ASIWANG-ASIWA si Adriana habang nagsusukat ng mga damit. Paano ba naman, animo prinsesa siya kung ituring ng mga store clerks.
Excuse me, aniya nang hindi na makatiis. Puwedeng ako na lang? Marunong naman akong maghubad. Isa pa sa ikinaiinis niya ay lahat na lang na isukat niya ay pinupuri ng mga salesladies. Lahat, bagaysa kanya kahit hindi naman sa tingin niya. Napasulyap siya kay Tristan na prenteng nagbubuklat ng magazine habang nakaupo sa couch. Hindi ito nakikialam sa pagpili niya ng damit, bagay na taliwas sa inaasahan niya. She was expecting him to fuss all over her, too, dahil bading nga. Pero wala siyang naririnig mula rito. Isa lang ang sinabi nito nang pumasok sila sa boutique.
"Kunin mo magugustuhan mo." Then he sat on the couch.
Bagay sa iyo, Miss. Puwede mo pa siyang i-mix ang match, komento ng saleslady nang isuot niya ang mustard-yellow suit.
Sinipat niya ang sarili sa salamin. Maganda nga. Nagmukha pa siyang kagalang-galang.
Sige, kukunin ko ito at saka 'yong dalawang nagustuhan ko kanina, wika niya.
What about this, Ma'am? tanong ng isa pang saleslady, tangan ang isang slacks and jacket.
Ayoko n'yan. Malungkot, aniya.
Tatlo lang ang nagustuhan mo? tanong ni Tristan nang sabihin niyang nakapili na siya.
Tumango siya.
Kinuha nito ang credit card at iniabot sa clerk.
Paano 'yan? Wala na akong susuwelduhin. Ang presyo ng isang suot ay kalahating buwan na niyang suweldo. Iyong panghuli niyang napili ay mahigit pa.
Hindi ko naman kakaltasin nang biglaan, ani Tristan.
Paglabas nila ng boutique ay napansin niyang napansin nitong kandahaba ang leeg niya sa iba pang tindahan na nadaraanan nila.
Tara sa loob, yaya nito.
Pero baka wala ka nang pera, aniyang hindi maalis-alis ang tingin sa bestidang suot ng manikin. Kahit hindi pa niya naisusukat ay alam na niyang kasya iyon sa kanya. Parang magkasukat sila ng manikin.
Okay lang. Magsukat ka pa ng gusto mo, basta huwag 'yong masyadong revealing.
Ikaw ang bahala.
Dalawang bestida pa ang nabili niya sa tindahang iyon. Ngunit hindi pa tapos ang kanyang shopping spree. Kailangan pa niya ng mga sapatos. Kung saan bumibili ng mga sapatos si Tristan, doon din siya nito dinala. She purchased three pairs, ang pinakamababa ang presyo ay two hundred pesos.
Don't look at the prices, wika sa kanya ng lalaki. Ang mahalaga, hindi ka mahihirapan kapag suot mo, 'yong hindi ka kakalyuhin. At saka matibay naman 'yang mga 'yan. Matagal mong pakikinabangan, lecture nito.
Bahala ka.
Pagkatapos mamili ng sapatos, may sorpresa pa ito sa kanya. He bought her a cellular phone.
Para puwede mo akong tawagan kapag may problema ka. Anytime, anywhere. He smiled at her. Now, let's have dinner.
PUWEDE na ako r'yan? tanong niya nang makita ang kakainan nila. Masyadong class para sa kanya; feeling niya ay itinataboy siya ng lugar.
Bakit naman hindi? Malay ba nilang hindi ka pa nakakapasok d'yan? Relax ka lang, ako ang bahala. He placed a hand on her lower back and guided her inside.
Nakangiti ang waiter na sumalubong sa kanila; inihatid sila nito sa pandalawahang upuan para magkatabi sila.
Binuklat ng binata ang menu at ipinaliwanag sa kanya ang bawat entrée matapos umorder ng inumin.
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Mangako - Rose Tan
RomanceProbinsyanang masahista si Adriana. Mukhang walang alam sa mundo. Pero mayroon siyang abilidad, dahilan para tanggapin niya ang mungkahing isa niyang customer. Kakaibang trabaho ngunit masisigurado ang kinabukasan niya kung magagawa niya. Kailangang...