"Ready na ba kayo sa pasukan? Mga freshmen's na tayo!" Tanong ni Mara sa 'min. Hindi ko muna inintindi ang tanong niya dahil wala naman akong balak sagutin iyon. Wala akong energy. I mean, araw-araw naman.
"Hindi, parang ayoko pa. Scary." Sagot ni Jaydee sa kaniya. "Ikaw, Za?"
"Okay lang. Para makaalis na din sa bahay." I always wanted to go out and have some fun sana habang bakasyon. Pero dahil napunta ako sa pamilyang workaholic, walang pakialamanan at 'bahala ka sa buhay mo' phase lagi ang motto...edi walang masayang bakasyon.
Nakakaurat nga na 2 months akong nakakulong sa bahay at puro tulog, cellphone, ang cycle. To the point na pati ang pagcellphone at tulog ay kina-uumayan ko pa.
Kaya gusto ko na din pumasok para makaalis doon. Sa bahay.
"Nakaka-excite!" Mara's excited, of course. Her program's tourism kasi mahilig gumala at mag-adventure. Gusto ko nga din sana ng ganon pero pansin ko na may requirements. Maganda na matangkad na malakas ang dating, e hindi ako ganon. Mara's like that, bonus na ang pagiging jolly niya.
"Parang 'di naman." Sagot ni Jaydee. Jaydee's program is medical laboratory science, to make it short, medical technology.
"Hindi talaga sa 'yo kasi semilya atsaka tae ang iche-check niyo." Natatawang sabi ni Mara. "Ikaw, Za? Okay ka na sa engineering program mo?"
I shrugged. Ewan ko din talaga e. Ako naman ang pumili ng kursong ito pero...napressure lang din naman ako kasi under DPWH ang nanay ko. Contractor siya doon kaya madaming connection sa mga inhinyero at sa mga architects. Sabi niya gamitin ko daw ang connection na 'yon habang mayroon pa para makapasok ako sa magandang kumpanya at magandang trabaho.
"Good morning, UCnians! Welcome to University of the Cordilleras!" Orientation week. Nasa phase palang kami na ganon kaya medyo chill pa naman. Wala pa naman masyadong ginagawa kundi ang makinig ng makinig sa mga ceremonies dito sa UC.
I failed the college entrance examination sa SLU. Graduate pa naman ako ng SLU high school kaya...ayan, disappointed ang sambayanang pamilya. Pinagkalat pa sa buong angkan. 'Outstanding student naman pero hindi magawang maipasa ang entrance exam sa university e pareho naman na sa saint louis siya galing.'
Fuck this life.
"Boring, takas tayo?" Napatingin ako sa katabi ko. I don't know him. He doesn't know me as well. Tapos yayayain niya ako tumakas? "Gutom ako, legit. Tapos ang boring pa."
"Hindi ba tayo mac-call out? Baka bawiin attendance." I respond. Gusto ko din naman na umalis e.
"Parang first time tumakas sa mga event ah."
"Because we can't sa former school."
"Tara, ako bahala sa 'yo." Hindi ko din alam kung bakit at sinundan ko nalang ang lakad ng lalaking ito. Ni hindi ko nga siya kilala e. Hindi ko nga alam kung ano ang program niya kasi halo-halo naman ang freshies dito sa orientation na 'to.
Wala pa naman gaano circle of friends sa block namin kasi 3 days palang simula noon'g pasukan kaya wala din akong masamahan sa block.
Nakisama kami sa mga sophomores and seniors na nagpapalipas oras lang na dayuhin ang orientation para sa mga freshies. Nagkunwari nalang din kami na isa kami sa kanila na lumabas kaya nakalabas naman kami ng ligtas.
"Sabi sa 'yo e. Ano, tara kain. May preferences ka ba sa pagkain?" Tanong niya agad nang makalabas kami.
"Wala akong balak sumama sa 'yo." Deretso kong sagot kaya natawa siya. Bigla nalang siyang natawa.
"Hoy, grabe! Ibig sabihin ginamit mo lang din ako para makalabas do'n?"
"Absolutely."
"Wow, hindi man lang tinanggi." Iiling-iling na sabi niya. "Edi sa'n ka na niyan?"
"Library?"
"Nerdy naman!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Bahala ka, mabo-boring-an ka din diyan. Masaya pa naman kumain sa meryendahan ni Manong Berts."
Tumalikod na ako para sana umalis nang hawakan niya ang palpusuhan ko kaya nang makaharap ako sa kaniya ay tinignan ko siya ng nakakunot noo. Hindi ko din naman mabasa ang mukha niya kasi hindi ko mawari kung natakot ba siya sa facial expression ko dahil mukha siyang tuta na tumiklop bigla...pero bigla din siyang natawa.
"Sorry, hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa." Ani nito bago bitawan ang kamay ko. "Hindi pa kasi ako nagpapakilala. Sayang naman moment na 'to. Ang memorable kaya."
"Anong memorable sa pagtakas sa orientation with stranger?" Nagtataka kong tanong nang nakakunot pa din ang mga noo. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba maging mabait o bibigwasan ko nalang ang isang 'to para makaalis na din ako.
"Cute mo." Walang kwenta. Inirapan ko siya at tumalikod na pero inulit niya ang paghawak sa kamay ko. "Joke! Ito na. Seryoso na."
"Ano?" Naiinip na ako.
"Adi. Adi Sevilleja, nursing, block A1. Ikaw?"
"Too much information." What if kidnapper ako o masamang tao ako edi alam ko kung sa'n siya hahanapin?
"Para alam mo lang sakaling mamiss mo ako o attached ka na ngayon pa lang."
"Kapal."
"Ano na kasi? Para friends tayo!" Kaduda-duda naman ang isang 'to.
"Zarina, civil engineering, block A2."
"'Di ka talaga sasama kakain?"
"Hindi pa ba tayo tapos mag-usap?"
"Ay. Sinu-sure ko lang baka kasi nagbago na isip mo." Inirapan ko na naman siya. Tumalikod na ako para umalis nang sumigaw na naman siya. "See you when I see you, Za!"
Insane.
~ ~ ~