CHAPTER 3

379 27 9
                                    

6 years ago. . .

Halos isang buwan na si Remi sa school na pinapasukan, peaceful naman ang buhay niya lalo na nakakapag aral siya ng matiwasay dahil solo niya ang isang kwarto ng dorm.

Pero ganoon paman minsan na i-stress din siya lalo na kapag maingay ang kabilang kwarto, lalo na kapag ganitong weekend.

At kahit weekend, sobsob parin si Remi sa pag-aaral dahil iyon lamang ang libangan niya.

Pero kahit anong gawin niya hindi siya makapag concentrate dahil sa ingay ng kabilang silid.

Tok! Tok! Tok!

Sunod-sunod na pagkatok niya sa maingay na kwarto at halos limang minuto na siya nandoon ay hindi parin siya pinagbuksan kaya naman-

Tok! Tok! Tok!-

'Ano ba! Kanina ka pa huh!' anito ng pagbuksan siya kaya naman napahigpit ang yakap ni Remi sa makapal na libro na nasa dibdib niya.

'What!' inis na tanong ni Kerth at sabay na binugahan siya ng cigarette sa mukha.

Bahagyang napaubo si Remi dahil sa nalanghap.

Agad niyang tinakpan ang ilong.

'Ang arte! Hoy rich kid hindi ka special dito para intidihin ka namin, ano ba kailangan mo, disturbo ka' inis na sabi nito.

Lumunok muna si Remi bago dahan-dahang sumagot nang-

'Uhm, nag aaral k-kasi ako, hindi ako makapag concentrate' kagat labing sagot niya.

Kitang-kita niya ang pag usok ng ilong ng kaharap.

'It's weekend Bobo ka ba? Halos lahat nasa dorm dito are not here, nandoon sila sa labas nag paparty ang iba umuwi, ikaw nag aaral parin?' Hindi makapaniwalang tanong nito.

Tinignan ni Remi ang paligid.

Tama ito masyadong tahimik dahil wala ang ibang mga studyante, pwede kasi silang gumala o umuwi kapag weekend.

'K-kung ganoon, bakit kayo nandito?' Inosenting tanong niya

Natawa naman si Kerth pero pikon na pikon ang mukha.

Ayaw talaga nito sa mga kagaya niya.

Mabigat ang dugo sa mga katulad niya.

'Eh dito ko gusto mag unwind paki mo, at tsaka kung ayaw mo maingay umuwi ka sa inyo, disturbo' ani nito sabay bagsak na isinara ang pintuan

Remi sigh

Wala naman siyang magagawa kaya naman agad siyang tumalikod at naglakad pababa.

He decided na pumunta sa rooftop para lumanghap ng hangin.

Pagdating sa taas ay naramdaman niya agad ang malamig na hangin kaya napayakap siya sa sarili nakalinutan niyang magdala ng jacket.

Pero ayaw na niya bumalik masyado pa naman malayo ang pwesto ng dorm niya para bumalik pa.

Naglakad na si Remi papunta sa isang sulok ng magukat siyang makita ang hinahangaan na binata simula ng dunating siya rito.

Agad nagsalubong kilay nito ng makita siya.

'S-Sorry, a-akala ko walang tao' hinging paumanhin niya.

'It's okay, aalis na din naman ako maya-maya uubusin ko lang to' sagot nito

Napakagat si Remi.

Ang Ganda kasi ng boses nito buong-buo lalaking-lalaki.

Pinanood ni Remi ang binata na tinungga ang isang can na beer bago nilukot sa kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I AM HIS UNWANTED HALF (OMEGAVERSE) GEMINIFOURTHSTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon