Sunny Side Up! (Seven Years After)

5.7K 57 16
                                    

Chapter One

    Marahil kung ihahambing ang buhay sa piniritong itlog, mage-gets na ng mga tao kung bakit ganoon ang takbo ng reyalidad sa mundo.

    Katulad ng sunny side up, hindi sa lahat ng oras ay magandang tignan ang yolk nito. Minsan basag, minsan naman wala sa hugis. Minsan ang pritong itlog nagiging maalat. Maaari ring maging matabang.

    Ang lahat ng iyon ay dumedepende lamang sa nagluluto. Depende sa timpla niya.

    Parang tao. Depende sa ating mga ginagawa ang katuparan ng mga nais nating mangyari. Parang sunny side up, nakadepende sa nagluluto ang hugis at timpla nito.


 

      “ANG emo, ha.”

    There goes Shan’s best friend — Bryan. Isang whiny na musician na gustong-gustong basahin ang mga gawa niya pero nang-o-okray din naman pagkatapos.

    Five years na silang mag-best friend ni Bryan. Five years na ring nagaganap ang world war sa pagitan nilang dalawa dahil sa pagiging aso’t pusa nila halos araw-araw. Sanay naman na. Pero minsan hindi talaga sila nagkakaintindihan. As in literal na hindi nagkakaintindihan.

      “Ay, ang sosyal. Hoy, baka gusto ninyong tumulong.”

    Ito naman ang isa pa niyang pinsan — si Nadeen. Ayon sa kanya, di naman daw siya katabaan. Fat pero hindi over weight. Hindi ba over weight ang sixty-five pounds sa height na five-five? Pero weight and kilos aside, licensed nurse si Nadeen sa St. Mary hospital sa Pasig. Bigatin, di ba?

       “Hayaan mo na nga, Deen. Hindi naman waiter si Bryan at lalong hindi ka mananalo kay Shan kapag sumagot ‘yan.”

    Her saviour of the moment — ang Atche niyang si Charm. Loveless ‘yan. Loveless na painter. Well, wala naman sa looks niya ang kinatatakutan ng mga lalake. Ang problema, siya ang takot sa mga lalake. Hindi nila alam kung bakit. Wala namang naging bad experience si Charm sa love — except sa past ng family niya.

    But that’s not a thing to mention anymore.

    Si Shanelle naman ay isang writer. Twenty-four years old. Nagta-trabaho siya sa isang Publishing House sa Novaliches. Three years na rin siyang nagsusulat. Anything about love and life, kaya niyang gawan ng kwento. But her real goal in life — wala. Para sa kanya ay okay na ang maging novel writer siya. Okay naman ang salary, eh. Solved na siya doon.

      “Bakit ba kasi kayo nagse-serve pa’t nagluluto eh may waiter at nagmamagaling na chef naman tayo d’yan.”

    Siniko siya ni Bryan na katabi lang niya. Sumenyas naman sa kanya si Charm na tumahimik. Natawa lang naman si Nadeen.

      “Di nga? Yu’ng totoo? Saan ba nag-originate ang sunny side up?”

      “Sa States, Shan.” sagot ni Bryan.

      “Eh, saan ba nakatayo ang Sunny Side Up restaurant?”

    Nagkatinginan ang tatlo.

    Hindi naman sa pinag-iinitan niya ang chef nila. Hindi lang talaga siya kumporme sa tinatagong ugali ng Salve na iyon. Okay naman ang mga luto niya, eh. Perfection nga ang motto kasi sa France nag-aral ng culinary arts. Ang inirereklamo niya ay ang ugali.

    Unang-una, hindi naman masama ang mag-suggest. Pero kung magmamagaling na palitan ang menu nang hindi sinasabi sa mga owners ng restaurant, below the belt na ‘yon. Pangalawa, alam naman nilang mataas ang angkang pinaggalingan ng chef nila kaya nga respetado rin ang resto nila. Pero ang hindi kinakaya ng mahiwaga niyang pagpapasensya ay ang kahambugan ng gagang iyon. Kung umasta eh parang ang laki-laki ng utang na loob nila sa kanya. Pangatlo at ang pinaka-kinaiinisan niya sa lahat, magaling magparinig. Kesyo palagi raw siyang tambay doon at wala namang naitutulong. Kahit nga raw ang mag-cashier sa counter ay hindi niya ginagawa. Ay, ano ba siya doon? Trabahador din? Di ba owner siya?

Sunny Side Up! (Seven Years After)Where stories live. Discover now