Third Person's Pov
Mabilis lumipas ang oras at dumating na ang hapon. May araw pa naman ngunit isa o dalawang oras na lang ay lulubog na ito.
Nag-uusap ang apat sa grupo ng Canopus Knights at lima sa grupo ng Sirius. Si Lynx at Zeno ay nakatuon sa sinasabi ng isat-isa, habang si Supea, Ezra, at ang vice captain na si Jurius ang may sariling mga mundo. Ang apat naman sa Sirius na sina Koa, Cole, Cosima at Syria ang magkakapulong.
Pagkapasok nila sa infirmary ay may tatlong guro ang kapwa may mga benda sa katawang ang siyang papalabas. Binati nila ang isat-isa bago tuluyang makaalis.
Pagpasok kasi sa infirmary ay makikita ang may kalawakang lobby. Nasa gitna ang isang pwesto para sa mga healers na nakatalagang magbantay sa oras na iyon. Sa kanang bahagi ay naruon ang halos nasa sampong mga kama na pinaghihiwalay ng mga puting kurtina para sa privacy.
Sa kaliwang bahagi naman ay nasa sampo rin ang mga kama na napaliligiran ng puting kurtina. Sa bandang likuran naman ay limang kwarto na ang apat ay para sa ibang mga pasyente na hindi maaari sa labas ng kwarto. Depende iyon sa atensyon na kailangan sa kalagayan ng pasyente. Ang isang kwarto sa dulo ay sa kaliwa ay para sa panga-ngailangan sa panggagamot.
Ipinaalam ni Zeno sa mga healers na dadalaw sila kay Eos. Binigyan sila nito ng permiso at kaagad silang nagtungo sa ika-apat na kwarto. Pagkapasok nilang lahat duon at maisara ang pinto ay nagtaka sina Zeno at Koa kung bakit ang ilan sa mga kasama ay huminto.
Nang tumingin sila sa kama na kinahihigaan ni Eos, nakita nila ang dalawang tao na may suot na pula at itim na cloak. Natatabunan ang mukha ng mga ito dahil sa hood. Makikita rin ang tila ay nakasuot ng gawa sa leather na mahabang guwantes sa kamay ang naka-itim na cloak.
May butas ang mga daliri ng guwantes at makikita ang darili nito. Ang nakapula naman ay may mahaba ring itim na guwantes sa kamay ngunit buo ito at walang butas ang mga daliri. Subalit ang nakaagaw ng kanilang pansin ay ang kamay nitong nakahawak sa leeg ni Eos habang nasa magkabila silang gilid ng kama.
“Who are you?! Anong ginagawa ninyo sa kaniya?” Dala na rin marahil ng takot at kaba sa dibdib ay hindi na nakapag-isip pa si Zeno.
Kasabay niyang sumugod si Koa na sinundan naman kaagad ni Lynx. Subalit ng makalapit sila ay agarang nakatanggap ng sipa si Koa sa kaniyang tiyan dahilan upang tumalsik siya kay Lynx na nasa kaniyang likod lamang, malakas na bumagsak sila sa sahig. Kaagad silang dinaluhan ng mga kasama at nakitang namimilipit sa lakas ng tama ang dalawa.
Si Zeno naman ay kaagad inambaan ng suntok ang sa tingin niya ay lalaki dahil sa may kalakihan nitong braso at katangkaran. Pinilit niyang hindi ilabas ang kapangyarihan niya dahil bukod sa bawal ay maaaring madamay rin ang iba. After all, he holds the power to create thunders.
Dahil alam niyang posibleng masalo ito ng kalaban, ay bumuo kaagad siya ng maliit na plano. Nang masalo nga ng nakaitim na cloak ang kamao niya ay sumunod kaagad ang kaniyang binti para sa isang malakas na sipa.
Gamit ng kalaban ang kaliwa niyang kamay sa pagsalo ng kanang kamo ni Zeno, kaya akala ng binata ay hindi nito mapipigilan ang paparating niyang sipa sa kaliwa dahil nga nakahawak ang kaliwang kamay ng naka-itim sa kanang kamao niya.
Subalit, ang lahat ay maling akala. Gamit ang kanang kamay ay nasalo ng kalaban ang atake ng kanang binti ni Zeno. Tila nag krus tuloy ang mga braso ng kalaban. Mabilis naman ang pangyayari kaya hindi niya nagawang mapansin ang atake nito sa kaniya. Namalayan na lamang niya na tumalsik na siya sa pader.
Mukhang gamit ang kanang binti ay sinipa siya nito ng malakas. Sa sobrang lakas ay tumalsik siya at ramdam niya ang pagtama niya sa pader. Muntik pa siyang mawalan ng malay. For some unexplainable result, he didn't feel any of his bones snap or break.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasyNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...