"Sa isang masukal na kagubagan ipinanganak ang isang babaeng maiiba nang tadhana nang mga taga Magic World dahil sa taglay nitong kapangyarihan na makakapuksa nang kadiliman ngunit hindi nya pa ito makontrol.
Isa syang normal na tao nabuhay sa pamamagitan nang pagtitinda nang Tuyo sa nagbago ang lahat nang dumating ang di inaasahang sundo nya"
"Ma'am/Sir Tuyo po kayu jan mura lang po 50 pesos isang supot"saad ko sa mga dumadaan pero tinitignan lang sya saka umaalis din ang iba ni hindi nga dinadapuan nang tingin ang paninda ko.
Napabuntong hininga naman ako dahil doon pero nagulat ako nang may lumapit saakin dyosa ang ganda kasi ang mahaba at maalon alon nitong buhok na hanggang bewang tapos ang kanyang asul na mata na rare na sa mga tao makinis na at natural na mapulang bibig bagay na bagay sakanya ang plain na sky blue nyang dress.Nahihiya naman akong alukin sya pero ginawa ko nalang kasi matumal ang bentahan ngayun saka marami din akong bayarin kahit na magisa nalang ako di maiwasan magastos sa pagkain dahil kailangan ko kumain sa bahay naman umuupa ako pinapalayas na nga ako dahil 2 buwan na akong di nakakabayad tapos ang kuryente at tubig naputolan na ako dahil wala pambayad talaga kaya sa balon nalang ako kumukuha nang tubig pang inom at panglaba habang kung gabi kandila ang ilaw ko para makatipid kumakain naku nang maaga.
"Hindi ako bibili Sumama ka sakin Iuuwi na kita sa atin"saad nito kaya napakunot naman ako nang noo.Hindi ko sya kilala baka kapamilya namin sa malayu or nagkakamali lang sya.
"Po?Taga Saan po ba kayu Ate?"tanong ko may kinuha naman syang pulseras na mukhang mamahalin saka pinasuot sa kamay ko saka nguniti.
"Taga mundo ako nang mahika,Ohh sya babalik nalang ako kung handa kana saka di narin ako pwedeng magtagal, Hanggang sa muli"napatingin naman ako sa pulseras na may mga bato na ibat iba ang kulay asul,berde,pula,dilaw at puti.Mundo nang mahika?Naku mukhang nasiraan na nang bait si Ate ganda pero mukha naman sya maayos pero ang pulseras na may mga kumikinang na bato baka ninakaw to?At baka ako ang maiturong nagnakaw nito kaya agad ko namang hinubad ang pulseras at nilagay ko nalang ito sa bulsa ko saka nagpatuloy sa pagbebenta.Sana lang dumami ang bumili nang tinda ko para makabayad ako nang utang ko saka makakain nadin nagugutom narin ako kasi.Napatingin naman ako sa CCTV na nasa harap ko mismo kung sakali man nakaw ang pulseras nato makikita naman sa CCTV na inabot lang sakin to nang babae.
Mga ilang sandali pa umulan kaya agad ko naman inayos ang paninda ko mahirap na baka mabasa at di na bilhin nang mga tao malugi pako tumutulo din ang nasa pwesto ko kasi ay lumapit namang isang matandang babae sa pwesto ko saka bumili nang tatlong supot kaya natuwa naman ako pero marami pa akong dapat ibenta nang humupa ang ulan may lumapit na namang isang lalaki para bumili nang 5 supot nang Tuyo saka yung pinakahuli ang isang mayamang babae pinakyaw nya lahat nang tinda ko tapos hindi nya narin kinuha ang sukli plus may inabot naman syang burger saka soft drinks kaya natuwa naman ako magkakalaman narin ang tyan ko kanina pako gutom na gutom kasi pagsinuswerte ka naman.
Gabi na nang makauwi ako sa bahay nakakain naako sa labas sa unang pagkakataon dahil dumami ang kita ko ngayun bayad narin ang Tuyo na inutang ko sa kakilala ko tapos yung inuupahan ko nalang ang problema pero magagawan naman nang paraan yun.
Agad naman akong humiga sa banig tapos kinapa ang kumot ko na ilang taon na sakin di pa nakakabili nang bago.Dahil nasanay naku na laging ganito parang nagkaroon ata ako nang night vision dahil lagi madilim ang bahay walang kuryente agad naman ako yumakap sa unan ko.Namimiss kuna kayu Mom,Dad noong jan kayu sagana buhay natin pero ngayun wala na.
"Nasaan naba ako?"sambit ko nang parang nasa paraiso ako nakita ko naman ang babaeng kanina nagbigay sakin nang pulseras kaya napaatras ako.
Saan bako ano ginagawa ko dito?Kinakabahan naku.
BINABASA MO ANG
Reincarnate As Powerful Princess
FantasyIniligtas ko Silang lahat pero kapalit nun ang buhay ko. "Babi wag kanang umiyak hindi mo kasalanan ang nangyari"saad ko hawak hawak nya ngayun ang kamay ko. "Babi mas pinili kung gawin yun,Wag kanang umiyak pakiusap"dagdag ko pa pero tila di na...