*A/N: Pasensya na po at natagalan. Nanuod pa kasi ako ng "Flames." Nakakakilig kasi sila Rico Yan at Claudine Baretto!! Samahan mo pa ng Jolina Magdangal at Marvin Agustin! Yiiiiieeee. Char HAHAHAHAHHAA
Sorry po!! Sorry na rin kung short chapter lang ito.
Sorry na rin sa mga wrong spellings, grammars, and punctuations. Hindi pa kasi edited.
HAPPY READING!!*
---
CHAPTER 9: RETRIBUAM
"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Marjorie sa kanyang kaibigan na si Shane.
Kalalabas lang ni Marjorie sa ospital simula nung ma-confine siya. Kasalukuyan silang nasa dorm nila kasama si Roni at Mark.
"Oo naman. O-okay lang ako." sagot ni Shane at ginawaran sila ng pilit na ngiti.
Hindi magawa nila Marjorie, Mark, at Roni na hindi mag-alala kay Shane dahil sa mga nangyayari. Si Shane kasi ang pinaka-soft-hearted sa kanilang grupo.
Kailan lang din nung namatay ang kaibigan nilang si Andrea, na sinundan naman kaagad ni Keifer, at ngayon pati si Steffanie ay lumisan na rin sa mundo.
Nang ibinalita nila ito ay Shane ay kaagad itong umiyak ng walang humpay. Nawalan pa nga ito ng malay dahill sa pagkabigla, mabuti na lang ay nagising kaagad ang dalaga.
"Sigurado ka Shane?" nag-aalalang tanong din ni Mark.
"Sure na sure." Pilit na ngiting sabi nito at tumayo at pumasok sa banyo.
"I'm worried about her..." kumento ni Mark na sinangayunan naman nila.
"Me too." pagsangayon ni Roni.
"Malaki ang ipinagbago niya simula nung mangyari sa atin ang mga ito." obserba naman ni Marjorie sa kaibigan. Matagal-tagal na din silang magkaibigan ni Shane. Sa katunayan ay nakilala niya si Andrea at Steffanie nang dahil kay Shane.
Kahit tahimik ay laging positibo ang pananaw ni Shane sa buhay. Siya palagi ang nagmo-motivate sa mga kaibigan niya kapag down na down sila. Siya rin ang nagpapasaya sa kanila kapag malungkot sila. Si Shane din ang tipo ng kaibigan na 'one caal away' lang.
Pero nagbago lahat ng iyon simula nung pagkamatay ni Andrea. Palagi na siyang tahimik at matamlay. Minsan naman ay parang wala ito sa sarili. Minsan parang may sarili siyang mundo at napapatitig nalang kung saan-saan.
"Sasabihin ba natin sa kanya ang mga alam natin?" tanong ni Roni. Napatingin naman sa kaniya yung dalawa.
"Oo naman. Kaibigan natin si Shane at maaasahan siya." kumento ni Mark.
"Oo nga, pero sasabihin ba natin sa kanya ang lahat?" kunot noong tanong niya.
"No." napatingin naman sila kay Marjorie. "It's better kung wala siyang alam." seryosong sabi nito.
"Why? She's smart and easy to pick on things. She's an asset, Marj. She could be of great help to us kapag tatalunin na natin yung duguang estudyante." seryosong sabi ni Mark na nakatingin kay Marjorie na wala paring bakas ng emosyon sa mukha.
"I know. But I feel something about Shane. There's something wrong with her." seryosong sabi ni Marjorie at sinulayapan ang pintuan ng banyo. Kumunot naman ang noo ng dalawa.

YOU ARE READING
Retribution (Haunted Universities: File #1) [COMPLETED]
ContoPitong estudyante ng Blackwood University ang nangahas na gisingin ang espirito na naninirahan sa 3rd floor ng abandonadong nemesis building para sa pansariling katuwaan. Ngunit ang inakala nilang katuwaan lamang, ay siya ring maglalagay sa kanilang...