"Hoy Lineng! Gising!"
I groaned in frustration before opening my eyes. Kaagad na tumama ang masama kong tingin sa aking kuya na kung makayugyog ay akala mo katapusan na ng mundo.
"Stop pestering me Kuya!"
"Pinagigising ka. Huwag ka ngang asal prinsesa. Wala ka sa sarili mong bahay at bumaba ka na din tapos sumunod ka papuntang garden. Doon tayo mag-aalmusal"
"I know! I know! Just get out of my sight"
Enzo stuck his tounge out before leaving my room. Naiinis akong bumangon at kahit inaantok pa ay kailangan kong tumayo.
I'm planning to sleep all day but I think I can't do that today.
Kung sana hindi kami nagbakasyon, panigurado nasa masayang trip na ako with my friends.
Panigurado nag-eenjoy na sila habang ako nag-iisa dito sa probinsya.
I want to cry!
Ano bang ginawa ko sa past para maranasan 'to?
Ininat ko ang katawan bago ko kinuha si Linlin. It's already with me since I was a child. Hindi ako nakakatulog kapag wala ito sa tabi ko lalo na kapag aalis kami.
Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Wala ng laman ang pitchel na nasa kwarto ko.
I'm still half sleep while walking towards the kitchen. Ibinaba ko muna si Linlin para kumuha ako ng pitchel ng malamig na tubig sa ref. Kumuha ako ng panibagong baso at nagsalin. I closed my eyes while drinking. Kumakalahati na ang baso bago ako ulit magmulat dahil nakakatulog na naman ako.
Sakto namang nagbukas ang backdoor sa kusina, niluwa no'n ang gwapong nilalang.
Ang binata ay nakasuot lamang ng simpleng gray na long sleeve at maduming pantalon ngunit ganoon pa man, hindi nagbago sa aking mata ang kaniyang itsura.
He's the guy yesterday! Riguel!
Nagtama ang tingin naming dalawa ngunit naputol din nang maramdaman kong pumasok na tubig sa ilong ko.
And that was the most embarrassing thing happened in my life.
Inilagay ko ang baso sa lababo habang umuubo ako. Nakapisil ang mga kamay sa aking ilong dahil sumasakit iyon.
"Okay ka lang?"
Sumisinga pa ako nang marinig ang boses niya. I immediately stop sneezing because of that. Tumingin ako sa gawi niya. Tumambol ng malakas ang puso ko dahil nasa tabihan ko na siya at may nakalahad na tissue sa akin.
My cheeks heated because of embarrassment.
"Salamat ulit" inabot ko ang tissue na hawak niya at doon sininga ang iba pang tubig na nasa ilong ko.
"Riguel"
Napaayos ako ng tayo nang pumasok si Lola sa kusina. Akay-akay siya ng katulong.
"La..." malumanay na sambit nito bago nag-mano sa aking lola.
"Naandito ka na pala. Aayusin mo na ang gripo sa cr?"
"Opo 'la" magalang niyang sambit.
"Oh naandito pala ang maganda kong apo" baling sa akin ni Lola nang magawi ang tingin niya sa akin.
Napatuwid ako ng tayo. "Goodmorning la!" Tipid akong ngumiti bago lumapit para halikan siya sa pisngi.
"Goodmorning" Ngumiti siya. "Kamusta ang tulog?"
"Kuya Enzo disturb my sleep. I wanna sleep longer..."
"Ay dapat hindi ka muna ginising. Okay lang naman sa akin kung matulog ka ng matagal"
YOU ARE READING
CHASING THE PROBINSYANO
RomanceSYNOPSIS: Bilang isang laking syudad, isa sa mga pinakaayaw ni Coline ay magbakasyon sa probinsya. Bukod sa maputik, wala doong internet connection. Wifi is life ika nga. Hindi siya mabubuhay ng wala iyon kaya naman sobra ang pagluluksa niya nang m...