The Beginning
8:14 P.M
"Inspector, Detective Osiris Dorn Sir! Nahuli na po namin ang killer dito sa outskirt ng Paranaque", saad ni Dorn sa telepono."Good work! Make sure to bring him back to the headquarters ASAP", sagot ng boses sa kabilang linya.
"Yes Sir! Men, let's go back."
Osiris Michael Dorn. A capable detective. Reliable, nice, and polite detective. He catches bad people with ease but lately, there's something going on in his mind.
Driving in his car to the headquarters, with police patrol car behind him with the killer, his mind goes back on what happened five years ago.
"We're done. Don't ever contact me again", Mika said-his girlfriend. Bago pa siya makapagpaliwanag ay umalis na ito.
9:15 P.M
Pagdating nila sa headquarters, sinimulan ng i-interrogate and snatcher. Sa loob interrogation room, patuloy na tinatanggi ng killer ang bintang sa kanya. Sa labas, nakikinig si Inspector Santiago."Hindi po ako yun!", sigaw nito sa kay Detective Osiris.
"So, 'accidentally' ka lang nasa murder site?", sarkastikong tugon nito sa kaharap. "Ano din ang masasabi mo sa dugong nasa mga damit mo? Coincidentally din bang napunta yun don?"
"H-hindi n'yo 'ko pwedeng ikulong ng ganun-ganon lang. Ibedensya, oo ibedensya. Nasa'n?", sabi nito at tumawa.
Through the monitor, napatingin si Inspector Santiago kay Detective Osiris. 'Ano nang gagawin mo ngayon?'
"Oh, 'yon. Hawak na sila ngayon ng coroner. A calibre '45, ang murder weapon". Tila namutla ang mukha ng killer dito. "S'yempre, meron itong fingerprints mo. Nahanap din 'di kalayuan sa scene of the crime ang cellphone ng biktima. It seems that kilala mo siya. Gusto mo bang marinig, ang recorded conversation n'yo kung saan niyaya mong pumunta ang biktima sa outskirt ng Paranaque kung saan mo siya binaril."
Doon na inamin na siya nga ang pumatay dito. Sinaad niya na ang biktima daw ang dahilan kung bakit namatay ang anak nito. Lasing daw ang biktima pero nagawa pa rin nitong mag-drive ng sasakyan at doon nasagasaan ang limang taong gulang na anak nito. Agad itong dinala sa kulungan matapos patungan ng twelve years na pagka-sistensya dahil sa kasong pagpatay.
"As usual, good work Detective Osiris.", puri ni Inspector Santiago pagka-labas ni Osiris sa interrogation room.
"It's nothing po, Inspector. Hindi lang naman pala ako gumawa ng trabaho."
"It's nice to have someone like you around. Pero tigas-tigasan mo din minsan, baka magamit yan laban sayo", payo nito sa binata.
Natawa na lang dito si Osiris. "Alam ko naman po ang limitasyon ko."
"Anyway, mayroon ka na bang update sa kinaroroonan ni O.S Night Killer?"
Iyon. Iyon ang bagay na bumabagabag sa utak ni Osiris. Kahit anong gawin niya, tila wala siyang kahit anong clue na magdadala sa kanya sa kinaroroonan nito.
"Wala pa rin po kaming information about him. Why is he even name that? If I were him, I'd choose a cool nickname", sabi ni Osiris. Inspector Santiago deadpanned at this.
"Well, dahil gabi lang siya pumatay. Hindi rin siya ang pumili ng kung anong itatawag sa kanya, the internet did. Dahil 'yon sa O.S na sugat na iniiwan ng killer sa mga biktima nito.", sagot ni Inspector as he sat down in his office. "Well, let's call a day."
10:35 P.M
Napahiga si Osiris sa kama ng kaniyang condo. Hindi mawala sa utak niya ang O.S Night Killer. In the first place, ito ang dahilan kung bakit siya naging detective. Persistent siya na maging payapa ang mundo at hindi nabubuhay na may kinakatakutan ang mga tao. He is that kind of person.Sa sobrang pag-iisip, nakatulog na lamang siya.
11:45 P.M
On the roof top of Osiris' condo, a man falls to the ground with O.S carved on his bloody forehead. A figure on the top watch coldly as the body falls to the ground.
YOU ARE READING
Following Death God
Mystery / ThrillerRun. Run. Run. Run. Catch. Catch. Catch. Catch. Flee. Flee. Flee. Flee. February 29, 1996. Thursday, 11:57 P.M. A child was born. His name, Osiris Michael Dorn. (Photo above. Death. Illustration by Karl Alexander Wilke (1879-1954).