CHAPTER 2

30 5 0
                                    


Feelings


"Salamat sa pagkain!" Bigkas naming dalawa ni Jacob.

Nabusog ako sa lutong sopas ni Aleng Sam. Sana may susunod pa kaso aalis na talaga ako ngayon.

"Ahm, magpapaalam na po ako.." Malungkot kong sabi. Agad na akong nagpaalam sa kanila sa pag-alis ko ngayon.

"Sabi ko diba hindi ka aalis. Anu yun matapos mo akong kakaibiganin aalis kana?" Natahimik naman ako sa sinabi niya.

"Eh kasi—" Hindi ko matuloy-tuloy yung sasabihin ko kasi parang ayaw ko ring umalis. Bakit?

"Eh kasi hindi ito yung tirahan ko. Ang totoo niyan, Aleng Sam, isa akong alien." Sinabi ko na ang totoo sa kanila para hindi na niya ako pigilan. Inaasahan kong magugulat ang Nanay nya kapag malaman niya ito.

"Ah alien!!?"

"Opo, aleng Sam isa po akong alien."

"J-jacob tumawag ka ng police, dali!!" Hindi ko aakalaing hindi ito maiintindihan ni Aleng Sam. Hindi ko alam na ganito ang magiging reaksiyon niya.

"Jacob! Diba sinabi ko tumawag ka ng police."

"Hindi Nay, bakit tayo tatawag ng pulis ehh wala naman siyang ginagawang masama?" Hindi ko inaasahang pagtatanggol sa akin ni Jacob.

Dumadami na ang mga tao sa labas ng bahay dahil sa ingay na kanilang naririnig. Marami palang tsismosa rito. Pa'no na, makukulong na ba talaga ako. Wala naman akong ginagawa ehh.

"Totoo, alien siya?"


"Ayy Oo mare dinig na dinig ko kanina."


"Pano? Totoo ba yan?"

Dinig na dinig ko ang kanilang mga bulungan na abot sa aking tenga.

Jacob's POV:

Shit, paano na hindi siya puwedeng mapahamak dito. Dumadami na ang mga tao. Kailangan ko siyang ilayo rito.

——

"Csea halika." Sambit ni Jacob.

Agad niyang hinablot yung kamay ko at tumakbo papalayo sa bahay nila.

Hindi namin alam na kung saan kami napadpad. Tumatakbo kami kanina papunta sa gitna ng kakahuyan. Mabuti nalang at hindi kami nasundan.

"Bitawan mo na ako." Sabi kong hingal na hingal na kakatakbo. Parang kailan lang napakasungit niya, then nakipagkaibigan. Now, he's acting like a knight and shining armor ko. Ano ba talaga ha? Bakit mo ako tinutulungan?

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin na parang nag-aalala.

What? Nag-aalala pala siya sa akin. But, parang tumitibok na naman yung puso ko. Wth.

"Nag-aalala ka pala?"

"Mukha bang hindi?" Oo kanina pa pala siya nag-aalala. Dapat pala hindi ko na tinatanong yun.

Meet Me In Outer SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon