Chapter 1

136 5 0
                                    

Maloi's POV

"Maloi nak gising na!,kain na ng maka gayak ka na"tawag sakin ni mama para gisingin

"Eto na po!"sagot ko naman pabalik

Bumangon na ako at nag stretching

Nag punta muna ako ng banyo para makapag hilamos

Pag katapos ay bumaba na ako upang makapag agahan

"Bilisan mo kumain at ihahatid kita"sabi ni papa na umiinom ng kape

"Opo"sagot ko at nag umpisang kumain

"Oh eto gatas, inumin mo ng hindi puro softdrinks ang laman na liquid ng katawan mo, mag baon ka ng tubig"pangaral ni mama at ibinaba ang isang baso ng gatas sa harapan ko

Natawa ako

"Opo ma"sagot ko at patuloy sa pag kain

"Paki tanong narin pala kung sasabay si Stacey kung sasabay sya para madaanan natin"sabi ni papa na aking tinanguan dahil ngumunguya ako ng pagkain

Stacey's POV

Nag ring ang phone ko kaya dali dali kong inilagay ang hikaw ko tsaka ko sinagot si Maloi na tumatawag

"Loi?"kako na nag aantay na mag salita ang bestfriend ko

"Stacey, sabay ka raw ba sabi ni papa?, para daw masundo ka namin"saad nito na nag pa relax sa katawan ko

Kanina pa kasi ako natatarantang mag madali dahil akala ko ay mag cocommute ako, maaga kasing umalis si daddy, may emergency daw sa trabaho, hindi rin naman ako maihahatid ni mommy dahil nga ay hindi naman ito marunong mag drive

"Ay jusko salamat naman, pakisabi oo maaga kasing umalis si daddy eh kaya eto madaling madali ako mag bihis baka wala akong maabutang sasakyan"kako naman at kinuha ang bag ko bago bumaba

"Ok sige papunta na kami jan paantay nalang sa gate nyo"sagot ni maloi

"Sige salamat"kako naman at binaba ang tawag

"Mommy labas na po ako antayin ko nalang sila maloi at tito sa gate"pag papaalam ko sa aking nanay na busy nanaman sa mga halaman nya

"Ah sige ingat nak, kinuha mo ba baon mo sa lamesa?"tanong nya na tinanguan ko

"Bye mommy"kako at hinalikan sya sa pisngi bago tumakbo palabas ng gate

Nasa iisang subdivision lang kami nila maloi

Mag kababata ang nga magulang namin kaya naging mag best friend narin kami sa dalas naming mag kita mag mula pagkabata

First day namin ngayun sa school

Kinakabahan pero excited

Senior Highschool na kasi kami

Napag disisyonan naming kunin ang HUMSS na stand

Gusto daw mag abogado netong si Maloi sunod sa yapak ng papa nya at ako naman gusto ko maging teacher

Ang angas kaya

Teacher Stacey

Hindi rin ako ganun katagal nag antay nung dumating na sila Maloi at tumigil sa harapan ko

Dali dali narin akong sumakay para di na kami malate ni Maloi

"Good morning po tito"pag bati ko sa papa nya

"Good morning"pag baati naman neto saakin pabalik bago nag umpisang mag maneho ulit

"Anong section mo?"tanong ni Maloi sakin

"Eto lagi mong hawak phone mo pero di ka nag babasa sa post ng page ano?, mag ka section tayo, Aries"sagot ko sakanya

"Aries? Ano ba naman yan nasa Libra yung crush ko"nag dadabog sa sabi ni Maloi

Ang landi ha

"Mary Loi Yves Ricalde, papasok ka para mag aral hindi para mag hanap ng lalandiin"pag sisita ng papa ni Maloi

Nag pigil ako ng tawa ko ng makita kong sumimangot ang best friend ko

"KJ naman ni papa"sabi ni Maloi na syang naging sanhi ng pag tawa ko

"Sira tama naman si tito eh papasok tayo para makapag tapos hindi para lumandi, tsaka sino ba yang crush mo sa Libra na alam mo ang section nya pero sarili mong section hindi mo alam"sabi ko

"Secret pwet mong may Raket"sagot ni Maloi

"Maloi"paninita ulit ng papa nya

Napatawa nalang ako

Stricto ang papa ni Maloi

Pero alam ko namang mahal na mahal nyan ang anak nya

Nag iisa nalang yan eh

Namatay kasi sa aksidente ang kuya nya

Kaya ganun nalanng rin nila alagaan si Maloi

Mga 30 minutes rin siguro na byahe bago kami nakarating sa school

Dumeretso na kami ng classroom para hindi na kami ma late

Nag tabi kami ni Maloi sa gitna ayaw namin sa harap kasi minsan nakakatamad mag recite

Di nag tagal eh pumasok narin ang teacher namin

Babae ang homeroom teacher namin

Mukha namang mabait

Ibinaba nya ang mga dala nyang gamit sa mesa bago nag salita

"Good morning class, due to some mix ups, kelangan ko mag bawas ng students at ipupunta ko sa kabilang section which is sa Libra"sabi ng teacher namin

"Pwede ba mag volunteer"bulong sakin ni Maloi

Ang landi talaga

"I need to transffer at least five students, so I'll just randomly pick at the list"sabi ng teacher at kinuha ang master list nya

"Jhoanna Christine Robles, Mariah Queen Arceta, Gweneth Apuli, Stacey Aubrey Sevilleja,And Mary Loi Yves Ricalde"saad ng teacher na ikinatuwa naman ni Maloi

Tumayo kaming mga tinawag ng Teacher at pinasunod nya kami sakanya para ihatid sa Libra

Unang araw palang to ha, ang hassle na agad

Haunted By DarknessWhere stories live. Discover now