Chapter 9

132 17 70
                                        

Chapter 9

Mabilis na lumipas ang araw at hindi ko namalayang nagtra-trabaho na pala ako dito bilang kasambahay for almost two weeks. Grabe, ang daming pinagdaanan ko sa nagdaang mga araw. From being a helper, a gardener, to helping Apollo and Holland study for their tests and quiz. Napansin ko rin nitong mga nagdaang araw na hindi na tama ang oras nang pagtulog ko. Usually nakakarating na ako sa kwarto ko every quarter to one ng umaga. At gigising ulit ng alas tres para madiligan ang mga tanim.

Kadalasan narin ay napapatingin na ako sa salamin para tingnan ang mukha ko. Sa kasamaang palad ay hindi ko na na-maintain ang magandang kutis ko. Kung noon ay cute pa ako at maputi, ngayon ay nagkakaroon na ako ng mga tigyawat sa iba't ibang parte ng mukha ko at mayroon na akong eyebags.

Kainis. Hindi na ako maganda. Hindi na ako presentableng tingnan. Siguro ganito ang napapala mo kapag isa kang katulong, nas-stress ka na at pakiramdam mo hindi matapos-tapos ang lahat ng gawain mo.

"Ang putla mo." Narinig kong sabi ng kung sino.

Kaagad akong napatingin sa likod ko at nakita ko si Manang Lorena na nakatayo sa gilid ng pintuan. "Hindi ka ba nakakatulog ng maayos?" Aniya.

Tiningnan ko siya at napangiti. "Ayos naman ho ako. Ayos lang talaga ako." Sagot ko.

Nagkibit balikat siya at tsaka siya bumuntong-hininga. "Ano nga ang number one rule natin? Diba bawal magsinungaling? Kailangan mong maging totoo sa sarili mo at magsabi ka ng totoo para naman maging okay ang buhay mo. Now, I'll ask you again. Natutulog ka ba ng maayos lately?"

Mukhang hindi ata ako makakatakas sa tanong niya. Wala akong lusot, at wala akong makitang kahit anong opening. Talagang gusto niyang hanapin ang kasagutan sa mga tanong niya.

"To be honest. Yes, wala na akong maayos na tulog lately. But hep, don't pity me so much because magkatulad lang ang trabaho nating lahat dito. I don't ask you to give me a day-off just because I'm tired, that might be unfair sa ibang mga katulong na binuhos ang lahat ng makakaya nila para lang mapanatiling maayos at malinis itong bahay na 'to. Okay lang naman sa'kin na hindi ako nakakatulog sa eksatong oras dahil nagawa ko naman yan dati for countless times. Its just that, hindi na masyadong nasanay ang katawan ko na matagal na matulog at maagang magising. Its now foreign. Siguro dahil ilang taon narin ang nakalipas mula nung huli akong na-stress. Kaya pagpasensyahan niyo na kung kailangan ko pang mag adjust ng kaunti. Hayaan niyo, masasanay rin ako." Sabi ko sa kanya nang may ngiti.

Pero sa kasamaang palad ay hindi siya nasiyahan. She was worried about me. I think?

"No. Kung gusto mo ng pahinga, I'll give you a three-day day-off. Magpahinga ka. Kung ipagpapatuloy mo kasi ang trabaho mo nang wala kang sapat na tulog, magkakasakit ka niyan." Aniya.

But I brushed her off politely. "Ayos lang ho talaga ako, manang Lorena. Ako kasi yung tipo ng taong hindi ko kayang tumingin sa mga taong nagtra-trabaho, tas ako nakahiga lang at nakapagpahinga. Alam niyo po yun? Yung feeling na makokonsensya ka na—eto nagtra-trabaho ng lubos ang mga katulong ni Edevane dito sa bahay, tapos ako—paupo-upo lang, pahiga-higa lang, just because I was tired at work and my face isn't what it looked like before. Kaya no, I will not rest. Magpapahinga ako sa oras nang pagpapahinga ng mga kasama natin. I will never ever do things that they might think its selfish and I don't want to do things that I might regret later on." Sabi ko sa kanya. "Kaya ipagpaumanhin niyo sana po na hindi ko kayang tanggapin ang alok ninyo na bigyan ako ng day-off. Salamat po. Sana maintindihan niyo."

the tune of usWhere stories live. Discover now