PART 1

0 0 0
                                    

HER POV

'Wake up, love! Please wake up, gelika wake up, hold on, we'll go to the hospital please don't close your eyes!'

'I-I love you!' huling katagang binitawan ko at unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko.

'No! Gelika please I'm begging you, love!' he was crying.

***

Napabalikwas ako.

Kinapa ko ang gilid ng mga mata ko at pinunasan ang luhang tumulo doon.

Halos araw-araw ko iyong napapanaginipan at sa tuwing napapanaginipan ko yon ay kusa rin akong lumuluha kahit tulog ako.

Isang aksidente, nasa loob ako ng kotse at napupuno ng dugo ang mukha at ang damit ko, maging ang kasama kong lalaki ay may dugo rin katulad ko, ang pagkakaiba lang ay sa noo niya lang siya may dugo.

At higit sa lahat malabo ang mukha ng lalaking nasa panaginip ko, tanging mukha ko lang at sng loob ng sinasakyan naming kotse ang malinaw.

Ano ba ang ibigsabihin ng panaginip na iyon?

Sino yong lalaking kasama ko?

At bakit tinawag niya akong love?

At bakit alam niya ang pangalan ko?

At higit sa lahat bakit ako nag I love you sa kaniya?

Iniling-iling ko ang aking ulo at tumingin sa gilid ko kung nasaan ang minnie table at nasa ibabaw nito ang alarm clock ko.

3:23 palang ng madaling araw at sigurado akong hindi ko na madidiretso ang tulog ko.

Ilang beses ng nangyari sa akin ito at unti-unti na akong nasasanay.

Sadyang naguguluhan lang talaga ako kung bakit ko napapanaginipan Ang mga iyon.

Malakas ang kutob ko na hindi iyon basta-basta panaginip.

Malakas ang kutob ko na parang nangyari na iyon sa totoong buhay.

Katulad ng nakasanayan ay hihintayin ko na lang na magliwanag at pumatak ng alas singko para makapag asikaso na ako papasok sa school.

MY HUSBAND CAN TALK (The assassin's wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon