Chapter 11

85 42 0
                                        

*A/N: I would like to apologize, as this chapter is short. I'm trying my best to come up with ideas but other things are preoccupying my mind. I hope you understand my demigods.

 I'm sorry for the spelling, grammatical, and punctuation mistakes as this story has yet to be edited.

HAPPY READING!!*

--- saintesssheol ---

CHAPTER 11: THE TRUTH

"Uminom ka muna ng tubig hija." nag-aalalang sambit ni Ms. Ocampo sa kaniyang estudyante na si Marjorie. Kinuha naman ito ni Marjorie na ngayon ay hindi na umiiyak at ininom ito. "Uminom na muna kayo ng tubig para kumalma kayo." baling niya kila Roni at Mark at sinunod naman ito ng dalawa. Kasalukuyan silang nasa opisina ni Ms. Ocampo.

"Impossible." hindi makapaniwalang sambit ni Mark at umiiling pa.

"Believe it or not. 3 years nang patay si Ms. Semblante." sabi ni Ms. Ocampo sa kanila. Bahid pa rin sa mukha ng guro ang kalungkutan at pag-aalala sa kaniyang mga estudyante.

"But how? Matagal na naming nakakasama si Shane! Every year siyang nasa klase!" Kunot noong sabi ni Marjorie. Halata talaga sa kaniya na hindi niya pinaniniwalaan ang sariling guro.

Hindi naman nakasagot si Ms. Ocampo.

"Miss, imposible po talaga yung sinasabi ninyo. Kung matagal ng patay si Shane... Eh bakit nakikita namin siya? Nakakausap?" kunot noong tanong ni Roni.

Nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga si Ms. Ocampo bago sagutin ang katanungan ni Roni. "Nung una, nagtaka din kami sa mga kinikilos ninyo..." pagsimula niya at naagaw niya ang atensyon nila. "Nung nakita namin na parang kinakausap niyo si Ms. Semblante na parang buhay pa siya. Ay akala namin na yun yung paraan niyo to cope with everything that has happened. Of course I was concerned! Kaya nga ako ang pinakaunang teache na nagsuggest na ipakausap kayo sa phsychaiatrist. Kase ang weird... Dahil after nung incident, you guys acted like nothing happened!" sabi niya na ikinakunot ng noo nila.

"How did we act, exactly?" takang tanong ni Mark.

Bumuntong hininga si Ms. Ocampo. "Dapat kasi sad kayo or nag-gi-grieve dahil sa pagkamatay ng kaibigan ninyo. But instead, masaya pa kayo na parang walang nangyari. And you keep on mentioning Shane's name as if she's still here. Na parang buhay pa siya." malumanay at puno ng pag-a-alala na sabi niya. "I really wanted na pumunta kayo sa pshychiatrist. But when I saw your happy faces, I just coudn't bring my self to tell you na wala na siya. So I just played along with you guys. Kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano yung nakikita ninyo." patuloy niya at tinignan sila isa-isa.

Bakas pa rin sa mga mukha nila na hindi sila naniniwala, ngunit hindi niya sila masisisi. Bagkus mahirap din ang kanilang pinagdadaanan dahil sunod-sunod ang pagkamatay ng kanilang mga kaibigan.

"I know that we have to believe you, Ms. Ocampo." napatingin naman sila kay Marjorie. "But it's not as easy as it seems." malungkot na sabi ng dalaga habang nakayukong umiiling.

"Marjorie's right." napatingin naman sila ngayon kay Mark. "It's hard to believe! Kase, tatlong taon din naming nakasama si---" napahinto siya at lumunok. "---ang spirit ni Shane."

Kumunot naman ang noo ni Roni na parang may nabuong isang malaking atanungan. "Kung totoong matagal nang patay si Shane. Then bakit nagpapakita pa siya sa'tin?" naguguluhang tanong niya. 

Napatingin naman si Marjorie at Mark sa isa't isa dahil pareho silang napaisip sa katanungan ni Roni. Tumingin naman sila kay Ms. Ocampo na parang nagtatanong kung may alam ba siya. Mukhang nabasa naman ni Ms. Ocampo ang kanilang mga tingin kaya't kaagad siyang sumagot.

Retribution (Haunted Universities: File #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now