PAULO'S POV:
"Pau, pwede ba kitang makausap? Just the two of us lang sana." Josh asked nang puntahan nya ako sa designated room ko while I'm still preparing for my upcoming marriage. Today is the day kung saan magkakatotoo na ang pinangarap kong fairy tail; me and my prince, Ken. Exchanging vow's to each other. Having our own happily ever after. Promising for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health will love and honor each other for the rest of our lives,, until death do us part. Iniisip ko pa lamang ay parang sasabog na sa subrang saya ang puso ko. Di na ko makapaghintay na maging kaming isa. But seeing Josh's face, bila akong nakaramdam ng kaba. Bakit ganto?
"Uhm, Mama Mac, pwedeng iwan nyo muna kami?" Ani ko ko sa makeup artist na nag aayos sakin. Agad naman itong tumugon at saka sila lumabas. Nang maiwan na kami ni Josh ay agad naman akong humarap sa kaniya.
Malungkot itong ngumiti habang pinapasadahan nang tingin ang buo kong itsura.
"Ang ganda ganda mo." Sabi nito na bagaman ay nakangiti ngunit di mo kababakasan ng saya ang kanyang mga mata.
"Sira ulo. Pogi kaya ako." Pabirong ani ko upang bawasan ang tensyon na namamagitan sa amin. Bahagya naman itong tumawa ngunit agad ding sumeryoso. Si Josh ay pinsan ni Ken at isa sa matatalik kong kaibigan. Sya yung laging sumbungan ko pag may times na hindi kami nagkakasundo ng pinsan nya at taga awat sa tuwing mag aaway kami. Di naman madalas pero mostly pag may mga ganon lang kaming sinaryo.
"Ang seryoso mo na naman bro, kinakabahan tuloy ako." Di ko maiwasang mag alala. Sa subrang close namin ni Josh sa isa't isa ay basang basa ko na ito kapag may problema.
"I'm sorry, Pau." Panimula nito na kinuha ang isang kamay ko saka bahagyang pinisil. Nag tataka man ako pero hinayaan ko lang sya, di ako nagsalita at hinintay ko lang na ipagpatuloy nito ang sasabihin. "I'm sorry Pau if saakin magmumula ang lahat nang ito pero alam mo naman na kapatid na ang turing ko sayo diba? And as a big brother, gusto kong protektahan ka." Bakit nya ko puprotektahan? Para san?
"A~I know, pe~~pero wag mo na kong bitinin. Ano ba kasing sasabihin mo? Sa totoo lang natatakot na ko. Ang seryoso mo kasi eh, hehe." Sinubukan kong kalmahin ang aking sarili. Tumawa pa ko pero naging payak lang ito at walang saya.
Di naman siguro sya magko-confess ng feelings diba kasi sabi nya parang kapatid na nya ko?
Or mali lang ako nang iniisip? May iba pa.
"Pau si Ken kasi...." Hearing my boyfriend's name makes my heart skip a beat. Not because of happiness because I love him but I felt something na hindi ko maipaliwanag. Please, Papa G. Let me be the happiest person sa araw na ito. No problem please.
"Si Ken? Ba~bakit? Anong nangyari kay Ken? May nangyari ba sa kanya?" Nag aalalang tanong ko. Mula pa kasi kanina ay hindi ko na ito nakita dahil magkaiba ang room naming dalawa. Bukod pa don ay may pamahiin ang matatanda kaya wala namang masama kung kahit papano ay susunod kami. "Josh ano ba. Wag mo na kong takutin. Ano ba kasing meron?" Untag ko dito nang hindi nito sinagot ang tanong ko. Nag aalala talaga ako kay Ken. What if may nangyari pala sa kanya or na accident sya. Wag naman sana.
"He's fine. Okay lang sya. Don't worry about him." Saka lang ako nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Thank God.
"Ano ba kasi talagang sasabihin mo? Sabihin mo na. Anytime soon ay magsisimula na ang wedding namin."
"You know Cyra, right?" Umpisa nito.
"Of course I know her. Ano bang klaseng tanong yan?" Napakunot ang aking noo. Bakit naman napasama si Cy sa usapan namin?
YOU ARE READING
BROKEN VOWS
Short StoryKung magkikita man tayo ulit. Nginitian mo lang ako. Wag ka nang humakbang papalapit, wag mo na kong wasakin pa ulit.