring ibinato na agad tumama sa isang tao.

“P-Professors.....” mahina at may gulat na banggit niya sa pagkakakilanlan dito. Nasalo ni Professor Valerie ang tali sa buhok habang nakatayo naman sa tabi niya si Professor Hitomi.

“If you are in pain, please, don't hurt yourself even more.” mahinahong wika ng guro na si professor Hitomi.

“I'm in pain, yes! But that's not the reason why I keep on hurting myself.” anito na puno ng sakit ang mga mata halos matabunan ng magulo niyang buhok. “It's the guiltiness of causing pain to others. I put my captain in danger and hurts my friends. I hurt captain.” aniya pa at tinakluban ng mga kamay ang mukha bago pabagsak na napaluhod sa sahig.

“No, you did not.” lumapit ang guro dito at lumuhod sa harapan ng dalaga. “May mga bagay na hindi natin mapipigilan, Ms. East. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit sila nasasaktan. Nag-aalala na lamang sila ngayon dahil gusto na nilang magising ang captain nyo. Nag-aalala rin sila sayo dahil alam nilang ikaw ang mas nasasaktan sa nangyari. Maayos na ang kalagayan ni Mr. Serafica. Nailigtas siya sa mas mapanganib na sitwasyon.” mahinahon nitong litanya.

“And that's thanks to Norn. If she wasn't there, I can't imagine what will happen to him. Now she hates me and I hate myself too.” pag-iyak pa nito at hinampas ang kaniyang ulo. Agad naman siyang pinigilan ni Professor Hitomi habang pinulot ng kasamang guro ang gamit ni Nalani.

“She doesn't hate you. She's probably just worried about Mr. Serafica. But he is in good condition now. Ang dapat na lang nating gawin ay maghintay.” wika mulit ng guro ngunit wala na itong natanggap na sagot mula sa dalaga.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon