"May na-gets ka sa chemical engineering?" Tanong sa 'kin ni Sax. Two weeks have passed already. I don't know kung may friends na ako dito sa block na 'to pero may mga nakakausap naman at napagtatanungan. I just don't know if considered na ba na friends ko sila.
Sila Jaydee at Mara nga, 3 years ko pa bago matawag na mga kaibigan e.
I just don't know how to define the word 'friends'. Ang hirap para sa 'kin.
"Meron naman." Sagot ko sa question ni Sax.
"Sa engineering mathematics?" He asked again. I looked at him...with judgment sa isip ko kasi...impossible naman na pati iyon ay tatanungin niya pa. Engineering student kami, basic pa nga 'yong sa chem eng namin e. What more sa eng math?
"Of course?"
"Makikipag-trade sana ako. Turuan mo ako sa chemical, ako na sa mathematics. Pero mukhang gets mo naman. E sa ibang subject?"
"All good." Wala akong choice kundi ang aralin sila. Hindi p'wedeng wala akong alam kasi kapag ako pumalya dito...baka 'di ko kayanin ang tingin at salita ng mga pamilya ko at magpakamatay nalang.
"Libre ko nalang lunch, basta turuan mo ako?"
"You don't need to pay me, Sax. Okay lang naman."
"Yown." Sax's friendly. Kasama niya ang kaibigan niyang si Maddy nang napag-usapan namin na sa library kami mag-aaral.
"Pinagpala ka ba, Zarina?" Random question ni Maddy. "Kahit anong explanation, wala talaga akong maintindihan."
"Bobo ka na sa lagay na 'yan, Mads." Sagot ni Sax sa kaniya. Malalim akong huminga kaya natawa si Sax. "Gago, 'di ka na niya kinakaya, Mads."
"Hala, sorry!" I just smiled at her and reminded myself that...konting pasensya pa.
In-explain ko ulit kay Maddy lahat...as in lahat pero minake-sure ko din na sa paraan na mas madali. Sa sobrang tuwa niya na na-gets niya na ay halos matumba kami sa higpit at ligalig ng yakap niya sa 'kin.
"Putangina!" Nangi-gigil niyang bulong habang nakangiti na na nagso-solve ng problem sample na binigay ko.
Deep down inside me, sobrang saya ko din.
"Maddy?" Napatingin kami sa nagsalita. It was a girl calling Maddy, pero mas napansin ko ang kasama niya.
"Uy, Angela!" Nagyakapan sila bilang beso.
"Gago, nagbabagong buhay ka na ah? Alam mo na maglibrary." Komento nung Angela. Hindi ko nalang sila pinagtuunan ng pansin...kahit na isa na doon sa mga nakaputing uniporme ay si Adi.
"Kailangan pumasa, gago." Sagot ni Maddy sa babae. Napansin ko na bumaba ang boses ni Maddy kaya tumingin ulit ako sa kanila.
Nakatingin siya kay Adi.
"Ay sorry, dito pa talaga kayo nagkita. Hahaha!" Sabi nung Angela at pino-point-out sila Maddy at Adi.
"Pakyu." Hindi ko na ulit sila pinansin. "Sina Jaydee, atsaka Zarina nga pala. Mates ko."
Ang rude naman if hindi ko sila papansin o tignan para magsmile man lang kaya nakihalubilo na ako.