01

6 0 0
                                    

01

Cynthis

"I would leave if only I could find a reason" I sang quietly, going along with the music that's currently playing on my earphones.

"I'm mean because I grew up in New England
I got dreams but I can't make myself believe them" the song continued as I heard them out loud in my ears.

This song of Noah Kahan is such a banger especially if you connect with it on a deeper level, the relate level to be exact.

"Spend the rest of my life with what could have been
And I will die in the house that I grew up in"

Gosh, I wanna freaking scream my lungs out everytime this song plays! Kung wala lang ako ngayon sa library ng bayan namin ay baka umaakto pa akong nagwawala dito.

"I'm homesick"

No one knows how much I love this song. I relate to it so much. It's not the homesick that you miss your home but the homesick that you're sick of your home.

As someone who grew up and spent her whole life in the town where I was born, I really resonate with Noah Kahan's homesick.

I directed my look outside the window of the library. The sun was setting and I let out a deep sigh.

Nasa library ako ng bayan namin. Bakasyon na kaya naman wala rin akong magawa sa bahay at napagpasyahan na pumunta rito pagkatapos gawin ang lahat ng mga bagay na nakaatas sa akin sa bahay.

Sinara ko na ang librong hawak ko at nagtungo kung saan ko ito kinuha.

Alam na alam ko na ang bawat sulok ng libraryang ito dahil simula pa lamang pagkabata ay dito na ako laging pumupunta kapag bakasyon, nagbabasa ng mga ingles na nobela.

Nang maibalik ko ito ay nagpaalam na ako sa librarian at naglakad patungo sa bahay namin. Kung tutuusin hindi naman ito malayo sa bahay namin, mga sampung minuto o labinlimang minuto lamang na paglalakad ay makakarating na ako sa aming bahay.

Habang naglalakad ay ginala ko ang aking tingin sa paligid. Makikita rito ang mga tindahan, mga batang naglalaro at kung ano-ano pa.

Same old, same old.

Nothing ever changes the way I feel in this town. I've been stuck here my whole life. Dito na umikot ang buhay ko. Nakakasawa na ang mga nakikita ko, halos lahat nga ng tao rito except sa mga nagbabaksyon ay kilala ko na, kilala na namin ang isa't-isa.

I'm homesick. Not the "I miss home" but the "I'm sick of this town" type of homesick.

Honestly, the only good thing this town has is the library and my family but that's on me. Because I've literally spent my whole life here, I can't see good things about this town.

If I could run away from this town, I would gladly do it but my family is not that well-off para makalipat sa ibang bayan.

We eat three times a day, minsa'y apat pa nga. We can buy the things we want pero we need to prioritize the needs at matagal pag-ipunan ang mga gusto namin.

I do love my life here. Peaceful, quiet and relaxing but most of the time, I'm suffocated. It's like drowning in the pool and no one can hear you, so you have to help yourself up pero ni iyon ay hindi mo magawa because you're stuck there, in that situation.

"Nak, san ka pa pupunta?" natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ng aking ina. Lumagpas na pala ako sa bahay namin.

Tinawanan niya ako ng huminto na ako sa paglalakad at bumalik. Pagpasok ko ay dumiretso ako sa kwarto upang magpalit ng damit at makababa ulit upang kumain.

"You passed your scholarship exam at Amilla University!" Napatitig ako sa mail na iyon ng ilang minuto.

What. The. Fuck!?

Totoo ba 'to!?

Nang mabalik ako sa wisyo ay agad akong nagtatalon na parang bata.

This university is my dream school! Hindi lang namin afford ang tuition kaya nawalan na ako ng pag-asa para makapasok pa dito pero kahit ganon ay nag-try ako pumasok sa pamamagitan ng pag-take ng scholarship exam. Sa totoo lang, hindi naman ako ganon katalinuhan pero masipag akong mag-review pagdating sa mga gantong bagay. Napagpasyahan ko lang din naman na subukan ang scholarship exam dahil sinuportahan ako ng parents ko pero hindi ko naman inaasahan na makakapasok ako.

Bumaba agad ako upang ibalita ito sa pamilya ko.

Homesick.Where stories live. Discover now