CHAPTER 2: FAMILY WALTON

243 7 1
                                    

  AUTHOR POV.

    Mag aalas 10 na pero nasa bar parin si Leigh kung saan nag iinom ito palagi. Nakaupo sya sa may bar at nakapila ang mga beer na kanyang iniinom.

"Miss may tumatawag sa cellphone mo" sabi ng isang babaeng tumabi sa upuan nya

Tinignan lang nya ito ng seryuso at ibinalik ang paningin sa basong hawak nya para tunggain ang alak. Ng hindi nya pinansin ang babae ay umalis na ito.

Nang matapos siyang uminum, tumayo na sya at medyo nahihilo narin dumiretso na sya sa kotse para umuwi sa bahay nya. Ng makarating sya sa bahay nya agad nyang hinanap ang susi ngunit napasubsob na lang siya sa manibela ng maalala niyang naiwan nya ito sa opisina.

"Tanga sobra! Kainis!" Sigaw nya sa loob ng kotse nya.

  Naisipan nyang doon na lamang sa mansion ng lola nya siya magpapalipas ng gabi dahil malapit lang ang bahay ng lola nya sa bahay nya ng makarating sya agad syang nag doorbell. Ilang minuto lang at lumabas na si manang para buksan ang gate.

"Mam ikaw pala iyan, gabing gabi na, naku lasing kana naman mam" sambit ni manang sa kanya

"Si lola tulog na ba?" Garalgal ang boses ni leigh kung magsalita dahilan ng alak na tumatama sa katauhan nya.

"Ayy oo mam kanina pa, pasok na kayo" - manang.

"Sa guest room na lang ako matutulog"

"Naku mam may natutulog na po sa guest room sa ibang room na lang ho kayo" hindi sya pinansin ni Leigh aligaga namang sumunod patungong hagdan si manang para pigilan

"Ipalipat mo sya" tumigil sa pag lalakad si leigh at humarap kay manang.

"Mam naman tulog na yung tao" malumanay na sambit ni manang

"Wag kang mag alala, matutulog lang ako okay" pagkasabi nya binuksan nya ang pinto ng makarating sa guest room.

Wala ng nagawa si manang kundi ang sumang ayon dahil nakapasok na rin ito sa kwarto kung saan natutulog si Jaz.

Mahimbing na natutulog si Jaz ng maalimpungatan syang may tumabi sa kanya at amoy alak.

JAZ POV:

"Woahhh!!" Sigaw ko at biglang napatayo dahil sa taong tumabi saakin.

"Who are you?" Tanung nya saakin, ini on ko ang ilaw at tumambad saakin si Mam Leigh na nakahiga. Hindi kona sya sinagot nilapitan ko sya at inamoy.

"Mam Leigh? Anung ginagawa nyo ditu at bakit amoy alak kayo?" Takang tanong ko sa kanya

"Shut up! Matulog kana" sigaw nya saakin

"Eh paanu ako makakatulog kung nanjan ka sa kama" - naka cross arm na sabi ko sa kanya

"Go! Humanap kang iba...." hindi nya na natuloy ang sasabihin ng tumayo at mapayakap saakin

"Mam Leigh, kadiri ka bat moko sinukahan ayun lang naman ang cr ohh ang lapit lapit" naiinis kong sabi sa kanya.

Hindi nya na ako pinansin, nahiga ulit sya at ito naiinis akong tumungo sa cr para mag palit. Ng matapos akong mag palit humarap ako sa salamin

"Anu ba naman to pati ba naman ditu nanditu sya" sabi ko sa sarili ko.

Kumuha ako ng towel at planggana upang punasan si mam leigh. Mahimbing na natutulog na ito pagkatapos kung punasan sya tinawag ko na rin si manang para sya na magpalit ng damit ni leigh dahil may mga suka nya ito.

"Ikaw na bahala manang sa kanya mag palit" sabi ko kay manang at naupo muna sa sofa.

"Sige ineng, itong batang to lagi na lang lasing tuwing uuwi dito" - kwento ni manang saakin habang pinapalitan nya ng damit si Leigh nakatalikod naman ako at nakadungaw sa bintana kung saan makikita ang buwan.

YOU'RE THE REASON (TAG-LISH STORY)Where stories live. Discover now