𝙲𝚊𝚜𝚜𝚒𝚎 𝙹𝚎𝚊𝚗 𝙰𝚕𝚟𝚊𝚛𝚎𝚣
Gusto ko sanang tumawa kay boss Zach sa pagkakasabi niya ng "three assholes". Sa hitsura niya kanina ay parang pikon siya sa kung sino man ang tatlong 'yon kaya minabuti ko na lamang pigilan ang tawa ko.
Inayos ko na ang mga papers na kakailanganin ni boss para sa meeting niya mamaya. Tumingin ako sa pambisig kong orasan. Isang oras pa naman, may time pa ako iayos ito sa conference room.
Inilapag ko na ang mga proposals sa table. Binuhay ko ang aircon at inayos ang mga swivel chairs. Naglagay na rin ako ng water sa bawat tapat ng upuan. Nilagay ko ang company laptop sa bandang dulo ng table at inayos ko na ang projector na gagamitin ni boss. Inihanda ko na din ang flashdrive na gagamitin ni niya para sa presentation.
Pinagpuyatan kong gawin iyon. Madaling araw na nga ako nakatulog ngunit maaga pa rin akong nagising para ipaghanda ng almusal ang anak ko dahil maaga ang pasok nito sa school.
Feeling ko pipikit na ang talukap ng mata ko dahil sa antok. Humikab ako. Kanina pa ako hikab ng hikab.
Parang madami yata sila ngayon dahil buong table occupied. Dahil sa busy ako hindi ko namalayang malapit na mag-start ang meeting.
Napatingin ako ng nagsidatingan ang mga senior executive ng kompanya. Ang huling dumating ang "three assholes" na sinasabi ni boss. Akmang aalis na ako ng makita ako ng "three assholes" ayon kay boss Zach. Napangiti ang tatlo sa akin. Hala! Jusko teh! Eto na naman sila!
"Oh, nice to see you again beautiful lady," papuri noong nagngangalang Chris. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ito. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko.
"Hello pretty babe," bati naman ni Gian. Nabigla ako ng higitin niya ako payakap sa kanya sabay halik sa buhok ko. Hala ano ba ito!
"You smell so good pretty babe," bulong niya sa tainga ko. Sa sobrang lapit niya ay naamoy ko ang mabango niyang hininga.
Napabaling ang atensyon ko sa isa pang asshole. "Hello my darling!" Hindi nakapag-react agad nang halikan niya ako sa pisngi ko.
"You, three assholes! Are you done molesting my secretary?!" inis na sabi ni boss Zach sa tatlo. Mukhang pikon na pikon siya sa ikinilos ng tatlong model.
Napatingin ang lahat ng nasa conference room dahil sa pagsigaw ni boss. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya.
Tatawa-tawa lang ang tatlo at nagsipuntahan na sa kanya-kanyang upuan na para bang walang nangyari.
Biglang dumako ang tingin sa akin ni boss. Kung nakakamatay lamang aangtingingi binigay niya sa akin at baka nakahandusay na ako ngayon sa malamig na sahig.
"You," maawtoridad niyang sabi at dinuro ako. "P'wede ka ng lumabas. Stay in my office and don't go outside until I say so!" galit niyang dagdag.
Tumango na lamang ako at lumabas ng conference room.
Nakailang ikot na ako dito sa office ni boss Zach ngunit wala pa din siya. Pasilip-silip ako sa may pinto baka sakaling parating na pero ni anino niya ay hindi ko naaninag. Ilang oras na ba ako rito? Kapag lumabas naman ako at nakita niya akong pakalat-kalat sa labas ay tiyak na pagagalitan niya ako ng bongga.
Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sofa. Ininom ko ang kape na kakatimpla ko lang, pampaalis ng antok dahil baka kasi bigla na lamang akong ma-knockout dito. Maabutan pa akong tulog ng boss kong sobrang sungit na akala mo palaging may dalaw.
Dahil sa puyat ako parang walang talab sa akin ang kapeng iniinom ko.
Tinampal-tampal ko ang pisngi ko dahil kusa ng pumipikit ang talukap ng mga mata ko. Hindi dapat ako makatulog. My gosh Cassie! Gising!
Tiningnan ko ang orasang nakadikit sa pader. Alas singko na hindi pa tapos ang meeting. Dapat nga nandoon ako kasi Secretary niya ako ngunit dahil tinotopak siya ay pinaalis niya ako.
