yuki's pov.
At sa puntong yun kinuha din ako ng tokyo basketball team bilang manager nila, di naman ako makatanggi lalo na lolo ko ang isang sikat na coach.
Habang nag iinsayo ang tokyo team dun ko napansin si Koshigiro na nakatulala lapitan ko sana siya kaso tinatawag ako ng coach nila.
"Yuki pwedeng magpasama ka muna kay Koshigiro bumili kayo ng tubig malapit na maubos ang naka stock saatin." Sabi ng coach mayo agad din naman akong tumango at tinungo si Koshigiro.
" Hi koshi! Samahan mo daw ak-" di ko panatatapos ang sasabihin ng tumayo siya at naunang lumakad kaya hinabol ko to pero sadyang mabilis siya lumakad.
"Koshigiro hintayin moko!" sabmit ko nahinihingal na humahabol sa kanya napansin ko dun na dumahan din ang kanyang paglakad kaya doon ako napangiti.
Sa totoong lang suplado lang itong si Koshigiro laging nakakunot ang noo pero may pagka gentleman din HAHAHA dati ko siyang crush pero nag bago yun nung nakita ko si Hanamichi Sakuragi.
Napatigil ako bigla sa paglalakad ng napasok sa isip ko si Hanamichi Sakuragi.
"Kamusta kaya siya?" Sabmit ko sa kawalan.
"Sino?" Automatikong napatingin ako kay Koshigiro na nakatigil din sa paglalakad nakatingin sakin.
Kaya lumapit ako dito at nagsimulang magkwento wala namang masama kung mag kwento ako para di boring yung lakad namin hihi.
Hanggang nakadating kami sa isang store dun ko napansin may isang lalaking nakatalikod dun na may suot na jacket sa likod nun ryonan ang nakatatak.
Hmm ito yung pumapangalawa sa kanagawa last year ah.
Pati si Koshigiro napatigil din at dun din napalingon ang lalaki nakatirik ang buhok na kumakain ng lemon napatingin ito kay Koshigiro.
"Oy Rukawa akala ko ba nag iinsayo kayo bat ka andito?" Tanong nito pero tinignan lang siya ni Koshigiro dun din yata napansin ng lalaki ang jacket na suot ni Koshigiro.
" Tokyo high? Eh?? Sino ka? Impostor ka ni Rukawa no?" Sunod sunod niyang tanong, oa din pala ang isang to e.
"Excuse me? Hindi siya yung Rukawa na tinutukoy mo mr?" Ako na ang sumingit dahil wala talaga siyang makukuhang sagot kay Koshigiro.
"Sendoh, Akira Sendoh ang pangalan ko ms?" Sagot nito
"Ako pala si Yuki, ahmm ito pala si Koshigiro, Koshigiro Rukawa" doon din napatigil si Sendoh.
"Koshigiro Rukawa? Kaano-ano mo si Kae-" di natuloy ng nilagpasan siya ni Koshigiro at pumunta sa mga naka display na tubig, ako naman ang humingi ng pasensya kay sendoh at yumuko ng kunti bilang paalam tsaka sumunod kay Koshigiro.
"Alam mo bang bastos ang ginawa mo? Nag tatanong ang tao di mo man lang pinansin" pagsasabi ko sa kanya ngunit siya tong parang bingi patuloy lang kumuha ng tubig tsaka nag bayad sa cashier.
_______
AUTHOR NOTE:
hello, good evening maikli muna sa ngayon pasensya siya wala ako masyado time sa pag uupdate pero gagawin ko parin itong best ko para makapag update sainyo.
btw, mga 15 or 20 chapters to lahat di ko nahahabaan ang kwento hahaha at pinalitan ko na din yung title ng story para unique.
former title: falling inlove in a basketball player
present title: basket of lovestandby for more updates! thank you!!
BINABASA MO ANG
Basket Of Love (ON-GOING)
FanfictionThis Story is just fan fiction from the anime named slam dunk. All rights reserved ©️