Chapter 2

136 8 0
                                    

Papunta si Yuriel ngayon sa library para kitain ang tropa. Napag-usapan kasi nilang magkita-kita dahil breaktime naman, at halos tapos na ang mga requirements ng ibang subjects.

Hawak ng kanang kamay niya ang ballpen na hiniram niya mula kay Ansel. One time kasi sa isang subject, bigla siyang nawalan ng ballpen. Sakto naman noon dahil nasa likuran niya si Ansel, at pinahiram siya nito ng extra na meron siya.

Napakaswerte niya para sa first week of school—nawalan agad ng gamit.

Sa kabilang kamay naman, hawak niya ang dalawang notebook na naisipan niyang dalhin.

And yes, it already has been a week since they got back to school. Pareho lang din ang nangyari katulad noong Grade 11 sila—puro introduction at assignments. Pero mas matindi ngayon lalo na’t graduating na dahil pinaulanan agad sila ng reporting at research.

He was also elected as the vice president of their class. Umayaw kasi si Ansel, at bilang pangalawang kandidato, napunta sa kanya ang posisyon.

Pagdating sa library, hinanap agad ni Yuriel ang pwesto kung nasaan sina Jaren. Habang naglalakad, patuloy niyang iniikot sa mga daliri ang ballpen na hawak niya. Nasa gilid siya ng shelf nang makita ang mga kaibigan. Mula sa posisyon niya, tanaw niya rin ang pwesto kung saan nakaupo si Ansel at ang dalawang kaibigan nito.

Naglakad siya papunta sa lamesa ng mga kaibigan niya. When he finally got there, si Chasen agad ang nakapansin sa kanya.

"Ang tagal mo, akala namin nadaganan ka na, e," biro nito.

"Baliw," sagot ni Yuriel, tumigil siya saglit para ibigay kay Chasen ang dalawang notebook na bitbit niya. "Pahawak nga, may pupuntahan lang ako saglit."

Rinig pa niyang nagsalita sina Jaren at Soren pero hindi na niya pinansin at dumiretso sa lamesa nina Ansel.

Tumigil siya sa gilid ni Ansel at mahina siyang tinawag.

"Ansel?" he then looked up, and Yuriel met his curious eyes. "Here. Thanks for letting me borrow this."

"No problem," sabi ni Ansel saka kinuha ang ballpen mula sa kamay niya. Tumango lang si Yuriel at ngumiti bilang tugon, pagkatapos ay bumalik na sa pwesto ng mga kaibigan niya.

Habang naglalakad pabalik, napansin ni Yuriel agad ang mga kuryosong tingin nila, lalo na ni Jaren at Chasen. Pagbalik niya, umupo agad siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Chasen, na kaharap ni Elijah. Meron din namang bakanteng upuan sa kaliwa ni Elijah, pero mas pinili niyang tumabi rito dahil mas malamig.

"Oh bakit?"

"Gago, ayan yung tumulong kay Jaren noong muntik na siyang matumba sa bus, oh," ani Chasen.

"Sino d'yan?"

"Yung maputing lalaki sa kanan. Yung pinuntahan mo." Sabi niya habang nakaturo kay Ansel.

"Ah, si Ansel," si Soren.

Soren talked about how he knows Ansel. Turns out they were classmates last school year. Soren also talked about how indifferent and smart Ansel is.

"Sobrang tahimik nga lang. Parang itong tropa lang natin," dagdag niya pa. He was talking about Elijah.

Yuriel diverted his gaze at Elijah who didn't even budge when Soren mentioned his name. Busy pa rin ito sa pagsusulat at pagbabasa ng notes sa notebook kaya walang imik. When Elijah felt Yuriel’s eyes watching him, he subconsciously looked up.

Nang magtama ang mga mata nila, agad na umiwas si Yuriel at itinuon ulit ang pansin sa pag-uusap nila.

Nagsalita na lang siya ulit tungkol kay Ansel para tanggalin sa isip ang mga titig ni Elijah.

Blur into YouWhere stories live. Discover now