"Ma alis na ako" sabi ko habang palabas ng kwarto ko at inilabas ang mga dadalhin kong gamit.
"Hindi ka ba kakain muna? Tapos na 'tong niluto ko." Tanong niya habang naghahanda ng pagkain sa mesa galing sa kitchen.
"Hindi na po baka abutan ako ng traffic"
"Eto oh, kainin mo yan ipinagbalot na kita favorite mo kasi" si mama talaga kaya mahal na mahal ko yan eh.
"Salamat dito ma, sige alis na po ako" sabay halik sa pisngi niya.
"Sige anak ingat ha"
"Opo, kayo rin po pakisabi kay papa alis na ako at kay kuya"
"Makakarating"
Lumabas na ako sa bahay at inilagay ko ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan.
Lumarga na ako.
~*~
Pinark ko na ang sasakyan ko, pagkatapos pumunta ako para kunin ko yung susi ng room ko sa isang babae na nandoon sa may entrance sinabi ko lang yung pangalan ko, tinype niya sa computer at agad binigay niya ang susi sa akin.
Hinanap ko ang nakalagay na no. of room sa susi ko habang bitbit ko ang mga gamit ko.
Habang hanap-hanap ko ang room ko may nakasabay ako, parang hinahanap rin niya kung nasan ang room niya.
Nakita ko na ang room ko, ipapasok ko na sana ang susi ko sa knob ng may napansin ako sa kaliwang pinto na nakatayo. Pagtingin ko sa bandang kaliwa siya yung lalaking nakasabay kong maglakad para hanapin ang mga silid namin, bubuksan na sana niya ang pinto nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya tumingin siya sa dereksyon ko at gumuhit sa kanyang labi ang isang ngiti at tuluyan na siyang pumasok sa kanyang silid.
Hindi ko pinansin ang pagngiti niya, pumasok na ako sa room ko at bumperngad sa akin ang isang lalaki na naka boxer lang habang kamot kamot niya ang kanyang ulo na nakapikit pa at humikab tanda na bagong gising pa lang niya.
Tumingin ako sa likod niya at nakita ko ang kama na parang dinaanan ng bagko sa sobrang gulo at saan saan isinabit ang mga pantalon, T-shirt, shorts pati boxers at brief na makikita mo saan saan.
Agad napakunot noo akong tumingin sa paligid dahil sa sobrang gulo. Nakikita ko ang sala dito sa kinatatayuan ko at nakita kong nakabukas ang T.V. na siguradong magdamag itong naka.on, halata naman kasi bagong gising itong lalaking toh! at nagkalat ang mga unan ng sofa sa sahig. Dumayo ang tingin ko sa bandang kusina at nakita ko ang lamesa na puno ng mga pinagkainan na pingggan, mga chichirya, mga baso na gawa sa plastick nasa ilalim ng mesa mo makikita ang lababo puno ng mga hindi pa hinuhugasan na mga pinggan, ang ref nakabukas, at disarrange din ang mga appliances.
Dumayo ang tingin ko sa lalaking nakatayo na parang clueless kung ano ang ginagawa ko sa main door, ilang minuto sa pagtitig niya sa akin mukhang narealize niyang ako ang karoomate niya.
Agad siyang ngumisi at pumunta sabakin sabay sabing 'welcome pre' at inilahad niya ang kanyang kamay para makipagshake hands sa akin pero tiningnan ko lang ito at ibinaba ko ang bag na bitbit ko at agad tumungo sa sala para I-off ang T.V.
Hindi ko na siya tingnan ko ano ang expression ng kanyang mukha dahil alam ko naman na mukhang inis siya sa inasal ko sa pag hindi pagtanggap ng kamay niya at narinig ko pa siyang nag 'tsssss!' .
Inis na inis ako sa kanya dahil sa nakita ko, ayaw na ayaw ko talagang gulong-gulo ang tinitirhan ko o titirhan ko pa lang kasi bagong lipat ako dito at ito pa ang pang-bungad sa akin. Kainis!
Pls. Vote and Comment kung ano ang masasabi niyo.
~deevon