Sa aking kwarto... Bow.

29.4K 118 4
                                    

Hawak ang aking gitara
Ang tangi kong kasama
Sa tuwing naiisip ka.

Sa masikip kong kwarto
Aking tinatago
Ang aking nararamdaman para sayo.

Sa ding-ding na walang pintura
Nakadikit ang mga kanta
Na aking nagawa dahil sayong alaala.

Aaminin ko sayo
Karamiha’y wala ng tono
Dahil sa tagal na nito.

Ang iba’y kumupas na ang tinta
Kasabay ng ‘yong pagkawala
Hindi na bumalik at tuluyang nabura.

Ako’y umaasang muli kang makikita
Tulad ng awit na laos na
Kapag muling narinig nagiging sariwa.

Di ko malilimot ng una kang makilala
Ngiti mong kayganda
At ang nakabibighani mong mga mata.

Bakit ka lumisan aking kaibigan?
Bakit mo iniwan magandang samahan?
Hiling ko lang, wag mo sana akong malimutan.

Nais ko pang mabasa mo ang aking mga katha
Pag-ibig ko sayong sa papel inilathala
Ako’y umaasang babalik ka pa.

Tulad ng aking mga kantang likha
di ko man maalala ang tono
Tutulain ko para sayo.

Sa aking kwarto.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon