Chapter 5

96 50 0
                                    

CHAPTER 5: VINDICTAM

"Gusto mo pa ba?" tanong ng isang babae kay Keifer. 

Kasalukuyang nasa bar ngayon si Keifer. Simula nung ingkwentro nila ni Steffanie sa rooftop kaninang umaga ay nilunod na niya ang sarili sa alak. Labis siyang nasaktan sa pakikipag hiwalay ni Steffanie sa kanya ngunit hindi din niya ito masisisi. 

Kaya wala si Keifer nung gabing namatay si Andrea ay dahil may kinita siya na ibang babae. Ngunit hindi para makipaglandian, kundi para sabihin sa babae na tigilan na siya nito dahil ayaw na niyang lokohin pa si Steffanie. 

Ngunit hindi iyon sapat.

Alam niya sa sarili niya na nagkamali siya. Sa katunayan ay walang wala ang ginawang pakipaghiwalay ni Steffanie kung ikukumpara iyon sa mga panloloko niya sa dalaga.

"No." matigas na togon nito sa hindi kilalang babae. 

Hinawakan siya ng babae sa kanyang mukha at akmang hahalikan siya nito ngunit pinigilan niya ito kaagad. "Wag ka nang choosy..." sabi ng babae na ikinagalit ni Keifer.

"Ano ba!? Can't you fvck!ng understand that I don't like you!?" galit na sigaw nito na ikinagulat ng babae. "I'm disgusted by you!" napunta naman sa kanila ang atensyon ng mga tao sa bar dahil sa biglaang pagsigaw ni Keifer.

Dahil sa inis ay dinampot niya ang kanyang leather jacket at lumabas sa bar. Umupo siya sa harapan ng kaniyang kotse at nagsindi ng sigarilyo. Ngunit kakasindi niya pa lang ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Great!" sarkastikong sabi ni Keifer at padabog na pumasok sa loob ng kaniyang kotse. Pinaandar niya ang makina ng kotse at nagmaneho pauwi sa dormitoryo nito.

Alam niya sa sarili niya na hindi siya dapat nagma-maneho dahil nakainom siya. Ngunit kinailangan niyang gawin iyon dahil gusto niyang bumalik sa Blackwood University at humingi ulit ng patawad kay Steffanie para sa mga kagaguhan na ginawa niya.

Habang nagmamaneho ay palakas ng palakas ang ulan. Hinanap niya ang kaniyang telepono para tawagan si Steffanie kahit na alam niya na hindi siya nito sasagutin. Ngunit hindi niya mahanap ang kanyang telepono at nawala ang atensyon niya sa daan.

Isang malakas na busina ng truck ang nagpabalik ng atensyon niya sa harap ng daan. Muntik na siyang mabangga nito, mabuti na lamang ay naiwasan niya ito. Mabilis ang naging paghinga ni Keifer dahil sa nangyari. Parang nawala ang ipekto ng alak sa sistema niya dahil sa gulat.

Napatingin siya sa rearview mirror ng kaniyang sasakyan upang tignan ang mga nakasunod sa kanya. Ngugnit ganun na lang ang gulat niya ng masilayan niya ang dilaw na mata at nakaka-lokong ngiti ng duguang estudyante.

 Ngugnit ganun na lang ang gulat niya ng masilayan niya ang dilaw na mata at nakaka-lokong ngiti ng duguang estudyante

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa gulat at takot niya ay nawalan siya ng kontrol sa sasakyan niya. Pinilit niyang ilihis ang sasakyan sa mga nakakasalubong nito. Tinapakan niya ang break ng sasakyan ngunit hindi ito gumana.

Retribution (Haunted Universities: File #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now