Simula

1 0 0
                                    

Simula

WAIT LANG,ASH!” naiiritang sambit ni Kix sa akin habang naglalaro ng mobile legends. Nakaka-irita! Date namin ngayon oh,tapos eto s'ya,hindi pa nakabihis at panay laro lang ng ml!

“Ano ba Kix! Date natin ngayon oh!” inis na sambit ko. Fifth monthsarry namin ngayon. Hindi ko alam paano ko natitiis ang lalaking 'to eh!

Noon naiirita ako kay Jia na todo iyak dahil sa boyfriend n'yang mobile legends (ML) player,hindi naman ako umiiyak katulad n'ya pero now I know gaano pala talaga ka worst ang magka-boyfriend ng isang ML player.

“Teka lang malapit na matapos 'to.” napabuntong hininga naman ako sa sagot n'ya.

“Palagi ka nalang mobile legends,Kix! Para kang walang girlfriend! Girlfriend mo ba talaga ako? Bakit hindi ko man lang maramdaman 'yon? Wala ka nalang ibang ina-atupag kundi ang ml na 'yan!” puno ng galit na sigaw ko rito at tumayo sa kama n'ya.

Tinignan n'ya naman ako at bumuntong hininga. “Ash,alam mo naman na libangan
ko na ang ml 'di ba?” tanong nito na ibinalik ang tingin sa cellphone n'ya.

“Oo,Kix,alam ko. So ano,mas uunahin mo pa 'yang ml mo ha?”

“Para mo naman akong pinapapili n'yan eh.” mahinang sabi nito. Mapakla naman akong natawa.

“Bakit? Kung papipiliin ba kita,Kix. Sino ang pipiliin mo? Iyang ml mo?O Ako?” tanong ko rito. Tinapunan ako nito ng tingin at bumuntong hininga.

“Ash naman. Matatapos din 'to.”

“Sumagot ka Kix! Ako o iyang mobile legends mo?!”



My Boyfriend Is A Mobile Legends Player
July 29 2024

♡♡♡

Ashvyl Virrzosa and Kixtonn Elieson

My Boyfriend Is A Mobile Legends Player  (ONGOING)Where stories live. Discover now