What is life if not lived?
How do you truly live? Does one ever know if you're really living or just trying? Is there a boundary between the bright side of trying or is it a façade to what it is to keep on barely surviving as to reaffirming yourself repeatedly that it is an act of bravely trying?
Paulit-ulit kong binasa ang pahinang iyon ng librong binabasa ko. Kulang na lang ay malasahan ko ang bawat letra dahil sa kadalasang pamamalagi ng mga linyang iyon sa isip ko. Nang magsawa ako sa paglalaro ng daliri ko sa gilid ng pahina kahit hindi ko naman inililipat sa susunod ay binitawan ko na ang libro at ibinagsak sa gilid ko.
I often find myself wanting something, a taste of life even though I know I am breathing.
I can search over and over only to find it, then realize something much deeper is beneath it. Like a constant chase, or a bead lost in a circular motion of going back to where it started after reaching the end.
Isang malalim na buntong na hininga ang napakawalan ko at inilipat ang tingin mula sa kisame patungo sa gilid ko. Pinanood ko ang unti-unting pagdaloy ng ulap sa langit habang banayad ang paglipad ng puting kurtina sa bintanang nakabukas.
Malamig ang pader na sinasandalan ko, halos dumaloy ang lamig nito at pinasasakit ang kalamnan ko. Inunat ko ang kaliwang braso ko saka inikot-ikot para maibsan ang pangangalay na nararamdaman ko.
The weather today is a bit gloomy, not too bright but also not too sunny, katamtaman lang, just how I like it.
Habang nakatingin pa rin sa bintana ay pinaglaruan ko ang labi ko gamit ang hinlalaki ng kanang kamay ko. Malalim ang tingin ko sa mga ulap, inuusisa kung ano-anong porma ang mabubuo ng mga ito sa pamamagitan ng pagsilip nito gamit ang itinaas kong kaliwang kamay, nakalahad ang palad ko at nakapikit ang isang mata ko na animong may sinisilip sa butas ng karayom.
Masiyado ata akong nahumaling sa ginagawa dahil nagulat pa ako sa banayad na katok mula sa pinto.
"Lia, naambunan ka raw kahapon, nagtetake ka ba ng vitamins mo?"
Ang tita ko ang nagsalita sa likod ng pinto. Kada katok niya ay isinusunod niya ang mga tanong niya.
Tinabig ko naman agad ang kumot na nakapalibot sa binti ko bago ako huminga ng malalim saka sinuot ang tsinelas na pang loob sa tabi ng kama at tumayo.
Noong una ay kunwaring nakakalimutan kong inumin dahil ayaw ko talaga, pero nakalimutan ko na talaga kalaunan.
"Saglit lang po, babangon na po ako" kaagad kong sabi habang binubuksan ang drawer sa maliit na lamesa na katabi lamang ng kama.
I can't remember where I last saw those vitamins, it's not really something to freak out about pero I know na sobrang mahal ng mga yun. Binilhan ako ni tita ng supply na kahit yata papakin ko ang dalawang bote ay meron pa rin ako hanggang sa susunod na buwan.
"Kung gusto mo pang magpahinga ay walang problema, siya, balikan ko muna ang hinihiwa ko nak ha."
Nilingon ko pa ang pinto dahil narinig ko ang mga papalayong yabag. Alam kong nakabukas naman ang pinto pero hindi pa rin sumilip si tita, kumakatok lang talaga siya madalas. Hindi ko man sabihin pero alam kong sa loob-loob ko ay hindi nalalayo sa ina ang turing ko sa kaniya.
Sa wakas ay nakita ko na ang bote ng vitamins, halos wala pa itong bawas.
Kung natatandaan ko nang maayos, dalawa pa lang yata ang naiinom ko? Agad akong nagtaktak sa palad ko ng isang piraso at tumitig doon. Pakiramdam ko tuloy ay nagtititigan kami ng maliit na piraso na iyon. Nagtiim ang labi ko at dinampot ang tumbler sa gilid ko, itinaas ko sa mukha ko ang hawak ng vitamin at nakipagtitigan ulit.