Conversation
Narih's pov
Naglalakad kami ngayon kasabay ng mga kaibigan ko at nila Samuel. Wala nanaman si liz dahil sa iba siya sumabay. Nasa likuran ako kasama si Phael.
"Ano'ng gusto mo sa lalaki? Si Sam ba nagustuhan mo?" Tanong pa ni Phael.
Napangiwi nalang ako, bakit ba lahat nalang inaasahang magugustuhan ko iyon. "Hindi! Bakit mo natanong??" Takang tanong ko.
"Wala, Gwapo kasi siya maraming mag kaka-crush jan"
"Ehh ano naman sa'kin? Liit-liit niyan eh, Ayoko sa maliit!" Singhal ko. Natigilan naman siya.
"Grabe ka, maliit din kaya ako" Malungkot na wika niya. Nakonsensya naman ako.
"J-joke lang naman, sapat naman na yang height mo! Hehe!" Pag papagaan ko ng loob niya.
"Dito na ako" Sambit niya at tumigil sa pag lakakad kaya naman natigilan din ako.
"W-weh?" Tanong ko, at tumango siya bilang sagot. "Sige, ingat!" Nakangiting paalam ko at ngumiti rin siya bago tumawid sa kabilang bahagi.
Ngayon ay mag isa nalang ako sa likod, sinusundan ko sila na para bang batang namamalimos haha! Oa. Sinuot ko ang earpods ko tulad ng nakasanayan ay nag patugtog. Natigilan ako ng bigla akong sabayan ni Samuel.
"Hi? Kanina pa kita tinatawag, what are you listening to?" Tanong niya sabay hila sa isang earpods ko at isinuot sa tenga niya! Shocks, b-buti nalang at nilinis ko ang mga yon!!
"Nice music taste, paborito ‘to ng Mommy ko." Muling usal niya.
"O-okay." Tipid na sagot ko. Maya't maya kami nililingon ng mga kaibigan namin sa harap. Napalingon ako kay Sam ng mapansing nakatingin ito saakin. "B-bakit?"
"Wala, ang ganda ng mata mo ‘no?" Ha? B-bakit niya sinasabi ang mga yon? Mag sasalita na sana ako pero napansin kong malungkot siya, lalo na ang mga mata niya.
"A-ayos ka lang ba?" Umiling siya, bago mag pilit ng ngiti.
"Here," Inabot niya sakin ang esrpods ko. At dun ko lang napansin na nasa plaza na kami. "I hope we do this more often. Sana maulit" Labas ngipin niyang ngiti, at may napansin ako. May dimples siya at nawawala ang mga mata niya t'wing tatawa siya o ngingiti.
"Mhm, pwede niyong gawin ito ni Liz" Tipid ngiting tugon ko.
Natanaw ko na si dad kaya naman, nag paalam na ako sakanila at hindi ko na inantay ang sagot niya..
Home
Pagkauwi ay nag paalam si Dad na pupunta raw siya sa bespren niya sandali. Pagkatapos non ay nag punta nalang ako sa kwarto ko at nagbihis.
Pagkabihis ko ay naupo ako sa kama, at kinuha ang selpon ko. Doon ko lang nakita na inaccept niya na nga ako. Naisipan kong ichat siya para tanungin kung ayos lang ba siya o hindi.
Mate-text na sana ako sa group chat namin nila liz nang biglang may nag notif saakin.
One new message.
Clein Samuel Acosta..
Hey! It's me. I just wanted to say sorry, baka kasi... See more...Napangiwi na lang ako, ayos! Hindi ko na siya kailangang i-text pa dahil siya na ang gumawa nito, kaya naman agad agad ko itong pinindot.
Clein Samuel...
"Hey! It's me. I just wanted to say sorry, baka kasi nabastos kita sa pagkuha ng earpods mo kanina ng walang paalam. :>"

YOU ARE READING
His Everything
RomanceNarih suffered on her past that's why she cares more to others than herself-until she met Samuel. Samuel is known for being a playboy but when he met Narih, she stopped and turn his eyes only to Narih.