IV. COL'S GIRLFRIEND???

468 11 0
                                    

LOI'S POV

I woke up late dahil sa raket ko ulit kagabi. Ang hirap talaga maging mahirap.

It's already 7 AM at 7 AM rin ang first class ko. I was waiting for a tricycle nang biglang may pumaradang black na mini SUV sa harap ko.

Ibinaba ng driver ang bintana sa passenger seat, while revealing who's the driver. It's none other than... Maxine Lim.

"Get in." Max said coldly. Parang kahapon ay sobrang jolly niya ta's ngayon nonchalant na siya.

Nagtaka rin naman ako dahil kahapon ko lang naman siya nakilala pero ngayon bigla niya akong aayain sumabay sa kanya. Siguro nag-subtitle ang iniisip ko sa mukha ko kaya bigla ulit siyang nagsalita.

"Oh come on, Loi. Don't worry I won't bite." And finally nagsmile na rin siya.

Sumakay na rin ako. Amoy leather at mamahaling pabango ang bumungad sa akin. Wao passenger princess ang datingan.

And she started to drive.

"So, 7:30 is your first class?" She asked while driving. Paano ko ba 'to sasabihin.

"Actually..." Pabitin ko pang sabi at napatingin sa kanya.

Her red hair suits her. And her thick eyebrows. All her features suits her. Maganda talaga siya.

Wait loyal ako kay Col, loyal ako kay Col.

I came back to reality nang tumingin siya sa akin. She looked at me like she's admiring me. Tumingin naman ako sa daan nang gawin niya 'yun.

"7:00 talaga." And I finally answered her. Napatingin ako sa relo ko. 7:10 na. Shet

"You're late na pala, who's your first professor?" She asked again.

"Si Ms. Santos." Tipid lang na sagot ko. Naku ngayon ko lang naisip, terror nga pala 'yun.

"You've got to be kidding me, Loi." She said at natawa. "Do you want me to make hatid of you sa classroom mo para naman 'di ka mapagalitan?"

So conyo naman to make hatid of me. Hihihi pero ang sarap sa tenga ng pagsasalita niya.

"Bakit may powers ka ba?" I asked her at natawa na naman siya.

"Isasama rin natin si Col. Ayun may powers talaga 'yun. Para sure na lusot." She told me. Ha? Anong magagawa ni Col dun?

"You didn't know ba, anak ni Director Vergara si Coleen. Kaya nga sobrang yaman rin nun ni Col and sobrang maimpluwensiya." She told me, nabasa ata niya ang naiisip ko.

"Huh??? Legit ba?" Hala sobrang out of my league naman pala si baby Col ko. Sobrang yaman niya, ako ito lang, ganda lang.

"Oo totoo 'yun. Sa sobrang yaman nga rin ni Coleen... Ah nothing pala hehehe." Parang biglang kinabahan ang boses ni Max nang sabihin niya 'yun. Ano kaya 'yun?

MAXINE'S POV

"Oo totoo 'yun. Sa sobrang yaman nga rin ni Coleen... Ah nothing pala hehehe." I immediately cut my sentence nang marealize ko ang sasabihin ko. Pahamak talaga minsan ang sarili ko.

Ngingiti-ngiti na lang ako sa kanya, hoping na hindi nahalata ni Loi yung hesitation ko. Muntikan ko pa masabi ang about sa pustahan namin ni Col.

"So we're finally here." I told Loi habang pinapark ang sasakyan ko sa tabi ng malaking gusali ng university.

Pagkatapos kong maipark ang sasakyan, akmang bababa na sana si Loi pero agad ko siyang pinigilan. "Loi, ako na."

I immediately got down at umikot sa kabilang pinto upang pagbuksan siya, showing a bit of chivalry na natutunan ko sa tatay ko mula pa noong bata ako.

"T-thank you," she said, her voice a bit shaky. Napansin kong namumula ang mukha niya. 'Di ko naman napansin na naka-blush siya?

"You're always welcome, Loi. Acts of service kasi ang love language ko," I joked, trying to lighten the mood. But totoo naman 'yun. Nung kami pa nga ng ex ko... Hay, mahal ko pa rin siya.

Nang mapatingin ako kay Loi, mas lalo siyang namula at nagtakip na siya ng panyo sa mukha niya. "Are you sure you're okay?" I teased, half-concerned.

"Hey, may allergies ka ba? I can get you to the clinic para mabigyan ka nila ng first aid," I offered, this time concerned na.

"N-no. Okay lang naman ako," she managed to say, her voice muffled behind the panyo.

Habang naglalakad papunta sa building namin, napansin ko si Coleen na may kausap sa phone. She seemed really engrossed in the conversation, her brows furrowed and her gestures animated.

Nang makita niya kami, ibinaba niya agad ang phone niya at ngumiti sa'kin. Weird. Parang may kakaiba sa ngiti niya, parang may itinatago at... Inlove?

"Maxine and..." she started nang makalapit kami.

"What's her name again?" she whispered to me discretely.

"Loi," I whispered back.

"And Hi Loi!" bati niya with a bright smile, turning her attention to Loi. "Welcome!"

"I need your help Col," I started, feeling a bit anxious about asking for a favor. "Ms. Santos is her first professor, you know her naman. Just this time let's help Loi," I pleaded, hoping Coleen could smooth things over with Ms. Santos. Naalala ko dati kung siguro hindi ko kaibigan ang anak ng may-ari, sure na sure na bagsak ako dahil sa isang hindi naipasang assignment sa kanya.

Coleen looked at Loi, then back at me, nodded then smiled playfully. "Sure, I'll talk to Ms. Santos. Don't worry."

"I have a plan para malusutan 'to." Col whispered habang naglalakad kami papunta sa room ni Loi.

Nang makarating ay we knocked muna. Unang nakita ni Ms. Santos si Loi.

"It's your third time being late Ms. Ricalde!" Sabi niya rito nang makita niya ito.

"It's just 7:20 Ms. Santos." Singit ni Col. Bigla namang lumambot ang expression ni Ms. Santos nang makita nito si Col. But composed herself again.

"Oh you're here Ms. Vergara. You're gonna save another student from me again?" Ms. Santos replied with a smirk.

"Let my girlfriend slide this time Ms. Santos, or else... I'll use my powers to get you out here in my university." Nang marinig ko 'yung "my girlfriend," Parang may kung anong kumurot sa'kin.

Nagseselos ako? Hala no, that's for the weak.

I'm weak.

Nakita ko rin na namula at nagliwanag ang mukha ni Loi nang marinig iyun. Ouch.

"Yes I'm sorry Ms. Vergara." Ms. Santos apologized at pinapasok na si Loi. Loi waved her hand on us.

Napatingin ako kay Col at nakita kong nakangiti siya nang nakakaloko.

"Why did you do that?" I asked Col at tumingin siya sa akin.

"You told me to help you, so I helped you Max. And I think, I want to spice up the game." Mahabang sabi niya sa'kin at nagtaka naman ako. Pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"I'll also court Loi, I'll double the prize."

LOVE'S BETRAYAL (MIKHALOI) Where stories live. Discover now