Chapter 2

1 0 0
                                    

Her

Samuel's pov

Pagkagaling ko sa school ay parang wala ako sa sarili ko, hindi ko makalimutan ang mga nangyari kanina. Lalo na ngayon—ngayong nasa harapan ko siya.

"May training pala kayo Sam" Si Neiven. Pagkasabi niya non ay nag iwas ako nang tingin sa babaeng kasama niya. Naiilang ako.

Bumuntong hininga ako bago sumagot, "Oo! Libre mo nga ako nei!" Buong galak kong sabi, pilit king tinatago ang kailangan saakin. "Dali na!" Pilit ko sakaniya at saka siya kinulit ay niyakap. Nilayo ko siya doon sa babae at lumabas kami ng gate, sa tindahan! Hehe nice!

Palamig lang ang binili namin. Tapos ay naglakad na ulit pabalik ng Field.

Malayo pa naman kaya, i took the Chance and ask him. "Kaibigan mo pala ‘yong transferee sa kabilang section? " Usal ko habang sumisimsim sa palamig ko.

Ngumisi siya bago sumagot, "bespren ko dati na siyang dito ah. Si Narih"

"Dinig ko nga kay Mac"

"Bakit mo naitanong?"

"Close pala kayo?" Taning ko pabalik. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin hindi naman ako mabilis maging kyuryos sa isang tao pero— she's different. Definitely different.

"Malamang, bespren nga eh boplaks!" Pang aasar niya

“tss, dewow" Ang tanging sagot ko. Ngumisi nanaman siya alam ko ang ibig sabihin ng ngising ‘yon, inaasar niya ako kay Narih.

Hindi ko na siya pinansin ng makapasok na kami sa gate ng elem at tinawag na ako ng iba pang players, kaya naman nag palaam na ako sakaniya.

Natatanaw ko pa sila, nag lalakad na palayo nakatingin si Narih sa field samantalang si Nei at lily ay nag hahabulan na parang bata. Hindi ko mabasa nag ekspresyon ng mukha niya medyo malayo kasi ang kinatatayuan niya. Isa lang ang masasabi ko— ang puti niya.

Para siyang isang bata, she's curious about football and things around here.

Narih's pov

Nakatingin ako sa field, sa mga taong nag sasanay don. Ang gagaling nila.

"Rih!" Sigaw ni nei, dahilan para mapalingon ako sakanila.

"Oh?" Bored kong sagot. Nag ipon muna siya ng hangin halata sakaniyang hingal na hingal siya mula sa pag kakatakbo.

"Tinanong ka sakin ni Sam"

"Oh tapos?" Taas kilay kong sagot.

"Bagay kayo" Si ly.

They're saying nonesense, again.

Tumunog ang phone ko kaya naman hindi ko muna sila sinagot at tinignan ang selpon ko.

One notification message.

Daduh
Nand2 na aq san k n.
Sent! 3m ago

Gusto kong matawa sa text niya haha! Pangmatanda na talaga ‘yon. Ibinalin ko kayla nei ang paningin ko na ngayon ay nakangisi pa rin.

"Uuwu na ako, andiyan na Tatay ko eh. Tigilan niyo kaka Samuel niyo ha?" Sarkastikong sabi ko.

"Yes! Queen! Haha loko, ingat ka ah? Uwi na rin ako baka wala akong masakyan eh. Ikaw nei?" Paalam ni ly.

"Uwi na rin ako, baka hanapin
ako samin"

"Mhm, okay ingat see you bukas!" Ani ko at saka nag flying kiss, nginitian na lamang bila ako at tinalikuran ko na sila, babalik na ako sa plaza. At sila nama'y lalabas sa kabilang gate.

His EverythingWhere stories live. Discover now