SIMBAKO
Isinulat ni PrettyBella
"Guys, una na ako, a," pagpapaalam ni Mikey.
"Gusto mo nang mauna? Huwag muna, bata ka pa," pabirong sagot ko.
"Hoy, simbako, Eachel!" biglang saway sa akin ni Lyan na siyang nagpahinto sa akin.
"Kumatok ka sa kahoy at sabihing simbako, Eachel. Baka magkatotoo 'yang sinasabi mo," sabat ni Sheily
Natawa lang ako. "Psh, nagpapaniwala kayo sa pamahiin na 'yan. Hindi naman 'yan totoo, 'no."
"A, guys, anong pinag-uusapan niyo?" biglang tanong ni Mikey.
Napalingon kami sa kaniya at mahahalata sa kaniyang nakakunot na noong naguguluhan siya. Hindi siya taga rito sa Cebu. Six months pa lang siya rito kaya siguradong hindi niya alam na iyong sinabi ko ay kataga namin na ang ibig sabihin ay gusto mo nang maunang mamatay? Huwag muna, bata ka pa.
Magsasalita na sana si Sheily upang ipaliwanag kay Mikey ang nangyayari pero pinigilan siya ni Lyan.
"Wala 'yon, Mikey. Sige na, mauna ka na. Alas onse na. Malayo pa naman ang uuwian mo. Kami nang bahala magsara ng store," saad ni Lyan.
"Sige. Una na ako guys, a. See you tomorrow," pagpapaalam ni Mikey sa amin nang nakangiti.
Nginitian din namin siya pabalik at kumaway. Nang makaalis siya ay agad akong hinarap ng dalawa.
"Oy, masama iyong sinabi mo, Eachel, a. Dapat talaga kumatok ka sa kahoy at nagsambit ng simbako," saad ni Sheily.
"Oo, nga. Para naman sure tayong safe lang si Mikey na makarating sa kanila," dagdag naman ni Lyan.
"Ano ba kayo? Biro lang naman 'yon."
"Kahit na. Masama iyong sinabi mo. Kasabihan ng matatanda na kumatok sa kahoy at magsambit ng simbako para hindi matuloy ang masamang nasabi mo," sagot ni Sheily.
Natawa na lang ako. "Masyado naman kayong nagpapaniwala diyan. Kasabihan lang naman 'yan ng matatanda. Means, sabi-sabi lang. Walang proweba na totoo talaga."
Napalingo-lingo si Lyan. "Ewan ko talaga sa 'yo, Eachel."
Sinagot ko lang iyon nang pagtawa at pagkatapos ay inayos na namin ang mga upuan bago sinarado ang store. Nagkanya-kanya na kami ng uwi pagkatapos dahil iba-iba iyong jeep na sasakyan namin at sa iba-ibang direksyon din ang mga bahay namin.
Nang makababa ng sinasakyang jeep, bigla akong napahinto saglit. Ang dilim ng eskinita papasok kung saan ako nakatira. Tiningnan ko iyong relo ko. Maga-alas dose na ng hating-gabi. Ngunit kahit ganoon, hindi naman ganito kadilim sa eskinita na ito kapag mga ganitong oras. Siguro, sira lang ang mga ilaw?
Biglang nagpatay sindi ang ilaw sa poste malapit sa kinatatayuan ko. Psh, pati ba naman ito, sira? Ganito nga talaga siguro kapag sa squatter lang nakatira. Nagsimula na akong maglakad papasok sa eskinita. Ngunit mayamayang paglalakad, bigla akong nakarinig ng yabag. Napalingon ako sa likod ko. Sa paglingon ay napakunot ako ng noo dahil wala akong nakitang kahit na sino. Kahit madilim kasi, may pigura ka pa rin namang makikita. Ngunit wala akong nakita maski isa.

BINABASA MO ANG
Simbako
HorrorKumatok sa kahoy at magsambit ng simbako upang hindi mangyari ang masamang nasabi mo. Date started & Finished: July 25, 2024