Nagpasya akong umidlip muna dahil hindi ko na talaga kaya. Inalis ko ang sapatos ko at humiga sa mahabang sofa. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa sobrang antok.
𝚉𝚊𝚌𝚑𝚊𝚛𝚢 𝙲𝚊𝚜𝚝𝚎𝚕𝚕𝚊𝚗𝚘𝚜
I want to give each of them a hard punch right on their ass-faces. I
Kung hindi ko lang talaga sila kailangan for the launch of our new products, I will not work with them.The meeting is over. I gave them an annoyed look when they followed me.
"Hey, p'wede na kayong umuwi. The meeting is over. Bakit kailangan niyo pa sumunod sa office ko?" Huminto ako sa tapat ng pinto ng opisina ko.
"You're so ungrateful bro! Pasalamat ka we helped you. Wala ka talagang utang na loob," Gian joked and laughed his ass off as the other two, Chris and Ranice snickered. They're hopeless.
Tinalikuran ko sila. I opened the door. My eyes roamed around the four corners of the room, finding Cassie. I can feel her presence but cannot find her.
I'm expecting na sasabulungin niya ako at magbabato ng mga katanungan pero wala siya.
Umuwi na ba iyon? I told her hintayin niya ako at huwag na huwag siyang lalabas. Nagsalubong ang kilay ko sa inis.
My eyes landed on the sofa. The annoyance I have felt earlier vanished in an instant. She's peacefully asleep. Lumapit ako para mapagmasdan lalo ang maamo niyang mukha.
"Oh, the beautiful lady is sleeping," sabi ni Chris na ikinagulat ko. Hindi ko namalayang sumunod talaga sila. Ang kakapal ng mukha nila!
He walked towards Cassie's direction. He knelt down and was about to kiss her cheek. I panicked and pushed him away from Cassie. He's good at teasing me, huh?
"F*ck you, Chris! Don't you ever put that dirty mouth of yours on her cheeks nor lay a single finger of yours or else you're done!" I was fuming mad and I don't know why I'm even acting to this extent. Am I overreacting? I don't think so 'cause I'm just protecting my secretary from being molested. Manyak pa man din 'tong mga kaibigan ko.
Natatawang tumayo si Chris. He distanced himself from Cassie who's not aware of what's happening.
"Possessive mo naman para iki-kiss lang eh, masama ba iyon? Goodnight kiss. Bakit may relasyon na ba kayong dalawa?" he threw questions as if we were in an interrogation room.
What are you trying to say, huh?
Gusto ko siyang undayan ng suntok sa mismong labi para matahimik siya. I deeply sighed and contol my not to make a scene. Cassie might wake up and entertain these three.
Akmang lalapit din ang dalawa pang asshole kay Cassie but I gave them deadly glares. "Don't you dare touch my girl or else I will kick your balls!" I warned them but they just laughed. Stupid!
Mas lalo silang tumawa ng nakakaasar. "In love ka na talaga bro. See you!" Rance was fast enough to the point I didn't anticipate that he'll kiss me on my right cheek. Yes, he kissed me!
"Mwah, mwah!" pahabol nila pa bago sila tuluyang umalis. Are they on drugs?!
Napangiwi ako sa inasal niya at pinunasan ang aking pisngi. Nakakadiri ang laway ni Rance!
They left us alone and I was thankful for that. Natahimik na rin ang mundo ko.
I sighed and decided not to make any noise so Cassie can sleep safe and sound.
I sat on my swivel chair and continued working.
-𝙸𝙽𝙹𝙸𝙻-

YOU ARE READING
LIES BETWEEN THE LINES
Romance⚠ 𝚁𝚊𝚝𝚎𝚍 𝟷𝟾 | 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 𝚌𝚘𝚗𝚝𝚊𝚒𝚗𝚜 𝚖𝚊𝚝𝚞𝚛𝚎 𝚕𝚊𝚗𝚐𝚞𝚊𝚐𝚎, 𝚜𝚎𝚡𝚞𝚊𝚕𝚒𝚝𝚢 𝚊𝚗𝚍 𝚖𝚊𝚝𝚞𝚛𝚎 𝚝𝚑𝚎𝚖𝚎𝚜. 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 𝚒𝚜 𝚗𝚘𝚝 𝚜𝚞𝚒𝚝𝚊𝚋𝚕𝚎 𝚏𝚘𝚛 𝚢𝚘𝚞𝚗𝚐 𝚛𝚎𝚊𝚍𝚎𝚛𝚜.