"HAPPY birthday, Denise! Happy, happy, happy birthday!"
Sabay-sabay na kumanta ang mga officemates niya sa bangkong pinapasukan niya sa Boni Avenue.
"Make a wish!" sigaw ni Candy nang yumuko siya sa harap ng malaking cake na may nakasinding kandila at nakaukit ang edad niyang twenty-four.
She made a wish, ngunit alam niyang mahirap nang asahang matupad pa iyon. Many times she had wished that Evan James would come back to fulfill his promise. Ngunit nagdaan ang maraming taon at umiiyak na lang siya sa kabiguan.
Pinalayas sila ni Doña Maridad ng hacienda pag-alis ni Evan James ng Quiteria nang nalaman nitong may relasyon na pala sila ng anak nito; galit na galit ito sa kanilang mag-ina. Kinompronta siya ng kanyang inay. Nagtapat na rin siya rito dahil umiiyak ito sa galit sa pang-aalipusta ng doña. Pagkatapos, basta na lamang sumugod ang doña sa kanilang dampa—pinalayas sila pagkatapos silang pagsalitaan ng masama.
Bumalik siya sa villa habang nasa Manila ang doña; iniwan niya sa isang katulong doon ang address ng nilipatan nilang mag-ina, umaasang babalik si Evan James doon at hahanapin siya. Napaluha siya bago niya hinipan ang mga kandila.
"Hey! What are those tears for? Palagi na lang may luha sa mga mata mo kapag nagbo-blow ka ng candle," puna ni Candy.
"Tears of joy dahil palagi n'yo akong sinosorpresa."
"May pag-asa na ba ang manok namin?" untag sa kanya ni Kelly, ang isa pang officemate nila na tulay ni Brent, ang chief accountant nila.
"Naku! Ilang daang taon ba ang ipaghihintay ng manok namin?" ani Candy na tumingin kay Brent na nakatingin lang sa kanya.
"Ladies, leave the courting to me," anang lalaki sa mga ito.
"Torpe ka naman kasi," pakli ni Kelly.
"Hindi nakukuha sa pabilisan ang bagay na 'yan, Kelly. A boy-girl relationship is a serious matter to me, so let me do the courting, okay?" Nakangiting tumingin ito kay Kelly.
"Okay!" Itinaas naman ni Kelly ang mga kamay nito.
Sarado na ang bangko pero ang mga malalapit na kaibigan niya ay nagpaiwan para lang i-celebrate nila ang kanyang party. Hindi naman niya maanyayahan ang mga ito sa bahay nila sa Fairview dahil malalayo ang uuwian ng mga ito. Maliit din ang silid na inuupahan nilang mag-ina at ayaw rin niyang magsiksikan lang sila roon.
Hindi pa rin sila lumilipat ng tirahan dahil umaasa siyang doon siya matatagpuan ni Evan James. Maliit lang ang inuupahan nilang silid—kahit umangat na rin sila sa buhay at hindi na isang kahig, isang tuka—na nasa pusod ng squatters' area sa bukana ng isang sementeryo. It was all about Evan James!
"Hello!" Pinadaan ni Kelly ang dalawang kamay nito sa harap ng kanyang mukha.
"Bakit?" tanong niya.
"Malalim kasi ang iniisip mo. Baka naman pinag-iisipan mo nang sagutin ang aming manok. Ngayon na para masaya," udyok nito.
"Tumigil nga kayo. Namumutla na si Brent."
Idinaan niya sa biro iyon. Ganoon naman siya palagi. Kahit abot-langit na ang kanyang kalungkutan ay idinadaan niya sa tawa at biro ang lahat. Dahil sa pagiging kalog niya, kadalasan ay ipinagkakamali ng lahat na problem-free siya. Nine years! Hanggang ngayon ay hindi siya nawawalan ng pag-asa dahil alam niyang hindi lang biro ang mga pangarap nila ni Evan James noon.
She knew that Evan James could not just ignore her. He would come to fulfill his promise dahil naniniwala siyang mahal na mahal siya nito. Hindi niya tuloy alam kung dinadaya niya ang kanyang sarili. Mula noon hanggang ngayon, si Evan James pa rin ang laman ng puso at isip niya; hindi siya nawalan ng pag-asa kahit minsan.
BINABASA MO ANG
Pangako Ng Kasal - Suzanne Angelu
RomanceDenise took a vow with Evan James to love each other till the end of time. Kinse anyos lamang siya nang magsimulang umusbong ang pag-ibig nila. Ngunit hindi naging sapat ang pangako niya. Kailangan niyang ipagparaya ang kanyang pag-ibig para sa isan...