Chapter 1: Potential Threat

31 0 0
                                    

Athena

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Athena

KANINA PA walang tigil sa pag-vibrate ang phone ko dahil sa taong kanina pa tumatawag dito. Ilang ulit na rin itong nag-text sa akin, panay ang tanong kung nasaan na raw ba ako banda.

I was supposed to be at school already by this time, but it felt like fate was conspiring against me. Hindi sana ako inabutan ng early morning rush hour kung mabilis-bilis man lang sana nang kaunti itong nasakyan kong jeep. Kung anong pagmamadali ko ay siya namang bagal ng takbo nito. Hindi ko alam kung bakit palaging nasasakto, pero sa mga ganitong pagkakataon pa talaga naiisipan ng mga driver na huminto sa isang station para magpa-gas. Kung hindi gasolina, gulong naman ang problema.

Was I running late? No. Kung tutuusin ay masyado pang maaga dahil wala namang regular classes. Ngayon kasi ang simula ng week-long campus fair in celebration of the school's founding anniversary kaya isang linggo ring hayahay ang mga estudyante. Sadyang minamadali lang talaga ako nitong taong nasa kabilang linya ng telepono.

Sa labas pa lamang ay matatanaw na ang makukulay na banderitas na nakasabit sa loob ng campus. Pagpasok naman sa loob ay makikita ang mga estudyanteng paroo't parito na malamang ay maaga pa nandito. Karamihan sa mga ito ay mga miyembro ng iba't ibang student organizations na pawang abala sa pag-aayos ng kani-kanilang mga booth.

"Why are you not answering my calls?"

My shoulders jerked up as I heard a familiar female voice. I shifted my gaze from the diverse group of students to the person standing in front of me. Masyadong naagaw ng paligid ang atensyon ko kaya hindi ko man namalayang nandito na pala siya sa harapan ko.

"I should be the one asking kung bakit tawag ka nang tawag," tugon ko sa babaeng estudyanteng sumalubong sa akin. Ngingitian ko sana ito ngunit napansin kong tila hindi ito mapakali at may bakas ng pagkabahala sa kaniyang mukha kaya na-awkward-an na rin ako. "Ano ba kasi 'yon?"

Iginala muna nito ang kaniyang mga paningin sa paligid bago muling nagsalita. "I'll tell you at the office."

Meet my friend, Mia Montejo, vice president of Clarkson High's student government. We've been classmates since Junior High, so we know each other very well. That's why I figured that maybe she needs my help with something she couldn't handle on her own.

I could be wrong, though. Pero base sa mga napansin kong ikinikilos niya magmula pa kanina, I have a strong feeling that my hunch was right.

When we arrived at the admin building, we walked down the hallway toward the last room at the end of the left wing where their office is located, greeting all the school personnel we passed along the way. Mukhang abala rin ang mga ito sa paghahanda para naman sa mga paparating na bisita.

Pagkabukas ni Mia ng pinto ay sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin mula sa air conditioner. Binati kami ng ilang mga student officers pagpasok namin at magiliw ko rin naman silang binati pabalik habang ang kasama ko'y tinanguan lamang sila. Kagaya ng mga nakasalubong at nakita ko kanina sa labas ay may kani-kaniya ring mga ginagawa ang mga nandito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clarkson High (Mystery High Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon