1

13 2 0
                                    

Chapter 1: Not My Type


"Tententenen... tententenen..."



Napailing-iling na lang ako nang marinig ang mapang-asar na boses ng kaibigan kong si Althea. Kung lilingunin ko siya ay sigurado akong hindi pa nawawala ang ngisi sa mukha niya habang tinitignan ang cellphone niya. Siguradong tuwang-tuwa na naman siyang pinagmamasdan ang mga litrato kong nakuha niya kanina.



"Do you hereby accept Abriella Janine Valdez here as your lawful wife?" She paused for a moment, then shifted to a different character. "I do, Father."



Because of what she said, I winced in disgust. The scenarios from earlier started coming back to me one by one, from them putting a fake veil on me and handing me fake flowers, to the exchange of our wedding vows.



Napatingin naman agad ako sa kamay ko dahil sa naisip at agad na tinanggal ang singsing na nakaagaw kaagad ng pansin ko. That guy. Binilhan niya pa talaga ako ng singsing kahit pa sa isang school wedding booth lang naman kami nagpakasal. I don't even know what to feel. Should I be thrilled by his effort or sad for him because it will all be for nothing?



But one thing's for sure: he's not my type.



Today is the 14th of February. In other words, araw ng mga puso. And as a celebration, nakaisip ng pakulo ang mga student leaders ng eskwelahan namin. Maraming mga booths ang nagkalat sa paligid, gano'n din ang mga estudyanteng tila nakawala ng kanilang mga hawla at tuwang-tuwang nakaranas ng buong araw na kalayaan.



Sa bawat sulok na madaanan namin ni Althea ay may makikita kaming nagkakasiyahan. Some were singing their hearts out, while others were exchanging letters and bouquets. There was also a confession booth where students could freely express their feelings anonymously, and if they were confident enough, they could also confess by name.



Mayroon ding wedding booth, kung saan ilang beses na akong pabalik-balik. Ito rin ang rason kung bakit nagpasya na rin kami ng kaibigan kong umalis na at bumalik sa classroom namin. Hindi ko na rin kasi mabilang kung ilang beses na akong "ikinasal" sa araw na 'to.



"Sure ka bang hindi mo type 'to, Brie?" biglaang tanong sa akin ni Althea kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Nagtatanong lang naman! Masama ba?"



"I've told you several times, Thea. Hindi nga!"



"Okay, chill. Baka lang kasi nagbago isip mo. Ang gwapo rin kasi ni boy, eh."



Gusto ko siyang taasan ng kilay pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. "It's not about the physical apperance, Thea. Besides, I don't even know that guy. Kakakita ko lang sa kaniya kanina. Pati nga pangalan ay hindi ko alam. Ikaw ba, kilala mo 'yon?"

Like the Fairy TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon