Prologue

1.3K 88 20
                                    

Basta Ilongga gwapa!

Hi! Before anything else let me introduce myself. I am your Ilongga princess, the blue eyed princess of the maligno clan.

My name is Cleopatra Cooper Myers Sandoval. I have six siblings at lahat sila mga lalaki. 

Gustavo Orion Sandoval. He is the eldest and he's in charge of everything.  He is strict pagdating sa pagdidisiplina sa amin, but, he is also the sweetest and most generous Kuya. Like super generous dahil kahit hindi kami humihingi, may monthly allowance kaming natatanggap na magkakapatid mula sa kanya.

Ang swerte namin diba? Pero ako ang pinaka maswerte,  syempre mas malaki yung allowance ko, ako kasi ang baby princess ni Kuya Gustavo. And since wala pa naman siyang asawa, ako muna ang ini-spoil niya. 

Sunod naman kay Kuya Gustavo ay si Kuya Gaston. Gaston Pierre Sandoval naman ang buong pangalan niya. Pangalan pa lang, lakas makagwapo diba? Pero in fairness super gwapo ang mga kapatid ko. Sila kaya ang binansagang blue eyed maligno. 

Si Kuya Gaston ang pinaka cool at pinaka masiyahin kong Kuya. Sa kanilang anim na lalaki si Kuya Gaston ang pinaka palakaibigan sa lahat. Siya yung pwedeng tumakbong barangay kapitan sa lakas ng PR niya. 

Kung may monthly allowance ako mula kay Kuya Gustavo, meron din akong natatanggap na allowance mula kay Kuya Gaston. And again, that's another secret between me and Kuya Gaston. Baka daw kasi magselos ang iba kong mga kapatid dahil ako lang ang binibigyan niya. 

Mayaman din ang Kuya Gaston ko, may sarili din itong pera at negosyo. Hindi lang monthly allowance ang natatanggap ko kay Kuya Gaston dahil madalas din akong nakakatanggap ng flowers mula sa kanya, may okasyon man o wala. 

Si Kuya Gustavo at Kuya Gaston ang mga anak ni Papá Gideon sa tunay nitong asawa, kay Mamá Beth.

Naguguluhan ba kayo? Wait, let me continue. 

Kami naman ang sumunod sa mga kuya, we're triplets. Kuya Lexus, Kuya Ford and me Cooper. Parang mga sasakyan lang ah, talino ni Nanay sa part na 'to. 

Kuya Caleb is the eldest. Caleb Lexus Myers Sandoval ang buong pangalan. Siya naman ang kaugali ni Kuya Gustavo, masungit at hindi palakaibigan. Halos bilang lang din kung magsalita ito na siya namang kabaliktaran ni Kuya Ford. Cairo Ford 'dako pitoy' Myers Sandoval naman pangalan ni Kuya Ford. Siya naman ang sobrang daldal at halos lahat gustong kaibiganin, lalo na ang mga sangkababaehan. 

Kung may allowance at bulaklak ako sa dalawang nakakatandang kuya, itong mga kakambal ko naman ang siyang taga-spoil sa akin sa madaming bagay. 

Si Kuya Cairo ang madalas nagtatanong kung nakakain na ako since resto yung line ng negosyo niya at kapag sinabi kong hindi pa paniguradong maypa-fiesta sa unit ko sa dami ng pagkaing ipapadala niya sa akin.

Si Kuya Cai rin ang madalas kong kasama kapag gala na ang usapan dahil hindi ito mapirme sa daming babaeng gustong kitain. Nothing to be proud of but yeah, siya lang naman ang nagmana kay Papá Gideon. 

Kuya Cairo is a certified playboy pero according to him lover boy lang daw. At lahat naman daw ng babaeng nali-link sa kanya, alam kung anong real score sa kanila. Just pure fun and no strings attach. 

Lipat tayo kay Kuya Caleb. Kung si Kuya Cairo ay playboy si Kuya Caleb naman ang hindi mahilig sa babae. Madaming nagpapansin sa kanya and iba nga kulang na lang at pikutin siya pero deadma talaga si Kuya. Ewan ko ba kung anong trip niya sa buhay, gusto niya atang magpakatanda sa pagma-manage ng hospital business ni Lola at mag-alaga ng mga baby fish niyang si Ana, si Lorna at Fe. Yeah, weird pero may pangalan ang mga isda niya. 

Kuya Caleb is the quiet at serious type but what I like about him the most is that he's very thoughtful and sweet. Kahit walang okasyon kapag may nakikita itong mga bagay na sa tingin niya ay magugustuhan ko binibili niya ito. Sandals, bags, shoes, jewelries, name it. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sandoval Series #5: Shelter in the Rain  (Cleopatra Cooper Sandoval) SoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon