"Tigilan mo ko sa kakaungot mo Coline! Sa ayaw at sa gusto mo aalis tayo" ani ni mommy.
"Nak, sure akong mageenjoy ka do'n. Ayaw mo bang mabisita ang Lola mo? Minsan na nga lang tayo bumisita" Ani ni Daddy.
"As if I can do anything!"
Ngumuso na lang ako at bagsak balikat habang nakaupo sa back seat. I hug Linlin, my comfort color pink regular size teddy bear while pissed at my Kuya Enzo who's mocking me with a sad face!
Sinong hindi malulungkot? Nakaplano na ang buo kong bakasyon tapos masisira lang dahil pupunta kami sa probinsya, sa hacienda ng aking lola.
"Wawa naman ang Lineng na 'yan" asar pa ni Kuya Enzo.
"Heh! I hate you Kuya!"
Inirapan ko siya habang nagchachat sa mga friends ko na hindi na ako makakasama sa plano naming vacation trip. Arrg! This is one of my worst vacation. Ever!!!
Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa byahe basta ako, tahimik at tinulog na lang ang frustation ko ngayong araw. Ginising lang ako ni mama nang makarating na kami.
Without having care about my looks, lumabas ako ng kotse. Nakita ko ang malawak na paligid at sa gitna no'n ay may malaking ancient spanish house. Sa tapat ng pinto, naando'n si Lola, may kasamang katulong na siyang nakaalalay dito.
Nagyakapan at nagbatian ang lahat nang makita si Lola. Nang ako na ang babati, kinurot muna ako ni mom kaya ngumiti ako at niyakap ng mahigpit si Lola.
"Hi Lola" tipid kong bati.
"Ito na pala ang apo ko. Kagandang dalaga naman. Buti na lang at naisipan mo akong bisitahin" pinisil niya ang aking pisngi at hinalikan ako doon.
Tipid akong ngumiti sa kaniya.
"I miss you Lola. How's your health?"
"Eto apo, dinadalaw na ni Jesus sa panaginip"
"Ma!" Sigaw ni daddy. "Stop saying that"
Tumawa naman si Lola. "Ito namang anak ko oh. That's my reality. Hinihintay na ako ng papa mo sa langit"
"Stop this nonsense conversation ma" giit ni Dad at nag-iba na sila ng pag-uusapan.
Nakipagkwentuhan na si Mom and Dad kay Lola habang ako at si Kuya naman ay umakyat sa itaas, nakasunod ang katulong para igiya ako sa magiging kwarto ko.
The maid led me to the third door which will be going to be my room. Pagpasok ko sa loob naandon na ang aking gamit.
"Thanks" ani ko sa katulong na lumabas rin agad.
"Lineng, lumabas ka din kaagad. Mag-tatanghalian tayo ng sabay-sabay" paalala pa ni Kuya na sumilip pa talaga sa kwarto ko.
"I know. Tsupi" sinarado ko na ang pinto.
Maliit lang ang kwarto. Halatang pang guest room lang. May isang maliit na kama, closet, side table, vanity table, bathroom at veranda.
Sobrang luma ang mga design ng kwarto. Para ka talagang nasa sinaunang panahon.
Nagpalit ako ng mas komportableng damit. I'm wearing a black crop top and a maong short above the knee. Sinuklay ko ang aking kulay brown na layered kong buhok.
I open my phone again para sana magsocial media pero nang buksan ko ang data, walang pumapasok na signal.
This is the worst!
Lumabas ako ng aking kwarto para maghanap ng signal. Nakasalubong ko si mommy na ipinaalalahanan ako na pumunta na sa hapagkainan dahil past lunch na din.
YOU ARE READING
CHASING THE PROBINSYANO
RomanceSYNOPSIS: Bilang isang laking syudad, isa sa mga pinakaayaw ni Coline ay magbakasyon sa probinsya. Bukod sa maputik, wala doong internet connection. Wifi is life ika nga. Hindi siya mabubuhay ng wala iyon kaya naman sobra ang pagluluksa niya nang m...